This is an unofficial, unauthorized site of the Iglesia ni Cristo. The owner of this site is an ordinary member of Iglesia ni Cristo The purpose of the owner in creating this blog is to inform the people about Iglesia ni Cristo,especially to those who are mislead by some anti-INC blogs and websites.
Wednesday, 3 October 2012
Mali nga ba ang Sta.Cena ng Iglesia ni Cristo?
.
Marami ang tumutuligsa sa Iglesia ni Cristo, sa aming pagsasagawa ng Sta.Cena,Mali daw po ang pagsasagawa ng Sta.Cena ng Iglesia ni Cristo,dahil nung magsagawa ng Sta.Cena ang Panginoong Jesucristo ay wala naman daw abuluyan. Bakit daw po may abuluyan na nagaganap sa panahon ng pagsasagawa ng Sta.Cena, may talata daw po ba na sumusuporta dito? Kung meron daw, ano-ano daw ang mga ito?
Bweno, ating alamin, atin po'ng talakayin ang bagay na ito,mali nga po ba ang pagsasagawa ng pagsa-sta.cena ng Iglesia ni Cristo?
Nung PANAHON ng Panginoong Jesus, ito ay isinabay niya sa HAPUNANG PANGPASKUWA, o ng KAPISTAHAN ng TINAPAY ng walang LEBADURA ang kaniyang BANAL NA HAPUNAN:
Marcos 14:12 “AT NANG UNANG ARAW NG MGA TINAPAY NA WALANG LEBADURA, NANG KANILANG INIHAHAIN ANG KORDERO NG PASKUA, ay sinabi sa kaniya, ng kaniyang mga alagad, Saan mo ibig kaming magsiparoon at ipaghanda ka upang makakain ng KORDERO NG PASKUA?”
Isang pagdiriwang sa mga JUDIYO ang Kapisthan ng Tinapay ng walang LEBADURA, at sa gabi ng HAPUNANG PANGPASKUA ay kumakain sila at nagsasalo-salo sa KORDERO o TUPA NG PASKUA. Iba ito sa BANAL NA HAPUNAN, dahil ito ay talagang KAINAN.
Pagkatapos ng MAKAKAIN NG HAPUNANG PANGPASKUA, ay saka isinagawa ng PANGINOONG JESUS ang kaniyang BANAL NA HAPUNAN:
Lucas 22:14-15 “At nang dumating ang oras, ay naupo siya, at ang mga apostol ay kasalo niya. At sinabi niya sa kanila, PINAKAHAHANGAD KONG KANIN NA KASALO NINYO ANG KORDERO NG PASKUANG ITO bago ako maghirap:”
Lucas 22:20 “Gayon din naman ang saro, PAGKATAPOS NA MAKAHAPON, na sinasabi, ANG SARONG ITO'Y ANG BAGONG TIPAN SA AKING DUGO, NA NABUBUHOS NANG DAHIL SA INYO.”
Maliwanag ang sabi: PAGKATAPOS NA MAKAHAPON, ibig sabihin TAPOS NA NILANG KAININ ANG HAPUNANG PANGPASKUA, tsaka isinagawa ang PAGBABANAL NA HAPUNAN.
Ang mga GENTIL na naging KAANIB sa UNANG IGLESIA, ay hindi nagdiriwang ng KAPISTAHAN NG PASKUA, dahil hindi naman sila mga JUDIYO, ang HAPUNANG PANGPASKUA ay requirement lamang na gawin ng mga Judiyo. Narito ang dahilan:
Exodo 12:27 “Na inyong sasabihin: SIYANG PAGHAHAIN SA PASKUA NG PANGINOON, NA KANIYANG NILAMPASAN ANG MGA BAHAY NG MGA ANAK NI ISRAEL SA EGIPTO, nang kaniyang sugatan ang mga Egipcio, at iniligtas ang aming mga sangbahayan. At ang bayan ay nagyukod ng ulo at sumamba.”
Ang HAPUNANG PANGPASKUA ay isang PAGGUNITA sa ginawang PAGLAGPAS na kung tawagin sa English ay PASS OVER nung panahon ni Moises na pinatay ang lahat ng PANGANAY, at hindi nadamay ang mga anak ng bayan ng ISRAEL kundi ang mga panganay lamang ng mga EGIPCIO, dahil sa nilagpasan sila dahil sa paglalagay nila ng DUGO ng TUPA sa kanilang mga Pintuan.
Kaya sa dako ng mga GENTIL na hindi nagsasagawa ng HAPUNAN NG PASKUA ay sa PANAHON ng PAGTITIPON nila ito isinagawa:
1 Corinto 11:20 “Kaya’t sa inyong PAGTITIPON, hindi BANAL NA HAPUNAN ng Panginoon ang kinakain ninyo. [Ang Bagong Magandang Balita, Biblia]
Ito ‘yong talata na kinagagalitan ni Apostol Pablo ang mga Cristiano sa Corinto, na nagsagawa ng BANAL NA HAPUNAN ng walang kaayusan na inakalang ito ay ORDINARYONG HAPUNAN lamang na kaya isasagawa ay para MABUSOG, kaya niya nasabi na hindi BANAL NA HAPUNAN ang kanilang kinain. Pero maliwanag niyang sinabi na iyan ay sa panahon ng PAGTITIPON.
At ang PAGTITIPON na isinasagawa ng mga UNANG CRISTIANO ay ang PAGSAMBA sa Diyos:
1 Corinto 14:26 “Ano nga ito, mga kapatid? PAGKA KAYO'Y NANGAGKAKATIPON ANG BAWA'T ISA SA INYO'Y MAY ISANG AWIT, MAY ISANG ARAL, MAY ISANG PAHAYAG, MAY WIKA, MAY ISANG PAGPAPALIWANAG. Gawin ninyo ang lahat ng mga bagay sa ikatitibay.”
Ang mga UNANG CRISTIANO na kabilang sa DAKO ng mga GENTIL, ay nagsagawa ng kanilang BANAL NA HAPUNAN sa kanilang PAGTITIPON o PAGSAMBA.
Kaya ang Iglesia ni Cristo po ay ganun din, ISINABAY ANG BANAL NA HAPUNAN sa aming PAGSAMBA, gaya ng ginawa ng mga UNANG CRISTIANO, dahil tayo man ay hindi required na magsagawa ng HAPUNANG PANGPASKUA, dahil hindi naman tayo LAHING JUDIO.
Ang PAGSAMBA ang may ABULOY, hindi ang BANAL NA HAPUNAN:
Hebreo 13:15-16 “Sa pamamagitan nga niya ay maghandog tayong palagi ng hain ng PAGPUPURI SA DIOS, sa makatuwid baga, ay ng bunga ng mga labi na nagpapahayag ng kaniyang pangalan. Datapuwa't ang paggawa ng mabuti AT ANG PAGABULOY ay huwag ninyong kalimutan: sapagka't sa mga gayong hain ang Dios ay totoong nalulugod.”
Sa panahon ng PAGPUPURI SA DIYOS, sa PANAHON ng PAGSAMBA ginagawa ang ABULUYAN, isinabay lamang ang BANAL NA HAPUNAN. Walang ABULUYAN ang BANAL NA HAPUNAN, NAGAABULOY kami sa PAGSAMBA, at hindi sa BANAL NA HAPUNAN.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment
Note: only a member of this blog may post a comment.