Mga kaibigan namin
lalo na sa mga kaanib ng Members Church of God International Incorporated,
tinatawag ding "Ang Dating Daan" napakalinis ng aming layunin sa
paglalahad sa inyo ng ulat na naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa mga aral
at turo ni Ginoong Eliseo SORIANO. Kayo ang magpasiya kung dapat pa kayong
manatili sa samahang ito pagkatapos ninyong malaman ang mga katotohanang ito. Subalit bago ang
lahat ay nais muna naming malaman ninyo kung ano ang kasaysayan ng Iglesiang
kinaaaniban ninyo sa ngayon.
Noong 1922
nagparehistro sina G. Teofilo Ora, itiniwalag sa Iglesia ni Cristo, ng isang
samahan na tinawag na Iglesia Verdadera de Cristo. Subalit pagkalipas ng ilang
buwan ay binago niya ang pangalan ng Iglesiang ipinarehistro niya. Tinawag niya
ito na Iglesia ng Diyos kay Kristo Jesus. Dito naging kaanib si Ginoong Nicolas
Perez, itiniwalag din sa Iglesia ni Cristo at siyang sugo na kinikilala ni G.
SORIANO. Ang dahilan ng pagkatiwalag kay G. Perez sa Iglesia ni Cristo ay dahil
sa kinunan niya ng litrato sa ilog ng Mabacao, Maragondon, Cavite ang mga
inanyayahan niyang mag-picnic at pagkatapos ay ipinadala ito kay kapatid na
Felix Manalo at sinabing ang mga nasa litrato ang mga pinabautismuhan niya.
Samakatuwid, hindi gawa ng isang tunay na mangangaral ang ginawa ni G. Perez,
kaya siya itiniwalag. Pansinin din na sa simula pa lamang ay dalawang beses
nang nagpalit ng pangalan ang iglesiang ipinarehistro ni G. Ora na rito ay
kaanib si G. Perez.
Noong namang 1931,
nagkahiwalay si G. Perez at G. Ora dahil sa ang nais ni G. Perez ay siya ang
mamahala sa Iglesia. Hindi pumayag si G. Ora. Sa pangyayaring ito, nangaral na
naman ng panibagong Iglesia si G. Perez. Tinawag niya itong Iglesia ng Diyos
kay Cristo Jesus Haligi at Suhay ng Katotohanan. Sa Iglesiang ito nabautismuhan ang mga magulang ni
Eliseo F. SORIANO noong 1934 ayon na rin sa pagtatapat ni G. SORIANO.
Noon namang 1936
ipinarehistro ni G. Perez ang Iglesiang ito na ipinangaral niya noong 1931.
Ganito ang nakalagay sa rehistro noong 1936:
That the official name of this society will be called "The church of God in Christ Jesus The Pillar and Ground of the Truth; Iglesia de Dios En Cristo Jesus, Columna Y Apoyo dela Verdad: Iglesia ng Dios kay Kristo Jesus Haligi at Suhay ng Katotohanan. That the central office of this society shall be situated at 530 Natividad St. Pasay City'. May lagda ito ni Ginoong Pedro SORIANO bilang General Secretary.
That the official name of this society will be called "The church of God in Christ Jesus The Pillar and Ground of the Truth; Iglesia de Dios En Cristo Jesus, Columna Y Apoyo dela Verdad: Iglesia ng Dios kay Kristo Jesus Haligi at Suhay ng Katotohanan. That the central office of this society shall be situated at 530 Natividad St. Pasay City'. May lagda ito ni Ginoong Pedro SORIANO bilang General Secretary.
Samakatuwid, mula 1931 hanggang 1936 ay kolorum ang
relihiyong ipinangaral ni G. Perez. Naging opisyal lamang (daw) noong 1936.
Samakatuwid, hindi na dapat baguhin ang pangalan ng Iglesiang ipinarehistro ni
G. Perez dahil opisyal na raw ito.
Taong 1954 nang
humiwalay naman ang grupo ni G. Avelino Santiago sa Iglesiang ipinarehistro ni
G. Perez dahil nagturo si G. Perez na siya raw ang puno ng buhay at hindi ang
Panginoong Jesucristo.
Noong 1973 lamang
pinagtibay ni G. Perez na rito ay sang-ayon si Eliseo SORIANO na si Cristo ay
tunay na Diyos. Samakatuwid, mula noong 1931 ay walang malinaw na aral ang grupo
ni G. Perez kung ano talaga ang kalagayan ni Cristo.
Taong 1975 na ng
bawian ng buhay si G. Perez. Si Bb. Levita Gugulan ang naging presiding
minister dahil ito ang nasa by-laws. Sa simula ay sang-ayon si G. SORIANO na si
Bb. Gugulan ang siyang mamahala sa Iglesia. Lumagda ng pagsang-ayon si G.
SORIANO na ititiwalag ang sinumang lalaban sa pamamahala ni Bb. Gugulan. Limang
manggagawa ang sinuspinde dahil sa paglaban sa pamamahala ni Bb. Gugulan. Isa
si G. SORIANO na sumang-ayon na suspindihin ang limang manggagawa.
Noong 1976 ay isa sa
mga naging board of director si G. SORIANO sa Iglesiang pinamamahalaan ni Bb.
Gugulan. Sa taon ding ito siya itiniwalag kasama ang 13 kaanib dahil sa
pagtutol sa pamamahala ni Bb. Gugulan. Tinindigan ni G. SORIANO na hindi dapat
mamahala ang babae sapagkat labag ito sa Biblia. Subalit halos 2 taon din ang
lumipas na namahala si Bb. Gugulan sa kanila. Nangangahulugang sa loob ng 2
taong pamamahala ni Bb. Gugulan ay hindi sila sa Diyos sapagkat babae ang
namamahala. Diumano ay si G. SORIANO raw ang dapat mamahala sa Iglesia dahil
siya ang bukod tanging ministro na sinanay maging sa debate upang humalili kay
G. Perez. Kung siya ang dapat mamahala sa Iglesia pagkamatay ni G. Perez, bakit
pumayag pa siya na si Bb. Gugulan ang mamahala sa loob ng 2 taon? Di ba dapat
ay siya na agad ang namahala sa Iglesia? At nasaan ang napakatagal na niyang
sinasabing katunayan na siya lamang ang ministrong pinagtiwalaan ni G. Perez na
mamahala sa Iglesia?
Noong Marso 30, 1977,
nagparehistro si G. SORIANO sa SEC sa pamamagitan ni G. Fermin Calma ng isang
panibagong Iglesia. Ganito ang nakasulat sa Articles of Incorporation:
"That Iglesia ng Dios kay Kristo Hesus Haligi at Saligan ng Katotohanan is
a religious denomination, this church is an independent society and not
affiliated or part of any other church. That the principal office of the church
shall be located at Bacolor, Pampanga at Barangay Tinajero." Huwag itong
ikakaila ni G. SORIANO dahil ang relihiyong ito ang ipinangaral niya mula nang
itiwalag siya sa samahan ni Bb. Gugulan. Pansining hindi na Suhay ang
ipinarehistro kundi Saligan.
Taong 1978, kung
hindi kami nagkakamali, nabahagi naman ang Iglesia ni G. SORIANO. Humiwalay sa
kaniya ang grupo ni G. Filomeno Hizon.
Taong 1979, inamin ni
G. Calma sa korte na iba ang salitang Suhay at Saligan. Ito raw ay magkaibang
salita na may magkaibang kahulugan. Inamin din niya na 1922 pa nagsimula ang
Iglesiang ipinangaral ni G. Perez. Sa paglilitis na ito ay saksi si G. SORIANO.
Noon namang 1980 ay nagparehistrong muli ng panibagong Iglesia si G. SORIANO.
Ito ang samahang tinawag niya na Ang mga kaanib sa Iglesia ng Dios kay Kristo
Hesus, Haligi at Saligan ng Katotohanan sa Bansang Pilipinas, Incorporated.
Ganito ang nakalagay sa Articles of Incorporation: "That this religious
society or organization shall be called 'Ang mga kaanib sa Iglesia ng Diyos kay
Kristo Hesus Haligi at Saligan ng Katotohanan sa Bansang Pilipinas'. That the
principal office of the corporation is to be established and located at Bagong
Pag-asa Village, Apalit, Pampanga." Dito sa relihiyong ito kayo kaanib
ngayon.
Mayo 4 1988 nang
dumating ang pasiya ng SEC na palitan nina G. Calma at G. SORIANO ang Iglesiang
ipinarehistro nila noong 1977. Ganito ang pasiya ng SEC: "Wherefore, in
view of all the foregoing, respondent Iglesia ng Dios kay Kristo Jesus, Haligi
at Saligan ng Katotohanan is hereby ordered to change its corporate name to
another name not similar to any name already used by a corporation." May lagda
ito ni James Abugan na siyang hearing officer noon. Batay sa record ng SEC ay
hindi na naghabol ang grupo ni G. Calma at G. SORIANO sa pagkatalo nilang ito
dahil nagparehistro naman si G. SORIANO ng Iglesian noong 1980. Marahil
napatunayan nilang mali at hindi opisyal na pangalan ng Iglesia ang
ipinarehistro nila, nina G. Calma noong 1977.
Noong 1993 lamang
nalaman ng grupo nina G. Maximino Nieto, humalili kay Bb. Levita Gugulan na si
G. SORIANO ay nagpa-rehistro ng panibagong Iglesia noong 1980.
Noon ding 1993 muling
nagparehistro ng panibagong samahan si G. SORIANO. Tinawag niya itong Bayan ng
Katotohanan Incorporated. Si G. SORIANO ang presiding minister. Ganito ang
nakasulat sa Articles of Incorporation: "That we, the undersigned, all of
legal age, have this day voluntarily associated ourselves for the purpose of
forming religious corporation in accordance with SEC 116 of the Corporation
Code of the Philippines and we certify: First: That the name of this
corporation shall be: Bayan ng Katotohanan Inc. Second: That this religious
corporation is a religious organization and an independent organization. It is
also known as the City of Truth."
Si G. SORIANO ang
Presiding Minister sa samahang ito tulad ng mababasa sa kanyang pahayag na
ganito: "That I, Eliseo SORIANO of legal age Filipino, and a resident of
K-40 Bagong Pag-asa Subdivision, Apalit, Pampanga, after having duly sworn in
accordance with law, do hereby depose and say that I am the Presiding minister
of the Bayan ng Katotohanan INC." Sinumpaan niya ito sa harap ni Attorney
Benjamin Alba noong December 14, 1993. May mga lagda ito nina G. SORIANO,
Danilo Navales, Daniel Razon, Josell Mallari, Freddie Cabanilla, Arcadio
Mallari at Renato Dimalanta. Hindi pa ba sila nasiyahan sa mga naunang samahang
ipinarehistro kaya't nagparehistro na naman ng panibagong samahan? Sa Diyos ba
ang samahang ito na sa mula't mula pa ay laging nagbabago ng pangalan? Hindi na
ba ito magiging opisyal? Kayo ang humatol.
Noong 1994 ay
inihabla ng grupo ni G. Nieto si G. SORIANO.
Nobyembre 20, 1995
nang dumating ang pasiya ng korte na palitan ni G. SORIANO ang pangalan ng
Iglesiang ipinarehistro niya noong 1980. Ganito ang desisyon ng SEC:
"Respondent Mga kaanib sa Iglesia ng Dios kay Kristo Jesus Haligi at Saligan
ng Katotohanan sa Bansang Pilipinas is hereby mandated to change its corporate
name not deceptively similar or identical to the name already used by the
Petitioner." So ordered. May lagda ito ng hearing officer na si Ysobel
Yasay Murillo. Samakatuwid, muling natalo si G. SORIANO.
Noong taong 1996 ay
nag-apela si G. SORIANO sa SEC dahil sa diumano ay napabayaan ng kaniyang
abogado ang kasong ito. Pinalitan niya ang kaniyang abogado.
Noong October 7,
1997, dumating ang pasiya ng korte tungkol sa apela ni G. SORIANO sa pagkatalo
niya sa SEC. Sa kaniyang apela ay muli na naman siyang natalo. Ganito ang pasya
ng korte.
"Wherefore, the
instant petition for review is hereby denied." May lagda ito nina Cancio
Garcia, Delillah Vidallon Magtolis at Marina Buzon. Sila ay mga associate
Justices sa Court of Appeals sa Maynila. Diumano ay patuloy na maghahabol si G.
SORIANO hanggang sa Kataastaasang Hukuman o Supreme Court.
Ito po ang kasaysayan
ng Iglesiang ipinarehistro ni G. Perez na diumano ay kinikilalang sugo ni G.
SORIANO.
Bukod sa napakagulo
at laging nababahaging samahan nina G. Perez at G. SORIANO, napakarami rin ng
mga mali, pabagu-bago at mga salungatang aral na itinaguyod ni G. Perez at
kasalukuyang itinataguyod ni G. SORIANO. Ang sinabing doktrina kahapon ay iba
na sa sinabing doktrina ngayon. Pakinggan ninyo ang mga ito. Simulan muna natin
sa pangalan ng Iglesiang ipinarehistro. Tunay ba ang ipinarehistro ni G. Ora at
G. Perez noong 1922? Tandaan ninyo na sa simula pa lamang ng rehistro ay dalawang
beses ng nagpalit ng pangalan. Kung tunay ito, di hindi na tunay ang
ipinangaral noong 1931? O baka naman ang tunay ay ang ipinarehistro noong 1936?
Kung itatanggi ni G. SORIANO ang Iglesiang ipinarehistro noong 1936, para na
rin niyang itinanggi? ang kinikilala niyang sugo na nagparehistro nito maging
ang mga magulang niya na nabautismuhan sa relihiyong ito noong 1934. Di ba 17
taong gulang pa lamang ay nangangaral na si G. SORIANO ayon sa pahayag niya at
diumano ang nagturo sa kanya ay ang kapatid na Matanda na si G. Perez Di nangangahulugang tunay na ang relihiyong
ipinarehistro ni G. Perez noong 1936 Kung tunay na ito, di hindi na tunay ang
ipinarehistro ni G. SORIANO noong 1977?
Kung tunay ang ipinarehistro noong 1977, di hindi na tunay
ang ipinarehistro ni G. SORIANO noong 1980 na rito ay kaanib ang ilan sainyo?
Kung tunay naman ang ipinarehistro noong 1980, tunay din ba ang ipinarehistro
noong 1993 na Bayan ng Katotohanan Incorporated? Na rito ay presiding minister si
G. SORIANO?
O wala isa mang tunay sa mga ito? Ngayon iyong IGLESIA NI
YHWH AT NI YHWSA HMSYH, INC na pinarehistro niya noong 1994 at ito bale ang
Church of God International, alin ang tunay dito?
Hindi ba napakagulo
at pawang salungatan ang mga pangalan ng Iglesiang ipinarehistro nina G. Perez
at G. SORIANO? At di ba may pasiya ang
korte na dismiss o talo ang apela ni G. SORIANO noong 1996? Di nangangahulugang
kolorum ang samahan ninyo hanggang sa oras na ito. At naghabol na ba si G.
SORIANO sa Supreme Court tungkol sa pagkatalo ng Iglesia niya sa Court of
Appeal?
O hindi na siya
maghahabol dahil may ipinarehistro naman siyang Bayan ng Katotohanan
Incorporated?
Pakitanong ninyo kay Ginoong? SORIANO kung nasa hula ng
Biblia na ang Iglesia na pinasimulan ni G. Perez na diumano ay itinataguyod
niya ay magkakaroon ng napakaraming pangalan, magkakahati-hati, mahahabla at
matatalo sa habla? Nasa hula rin ba ng Biblia na hanggang sa taong ito, 76 na
taon ang nakalipas ay wala pang opisyal na pangalan ang relihiyong kinaaaniban
ninyo? Tandaan ninyo na malabo pa sa tubig baha kung ano talaga ang pangalan ng
Iglesiang kinaaaniban ninyo. Ito nga kaya ang tunay na Iglesia ng Diyos na
nakasulat sa Biblia? Huli na kaya sa mga pangalan na maaring iparehistro ni
Eliseo Soriano ang Members Church of God International Incorporated?
Puntahan naman natin ang ukol sa mga doktrina maging sa mga ipinahayag ni G. SORIANO sa radyo at telebisyon.
Puntahan naman natin ang ukol sa mga doktrina maging sa mga ipinahayag ni G. SORIANO sa radyo at telebisyon.
UKOL SA SALITANG
SUHAY AT SALIGAN
Di ba ang
ipinarehistro ni G. Perez ay Suhay at ang kay G. SORIANO ay Saligan? Di ba
inamin ni G. SORIANO na iba ang Suhay sa Saligan? Di malinaw na salungatan ang
aral ng dalawa? Di ba kinamatayan ni G. Perez ang salitang Suhay? Di namatay
siyang hindi tunay ang pangalan ng Iglesiang ipinangaral niya? Diumano, ayon
kina G. SORIANO, Danilo Navales at Mel Magdaraog, hindi raw gaanong
nakapag-aral si G. Perez, kaya Suhay ang naiparehistro. Di ba halos wala ring
pinag-aralan ang mga apostol? Mali ba ang mga aral ng mga apostol? Di ba tamang
lahat ang itinuro nila sapagkat may Espiritung pumatnubay sa kanila dahil sila
ay mga sugo ng Diyos. Diumano, ayon kay G. SORIANO ay inutusan siya ni G. Perez
na magsaliksik kung ano talaga ang tama, kung Suhay o Saligan dahil sa marami
raw salin ang nagpapatotoo na Saligan ang tama. Maging sa wikang Griyego ay
Saligan din ang katumbas sa Pilipino. Di nangangahulugang mali nga ang Suhay??
Di mali ang Iglesia ni G. Perez at ni G. SORIANO mula 1936 at
naging tama lamang noong magparehistro si G. SORIANO noong 1980?
Kung tama ang
Saligan, di mali ang nasa himnario na ginawa at binalangkas mismo nina G.
Nicolas Peres at G. Eliseo SORIANO?
Ganito ang nilalaman
ng nasa Himnario 1990, pahina 44, ika-2 estropa:
" Si Kristo ang buhay, Ilaw sa puso'y tanglaw, Nating lahat na
tinawagan, Sa Iglesia ng Diyos na haligi at suhay na ating kaligtasan."
Di ba kaya lamang ipinarehistro ni G. SORIANO ang Saligan ay
upang maiba sa ipinarehistro ni G. Perez dahil bawal sa batas na magparehistro
ng isang samahang nakarehistro na?
UKOL SA MAY HINDI RAW
ALAM ANG DIYOS
Isang
ipinagmamalaking doktrina ni G. SORIANO na may hindi alam ang Diyos. Di hindi
rin alam ng Diyos na may magrerebelde pa sa langit dahil mayroon Siyang hindi
alam?
Di hindi rin alam ng
Diyos kung may mga lalaban pa sa Kaniya pagdating ng mga maliligtas sa bayang
banal?
Di ba napakahinang klase ng Diyos ni G. SORIANO, nagawang
lalangin ang buong sansinukob at nakagawa ng mga kahanga-hangang gawa, yaon
pala ay mayroong hindi alam?
Bakit naipatala ng Diyos sa Biblia na ang parurusahan ay
singdami ng buhangin sa dagat kung mayroon siyang hindi alam?
Bakit naipatala Niya
ang lahat ng pangyayari sa darating kung mayroon Siyang hindi alam? Marahil,
hindi alam ng Diyos ni G. SORIANO na magkakagulo rin ang relihiyong
ipinarehistro niya at ni G. Perez at hindi rin alam ng Diyos na napakarami
palang salungatan ang mga aral niya. Lahat ng tanong kay G. SORIANO ay
nasasagot daw niya (kuno), pagkatapos ay ang Diyos na kinikilala niya ay may
hindi alam.
Nakapanghihilakbot na doktrina ito dahil may limitasyon ang
kakayahan ng Diyos na kinikilala niya. Kayo matatanggap ba ninyo na ang
kinikilala ninyong Diyos ay may hindi alam? Di ba ang Diyos ang
pinakamakapangyarihan sa lahat, pinakamarunong sa lahat at sumasa lahat?
UKOL SA HINDI
PAG-AASAWA NG MGA ANGHEL
Naninindigan si G.
SORIANO na ang mga anghel ay hindi nag-aasawa sapagkat espiritu ang kalagayan
ng mga ito. Ngunit ipinahayag ni G. SORIANO na ang mga anak ng Diyos na
nagsipag-asawa ng mga anak ng mga tao ay mga anghel. Para na siyang kumuha ng
bato at ipinukpok sa sarili niyang ulo dahil sa aral na ito. Diumano ay walang
anghel na tao? Sino naman ang anghel na tao na binabanggit sa Apocalipsis
21:17? Pakitanong kay G. SORIANO, ano sa Griyego ang anghel? Ano sa Griyego ang
mga sugo kay Rahab? Ano sa Pilipino ang angelos?
UKOL SA IISANG
SANTIAGONG APOSTOL
Halos manggalaiti si
G. SORIANO sa paninindigang iisa raw ang Santiago na Apostol sa Biblia?
Tinutuligsa niya ang mga kaanib sa Iglesia ni Cristo at sinabing kawawa raw ang
mga kaanib nito dahil sa Iglesia ni Cristo raw, kahit patay na ay
nakapagpapasiya pa. Ipinahintulot na naman ng Diyos sa napakalaking pagkakamali
si G. SORIANO dahil 2 ang Santiagong Apostol sa Biblia. Kayo na ang bumasa sa
Mateo 10:2-4 at mapatutunayan ninyo kung sino ang nagsasabi ng totoo at hindi.
UKOL SA
TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN
Diumano ay si Apostol
Pablo raw ang Tagapamahalang Pangka-lahatan ng unang Iglesia ni Cristo at hindi
si Apostol Santiago. Sino naman ang Tagapamahalang Pangkalahatan sa Iglesia
noong hindi pa natatawag na maging apostol si Apostol Pablo? Anong talata? Di
ba malinaw na si Apostol Pablo ay doon lamang sa mga Gentil isinugo at hindi
naman sa dako ng mga Judio dahil si Apostol Pedro ang sugo rito? Hindi ba ng
magkaroon ng usapin sina Apostol Pablo at Apostol Pedro ay sumangguni sila sa
Jerusalem? Hindi ba ang nagpasiya sa suliraning bumangon sa unang Iglesia ay si
Apostol Santiago? Pakibasa na lamang po ang nilalaman ng Gawa kapitulo 15.
UKOL SA Zacarias
13:7-9
Malinaw ding
tinitindigan ni G. SORIANO na sila ang katuparan ng nasa Zacanulls 13:7-9. Kung
sila ang katuparan nito, sino ang Pastor na sinaktan? Si Ginoong Perez ba?
Sinaktan ba siya? Sino ang mga maliliit? Sino ang nahiwalay? Sino ang naiwan?
Sino ang nangalat? Sino ang mamamatay? Ang katuparan ba nito ay ang samahan ni
G. Perez? Ilang beses silang nabahagi? Ilang beses silang nahiwalay ? Bakit
hanggang ngayon ay walang opisyal na pangalan? Di ba ang Pastor na sinaktan ay
ang Panginoong Jesucristo at ang mga maliliit ay ang mga apostol?
UKOL SA PAGTALIKOD
Tinitindigan din ni
G. SORIANO na diumano ay walang pagtalikod na naganap sa unang Iglesia dahil
lilitaw na mahina ang Diyos kung matatalikod ang itinatag Niya. Mahina ba ang
Diyos nang tumalikod si Adan at Eva? O ang mahina ay si Adan at Eva? Mahinang
klase ba ang Diyos nang tumalikod ang bansang Israel? O ang mahinang klase ay
ang bansang Israel? At kung totoong walang naganap na pagtalikod sa Iglesiang
itinatag ni Cristo, sinu-sino ang mga naging tagapamahala sa Iglesia bago
sumapit sa panahon ni G. Perez? Di ba nasa himnario 1990, pahina 82, na ang
Iglesiang tunay ay nagiba at nawala? Ganito ang nakasulat sa himnario: "Sa
dakong silanganan tinutukoy ng hula, Dito ay mababangon ang bayang nagiba, Ang
Iglesiang tunay malaong nawala, ngayo'y ibinabandila." Alin kaya itong Iglesiang
nawala at nagiba? Di ba malinaw na kasinungalingan na naman ang itinuturo
niyang walang pagtalikod? Di ba malinaw din na salungat ang paninindigan ni G.
Perez sa paninindigan ni G. SORIANO?
UKOL SA KALAGAYAN NG
PANGINOONG JESUCRISTO
Maging sa pagtuturo
kung ano talaga ang kalagayan ni Cristo ay napakaraming salungatang ipinahayag
si G. SORIANO. Ayon kay G. SORIANO, si Cristo raw ay inahing manok. Ayon naman
kay G. Danilo Navales, manggagawa ni G. SORIANO, wala raw matinong tao na
magtuturo na si Cristo ay inahing manok. Di para niyang sinabi na hindi
matinong tao si G. SORIANO? Turo rin ni G. SORIANO na si Cristo ay nasa
kalagayang manok. May aral pa siyang si Cristo raw ay kumakatawan at tumulad sa
inahing manok. Diumano, ayon pa rin sa turo niya, si Cristo raw ay may
spiritual na pakpak? Di nangangahulugang may spiritual na palong din at may
spiritual na tuka? Ano kayang talata? May binaggit din siyang si Cristo ay
taong ibon at ang batayan niya ay nasa Isaias 46:11. Diumano ay si Cristo raw
ang angel sa Apocalipsis 7:2-3? Sa madaling salita, napakagulo ng mga aral ni
G. SORIANO.
UKOL SA KATUPARAN NG
BIG 4
Diumano ay alam daw
ni G. SORIANO kung sino ang katuparan ng Big 4 na binabanggit sa Apocalipsis
7:1-3. Noon pang 1982 niya ipinangakong ihahayag kung sino ito pero hanggang
ngayon 2013 na bale 31 na taon na ang lumipas ay hindi pa niya masabi kung
sino.
UKOL SA KATUPARAN NG
DANIEL 12:4, 9-10
Malakas din ang loob
ni G. SORIANO na sabihing siya ang katuparan ng pantas na binabanggit sa Daniel
12:4 at 9-10. Ang panahon daw ng paglitaw o pagbangon nito ay sa panahong
malago na ang karunungan ng tao at ito raw ay noong 1980 nang iparehistro niya
ang samahan niyang 'Ang mga kaanib sa Iglesia ng Dios kay Kristo Hesus, Haligi
at Saligan ng Katotohanan sa Bansang Pilipinas, Incorporated'. Di para niyang
sinabi na bobo ang bumangon noong 1936 na rito ay kaanib ang kinikilala niyang
sugo maging ang mga magulang niya? Di ba rito ay naging kaanib din si G.
SORIANO?
UKOL SA PATUBUAN
Labag sa Biblia ang
patubuan sapagkat nakasulat sa Deutrunomio 23:19 ang ganito:
"Huwag kang magpahiram na may tubo sa
iyong kapatid."
Kumusta na kaya ang Bayan ng Katotohanan Credit Cooperative
na kung manghihiram ka ay patutubuan?
UKOL SA ANTI-CRISTO
Hindi raw itinuturo
ni G. SORIANO na ang Papa ang 666 gayong nasa himnario pahina 94, malinaw na
sinasabi na ang Papa ang katuparan ng Anti-Cristo? Tingnan ninyo ang
pagkakasulat sa ikatlong estropa:
"Anti-Kristo'y
may tanda siyang inangkin, Anim na raan anim na put anim, Sa mitra ng papa ating
bilanging, Vicarius Filii Dei sa wikang latin."
Di ba isa na naman itong malaking kasinungalingan ni G.
SORIANO?
UKOL SA MARANGYANG
DAMIT
Ipinagbabawal ni G.
SORIANO ang marangyang damit pero naka-amerikana siyaminsan sa pagtuturo. Di ba iba ang sinasabi niya sa
kanyang ginagawa?
UKOL SA SASAKYAN
Tinutuligsa niya ang
mga Mangangaral na may mga sasakyan dahil si Cristo raw at ang mga apostol ay
sa asno sumasakay noon. Marahil, asno rin ang sinasakyan ni G. SORIANO mula
Apalit patungong Maynila. Marahil tama ang sinasabi ni G. Navales na mayroong
ngang hindi matinong tagapangaral. Pumunta naman tayo sa
sasakyan ni Eli. Ilan ang sasakyan na naka-rehistro kay Eli ayon mismo sa kanya?
Eli Soriano: Actually ang naka-rehistro lang siguro sa pangalan ko isang jeep na sarao...na matanda na
Mike Enriquez(Imbestigador): Ano pang-pasada na jeepney?
Eli Soriano: Pang-pasada
Mike Enriquez(Imbestigador): Ano ho...pumapasada mismo ngayon?
Eli Soriano: Oho, sa San Fernando Malolos. Iyon lang ang naka-rehistro sa pangalan ko (audio/video)
Pero ayon sa pag-iimbistiga ni Mike Enriquez ng IMBESTIGADOR na nakalap 'nya sa LTO ay anim ang sasakyan ang nakarehistro sa pangalan ni Eli Soriano
Uri ng sasakyan Petsa ng huling pag-rehistro
1.Nissan Truck Bus...............February 4, 2002
2.Toyota Hi-Ace...................April 1, 2003
3.Nissan Vanette..................May 6, 2003
4.Chrysler Town & Country.....July 24, 2003
5.Mitsubishi L300.................Sept.11, 2003
6.Isuzu Truck......................Sept 30, 2003
Eli Soriano: Actually ang naka-rehistro lang siguro sa pangalan ko isang jeep na sarao...na matanda na
Mike Enriquez(Imbestigador): Ano pang-pasada na jeepney?
Eli Soriano: Pang-pasada
Mike Enriquez(Imbestigador): Ano ho...pumapasada mismo ngayon?
Eli Soriano: Oho, sa San Fernando Malolos. Iyon lang ang naka-rehistro sa pangalan ko (audio/video)
Pero ayon sa pag-iimbistiga ni Mike Enriquez ng IMBESTIGADOR na nakalap 'nya sa LTO ay anim ang sasakyan ang nakarehistro sa pangalan ni Eli Soriano
Uri ng sasakyan Petsa ng huling pag-rehistro
1.Nissan Truck Bus...............February 4, 2002
2.Toyota Hi-Ace...................April 1, 2003
3.Nissan Vanette..................May 6, 2003
4.Chrysler Town & Country.....July 24, 2003
5.Mitsubishi L300.................Sept.11, 2003
6.Isuzu Truck......................Sept 30, 2003
UKOL SA ORDENASYON
Mayroon siyang
iba't-ibang paliwanag ukol dito. Diumano ay sa ulo raw papatungan ng kamay. May
turo siya na hindi raw ito literal na kamay, di hindi rin literal ang ulo at
hindi rin literal ang patong? Diumano mula ulo ay dadaus-dos sa balikat?
Literal bang pagdaus-dos ito at literal din bang balikat? Di ba inamin niyang
ang Isaias 9:6 ay ordenasyon? Inordenahan ba siya ni G. Perez? Literal bang
kamay? Dumaus-dos ba sa balikat? Inordenahan ba ni G. SORIANO ang mga
manggagawa niya? Kung walang ordenasyon sa samahan ninyo, di nangangahulugang
walang ministro? Alam ba ninyo na may nakalagay sa By Laws ng samahan ninyo ang
ganito: Section 5: "That the council of Ministers is composed of all
ordained minister, each one with a written appointment from the incumbent
Presiding Minister." May lagda ito ni G. SORIANO kasama ang 9 na iba pa.
UKOL SA PAG-AASAWA
Ilan pang aral ni G.
Perez na tahasang sinalungat ni G. SORIANO ay ang ukol sa pag-aasawa. Ipinahihintulot
na ngayon ang mag-asawa sa mga kaanib ni G. SORIANO samantalang mahigpit na
ipinagbabawal ang pag-aasawa sa panahon ni G. Perez. Ang katunayang
ipinahihintulot na ngayon ang pag-aasawa ay ang mga ikinasal noon sa Araneta
Coliseum. Salungat naman ito sa himnario 1993 pahina 72. Ganito ang nakalagay
sa himnario:
"Oh kabataan, H'wag na tayong
mangag-asawa, Malapit ang kawakasan, Nang mangaligtas sa parusa."
Ganito naman ang nasa pahina 134 na ang pamagat ay Awit Sa
Mga Manggagawa, ika-2 estropa:
"Kami ay hinding-hindi na mag-aasawa, Ang
aming buong lakas, Laan sa Kanya, Para kay Hesus ang buhay, O para kay Hesus
lamang."
Pakibasa na rin ang nasa pahina 66. Dito ninyo mapatutunayan
na nagkakalaban laban ang mga aral nina G. Perez at G. SORIANO. Pakibasa na rin
ang nasa I Timoteo 4:1-3 at mapatutunayan ninyo na ang pagbabawal ng pag-aasawa
ay hindi aral ng Diyos kundi aral ng demonyo. Ang katunayan ay may asawa si
Apostol Pedro maging ang iba pang mga apostol. Basahin ang I Corinto 9:5.
UKOL SA ALAHAS
Sa panahon ni G.
Perez ay karumaldumal ang gumamit ng alahas. Itinitiwalag ni G. Perez ang
sinumang lumabag dito. Ngunit sa panahon ni G. SORIANO ay ipinahihintulot na
ang paggamit ng alahas. Ang isang matibay na katunayan ay ang pagbebenta ni G.
SORIANO ng alahas kay Ginang Lolita Hizon. Marahil ay tatanggi si G. SORIANO
ukol dito. Malalaman ninyo ang pagtatapat ni G. Lolita Hizon na si G. SORIANO
ay nagbenta sa kaniya ng alahas. Kung bawal ang pag-aalahas, itiniwalag na ba
ni G. SORIANO ang lahat ng mag-aalahas na miembro niya maging ang mga gumagamit
ng alahas?
UKOL SA
PAGKAKATIWALAG KAY G. SORIANO
Boong giting na
isinisigaw ni G. SORIANO na hindi raw siya itiniwalag sa grupo nina Bb. Gugulan
kundi kusang tumiwalag. Nabanggit na naman sa inyo na napakasinungaling ni G.
SORIANO. Katunayan, pakinggan ninyo ang nilalaman ng Circular bilang 6, Serye
ng taong 1976 tungkol sa pagkakatiwalag niya:
"Sa lahat ng mga
kapatid kay Kristo Hesus: Alinsunod sa Artikulo IV Seksion 1 ng patakarang
batas ng Iglesia ng Diyos kay Kristo Hesus Haligi at Suhay ng Katotohanan, ang
mga pamunuan at miembro sa Iglesia na dapat itiwalag ay yaong tinutukoy sa
talatang 2 ng nabanggit na artikulo. Batay sa disiplinang nabanggit sa itaas,
ang pangasiwaan ng INDKKHSK ay makatuwirang ipinaiiral ang pagpapatupad ng
panuntunang ito at walang pasubaling itinitiwalag ang mga sumusunod:
1.
Eliseo SORIANO (unang-una sa mga itiniwalag)2.Severina
Jose, 3.Noli Dacer, 4.Manuel Bacosa Jr. at 13 iba pa.
Ang pagtitiwalag na ito ay nagkakabisa ngayong ika-21 ng Pebrero 1976
pagkatapos na lagdaang ng Lupon ng mga patnugot at sinag-ayunan ng kapulungan
ng mga manggagawa."
Nakalagda sa ibaba ang 19 na
maytungkulin sa Iglesia sa pangunguna ni Bb. Levita Gugulan.
UKOL SA PAMAMAHALA NI
BINIBINING GUGULAN
Tinutulan ni G.
SORIANO ang pamamahala ni Bb. Gugulan sa pagsasabing hindi raw babae ang dapat
mamahala sa Iglesia subalit nakalagda siya at si Ginoong Manuel Bacosa sa
sinumpaang pahayag na si Bb. Gugulan ang mamamahala sa Iglesia. May petsa itong
Hunyo 15, 1975.
UKOL SA BABASAHING
PASUGO
Isa pang
kasinungalingan ni G. SORIANO: Diumano ay expert daw siya sa Pasugo dahil may
mga kopya daw siya nito mula 1928. Malinaw na mas sinungaling pa siya kay
Satanas dahil noong lamang 1939 nagsimulang maglathala ang Iglesia ni Cristo ng
Pasugo.
UKOL SA BIBLIA AT
REPERENSIYA
Tinutuligsa rin ni G.
SORIANO ang gumagamit ng reperensiya at maging ng iba't ibang salin ng Biblia.
Nakapagtatakang ngayon ay gumagamit na siya ng mga reperensiya at iba't ibang
salin ng Biblia. Ang katunayan, ang kahulugan ng ordenasyon ay sa reperensiya
niya kinuha at ang salitang Saligan ay hindi niya kinuha sa ginagamit niyang
katiwa-tiwalang salin kundi sa Bibliang isinalin ng Iglesia Katolika.
UKOL SA SALITANG
ROMANO
Mali raw na tawaging
Romano ang mga Pilipino dahil aplikable lamang ito sa mga taga-Roma. Di ba
malinaw na kasinungalingan na naman ito dahil nakatala sa kanilang himnario na
maging ang mga Pilipino ay puwedeng tawaging Romano. Ano ang katunayan? Ganito
ang nasusulat sa Himnario 1990, pahina 95, unang estropa:
"Oh, mga Romanong aming kababayan, H'wag
ninyong isipin kayo ay kaaway, Kundi bagkus kayo'y aming minamahal, Tayo'y
magkabansa magkakaibigan."
Pakitanong ninyo sa
kanya kung sino ang mga Romanong aming kababayan? Haling at mangmang lamang ang
magsasabing ang mga kababayang tinutukoy sa himnario ay mga taga-Roma.
UKOL SA SALITANG
HULING ARAW
Mali raw ang aral ng
Iglesia ni Cristo na ang INC ay babangon sa huling araw dahil ang huling araw
daw ay paghuhukom. Mababasa rin ito sa kanilang magasin na "Ang Dating
Daan" January 1990 issue pahina 8 na ang nakasulat? ay ganito:
"Ang huling araw naman ay ang pagbangon
ng mga patay na ito ay sa paghuhukom."
Sinasalungat ng magasing ito ang nasa himnario 1990, pahina
101, na ang nasulat ay ganito:
"Balita ng Kaligtasan, Sa Huling araw
sumilang, Titipunin ang tupang naligaw, Sa loob ng Kaniyang bakuran, Tanging
Iglesia ng Dios lamang, Si Hesus nag-aakay."
Di sa araw pa ng paghuhukom babangon ang samahan ni G.
SORIANO kung paniniwalaan ang kasinungalingan niya.
UKOL SA SALITANG
BUMANGON
Matibay din ang
paninindigan ni G. SORIANO na ang samahan nila ay hindi bumangon kundi umugnay.
Di mali na naman ang nasa himnario 1990, pahina 97, at 100 na mababangon ang
dating bayan. Tunghayan ninyo ang nilalaman ng himnario, pahina 97:
"Ang Iglesia ng Dios lamang, Ang tanging
katotohanan, Tinukoy na dating daan, Ang mga hindi kilala, Na mula sa ibang
bayan, Ibabangon dating tunay, Sa malayong silangan, Dito ay hinuhulaan,
Mababangon dating bayan, Ngayon ibinabandila, Naming inyong kababayan, Sa Pilipinas
na bayan."
Payo kay G. SORIANO, ang kabisahin mong mabuti ay hindi ang
pasyon kundi ang himnario mo dahil marami sa mga aral mo ay nilalabanan ng
himnariong ginagamit mo. Isa pang nakatatawag ng pansin, kung walang
pagtalikod, bakit kailangang ibangon ang dating bayan?
Matawagan nawa kayo ng pansin sa mga salungatang ito.
Dumating nawa ang panahong sinusumbatan na siya ng kaniyang budhi dahil sa
ginagawang mga panloloko sa tao lalo na sa pagpilipit sa mga talata ng Biblia.
UKOL SA MALAYONG
SILANGAN
Noon ay tinutuligsa
niya ang Iglesia ni Cristo sa pagtuturong hindi raw ang Pilipinas ang Malayong
Silangan ngunit napansin ninyo marahil sa kaniyang himnario 1990 pahina 97 na
inaamin niyang ang Pilipinas ay nasa malayong silangan. Isa pang nakatatawag ng
pansin, kung walang pagtalikod, bakit kailangang ibangon ang dating bayan?
Matawagan nawa kayo
ng pansin sa mga salungatang ito.
UKOL SA REHISTRO
Hindi raw dapat
iparehistro ang Iglesia sapagkat nakatala na ito sa Biblia. Ang dapat raw
iparehistro ay ang mga kaanib.
Di mali na naman si
G. Perez ng iparehistro ang Iglesia at hindi ang mga kaanib? Di dapat ang
ipinarehistro ni G. SORIANO noong 1993 ay:
"Ang Mga Kaanib Sa Bayan Ng Katotohanan, Incorporated."
UKOL SA ABULOYAN SA
STA. CENA
Tinutuligsa rin niya
ang Iglesia ni Cristo dahil nag-aabuluyan daw sa Sta. Cena. Di ba malinaw na
hindi niya naiintindihan ang Sta. Cena? Ang Sta. Cena ay pagkain at pag-inom.
Walang abuluyan sa Sta Cena. Ang may abuluyan ay ang pagsamba. Nakakikilabot na
turo ni G. SORIANO, hindi raw tunay na tinapay at katas ng ubas ang kinain at
ininom ng mga alagad. E ano ang pinagputol-putol, ano ang kinain, ano ang
ininom? Di ba naniniwala si G. SORIANO na may Sta Cena at ang kinukuwesatiyon
niya ay ang abuluyan? Kayo, may Sta. Cena ba kayo? Literal bang tinapay at
katas ng ubas?
UKOL SA BAHAY NG
DIYOS
Mali raw na tawaging
bahay ng Diyos ang bahay sambahan. Ang bahay daw ng anay ay anay ang gumawa,
ang bahay ng gagamba ay gagamba ang gumawa kaya ang bahay ng Diyos, Diyos din
ang dapat gumawa? Di bahay ng aso, aso rin ang gumawa? Bahay ng baboy, kalapati
etc.. baboy, kalapati etc.. ang gumawa? Di mali ang nasa Isaias 2:2 na ganito
ang nakasulat:
"At mangyayari sa mga huling araw, na ang bundok ng bahay ng
Panginoon ay matatatag sa mga taluktok ng mga bundok at magiging mataas sa mga
burol; at lahat ng bansa ay magsisiparoon doon."
Basahin din ninyo ang nakasulat sa Mateo 21:12 at
mapatutunayan ninyong ang aral ni G. SORIANO ay kalaban ng aral ng Diyos.
UKOL SA ABULUYAN
Naghihirap daw ang
mga kaanib sa Iglesia ni Cristo dahil sa abuluyan. Bakit? Alam ba ni Ginoong
SORIANO kung ano ang buhay ng mga kapatid sa Iglesia ni Cristo? Sino ba ang
daing ng daing na lubog na sa utang? Di ba si SORIANO? Sino ba ang
nagkakandakuba dahil hindi na halos makabayad sa programa sa radyo at
telebisyon? Di ba siya? Sino ngayon ang nagkakandarapa sa hirap? Di ba siya?
Sino ba ang nanghihiram ng amerkana na magagamit sa pagsasalita sa TV? Baka
hindi mo pa naisasauli sa tunay na may-ari? May itatanong lamang kami kay G.
SORIANO: "Nabayaran na ba niya ang humigit-kumulang 50 milyong piso para
pambayad mo sa mga nagastos sa programa sa radyo at telebisyon?" Nakalikom
na ba siya sa mga kaanib sa samahan niya ng halagang ito? Di ba kasalukuyang
gumagala ang mga manggagawa para mangulekta sa mga kaanib ng diumano ay kusang
loob na tulong? Sinasabi ng mga manggagawa na kaawaawa raw si G. SORIANO kung
hindi ito mababayaran dahil makukulong siya. Pakitanong nga pala kay G.
Manoling Bacosa kung natubos na mula sa pagkakasanla ang kanilang bahay upang
maitulong sa utang ni G. SORIANO. Ayon kay Gng. Meding Bacosa ay 2 milyon ang
pagkakasanla ng kanilang bahay dahil nais nilang matulungan si G. SORIANO.
UKOL SA PAGHUHUKOM
Diumano ay hindi raw
alam ni Cristo ang petsa ng paghuhukom noong nandito pa siya sa lupa. Ngayon
daw nasa langit na siya ay alam na niya ang petsa ng paghuhukom dahil kasama na
niya ang Ama sa langit? Anong talata? Diumano ay hindi raw maaring hindi ito
sabihin ng Ama kay Cristo? Samakatuwid ang batayan ni G. SORIANO ay kathang
isip o guni-guni. Di ba sabi ni G. SORIANO na si Cristo at ang Ama ay magkasama
na sa langit maging sa simula pa lamang ng paglalang? Di alam na ni Cristo noon
pa ang petsa ng paghuhukom? Nalimutan ba ng magkatawan tao? Anong talata?
UKOL SA DIYOS SA
LANGIT AT SA DIYOS SA LUPA
Diumano ay ang Ama
ang Diyos sa langit at si Cristo ang Diyos sa lupa. Di ngayong magkasama na
sila sa langit ay wala ng Diyos sa lupa? Di ba malinaw na salungat ito sa
nakasulat sa Efeso 4:4-6 at Deutronomio 4:39.
UKOL SA PAGIGING TAO
NI CRISTO
Mali raw ang turo ng
Iglesia ni Cristo na si Cristo ay tao. Mali ba si Cristo nang sabihin Niyang
Siya at tao batay sa Juan 8:40? Mali ba ang turo ni Apostol Pablo na si Cristo
ay taong tagapamagitan sa Diyos? Mali ba ang hula ng Diyos na nakasulat sa
Isaias 53:3 tungkol sa Panginoong Jesucristo na siya (Cristo) ay tao? Di ba
kung ano ang nakasulat sa Biblia ang siyang paniniwala ng mga kaanib sa Iglesia
ni Cristo? Di ba maliwanag na ang nilalabanan ni G. SORIANO ay ang turo ng
Diyos, ni Cristo at ng mga apostol at hindi ang mga kaanib sa Iglesia ni
Cristo?
UKOL SA KALIGTASAN
Hindi raw itinuturo
ni G. SORIANO na sila lamang ang tunay at maliligtas. Kasakiman raw ito dahil
pinakyaw na raw ang langit kapag sinabing sila lamang ang maliligtas. Malinaw
na kayabangan at kasinungalingan na naman ito dahil nakasulat sa kanilang himnario,
1990, pahina 82, ang ganito:
"Iglesia ng Diyos
lamang ang katotohanan, Sa hula ni Jeremias siyang dating daan, Ang mga di
kilala taga-ibang bayan, Sa hula ni Isaias magtatayong tunay."
Ganito na nasa pahina 83: "Ang Iglesia ng Dios lamang, Kay Kristo Hesus na tunay, Ang siyang
tanging pangalan, Na nasa Bagong Tipan."
Huwag ninyong kalilimutan na ang gumawa at nagbalangkas ng
himnario ay sina G. Perez at G. SORIANO.
UKOL SA MORAL
Ang tunay na
tagapangaral ay dapat maging huwaran hindi lamang sa pagsasalita kundi maging
sa pagkilos at sa paggawa. Pasado kaya si G. SORIANO sa pamantayang ito? Gaano
karaming mayayamang kaanib ang inutangan niya kasama na si Mrs. Co ng Quezon
City? Gaano karami ang mga utang niya sa mga bangko? Gaano karami ang kasalukuyang
habla sa kaniya kasama na ang ukol sa DZME, maging ang habla sa kanya ng
may-ari ng inuupahan ninyong sambahan sa De Jesus St. sa Roosevelt? Gaano
karami ang mga kaaway niyang kapitbahay kasama na si Mrs. Dalmacia Gutierrez na
kaaway niyang mortal? Tanungin ninyo si Gng. Gutierrez at ang tawag niya kay G.
SORIANO ay puta, dalahira, malandi at
walang pinag-aralan. Tama bang mamutawi sa bibig ng tunay na sugo ng Diyos
na may Espiritu Santo ang mga salitang gago,
sira ang ulo, tarantado, walanghiya, manloloko at iba pang mga uri ng
mababang uri ng pangungusap na sinasalita lamang ng mga istambay sa kanto at
mga walang pinag-aralan?
Tagapangaral ba ng Diyos ang napakaraming kasong estafa?
Magtanong kayo sa mga pulis sa Apalit at sasabihin sa inyong mga walang
kuwentang tao lamang ang maniniwala kay SORIANO dahil alam nila ang lahat ng
panloloko at panggagantsong ginawa niya.
Inihabla ni G.
SORIANO si Evangelist Wilde Almeda dahil tinawag siyang bakla ngunit hindi niya
magawang maihabla si Gng. Lolita Hizon, may-ari ng Pampanga's Best nang tawagin
siyang bakla dahil may matibay na ebidensiya si Gng. Hizon tungkol sa pagiging
bakla ni G. SORIANO. Tanungin rin ninyo si Ginoong Maning Manzanilla, mahigit
na 10 taong nakasama ni G. SORIANO sa pangangaral sa radyo at telebisyon kung
bakit umalis sa samahan ninyo ang ibang mga manggagawa at mga kapatiran?
Ang sabi ni G. Manzanilla ay pana-panahon kung sumpungin si
G. SORIANO. Tinalakay na rin ni Ginoong Manolo Favis sa DZBB na si G. SORIANO
ay hindi tunay na lalake. Binanggit niya ito noong kainitan ang pag-aaway nila
G. SORIANO. Sana bago magturo si G. SORIANO ng mataas na moral ay turuan muna
niya ang kaniyang sarili. (Roma 2:20-24).
UKOL SA PAGPAPUTOL NG
LEEG
Buong giting na
isinigaw ni G. Almeda na magpapabaril siya kapag hindi nanalo si Speaker Joe de
Venecia. Buong giting namang tinindigan ni G. SORIANO na magpapaputol siya ng
leeg kapag mapatutunayang may isang maling aral na itinuturo niya?
Di ba magkauri lamang
si G. Almeda at si G. SORIANO dahil parehong sinungaling? At kung magpapaputol
nang leeg si G. SORIANO, di ba mas maganda kung hindi na siya magdadamay? Siya
na mismo ang pumutol sa kaniyang leeg kapag nabasa niya ang katotohanang sinabi
niya na ito. Marahil kahit 50 leeg ay kulang dahil napakaraming maling doktrina
ang itinuro ni G. SORIANO.
PANAWAGAN
Nanawagan din kami sa
mga manggagawa ni G. SORIANO na buksan ang kanilang mga mata at huwag maging
mga panatikong tagasunod. Tandaan ninyo na may kaluluwa rin kayong
nangangailangan ng kaligtasan. Ang inyong pagpapagal at pagmamalasakit ay
magkakaroon lamang ng kabuluhan kung nasa tunay kayong relihiyon. Isa pa,
papayag ba kayong maging kasangkapan upang ihatid ang mga tao sa kapahamakan na
marahil ay iba rito ay mga mahal ninyo sa buhay. Bakit hindi ninyo pag-ukulang
magsuri o magtanong sa mga ministro sa Iglesia ni Cristo tungkol sa lahat ng
tuligsa ni G. SORIANO.
Narinig na ninyo ang
mga tuligsa ni G. SORIANO sa Iglesia ni Cristo, narinig na ba naman ninyo ang
sagot ng Iglesia ni Cristo. LAHAT ng mga tuligsa ni G. SORIANO ay nasagot na ng
Iglesia ni Cristo sa programa sa radyo maging sa telebisyon, ngunit ang mga
tanong ng Iglesia ni Cristo kay G. SORIANO, kasama na ang mga ito ay hindi pa
niya nasasagot. May ilan lamang siyang sinagot ngunit halatang nangangatwiran
lamang. Tandaan ninyo ang nakasulat sa Galacia 5:19-21 na ang may hidwang
pananampalataya ay hindi magmamana ng kahanulln ng Diyos. Nakasulat din sa II
Tesalonica 2:9-12 na ang ayaw sa katotohanan ay ipahihintulot sa
kasinungalingan upang mahatulan sila pagdating ng paghuhukom. Ito ba ang gusto
ninyong maging hantungan? Gaano karami na ang puhunan, hirap, sakit at
pagtitiis ang naranasan ninyo sa pamamalagi sa samahan ni G. SORIANO? Papayag
ba kayong ang lahat ng ito ay mawalan ng kabuluhan sapagkat nasa mali kayong
samahan? Huwag nawang mangyari!!! May pagkakataon pang ibinibigay ang Diyos
para sa kaligtasan ninyo.
Kudlit at tuldok
lamang ang alisin sa Banal na Kasulatan ay sapat na para hindi kayo magtamo ng
kaligtasan, di lalo na kung napakaraming mga aral ang salungatan, idinagdag at
ibinawas? Masasabi ba ninyo ng taas sa noo na tunay ang samahan ninyo sa harap
ng mga kasinungalingan at mga salungatang aral nina G. Perez at SORIANO? Hindi
ba nakasulat sa Apocalipsis 21:8 na ang bahagi ng mga sinungaling ay sa
dagat-dagatang apoy? Di ba malinaw pa sa sikat ng araw na kapahamakan ang
inyong tinatahak sa samahang kinaaniban ninyo? Kahangalan at kapanatikuhan
lamang kung mananatili kayo sa samahang "Ang Dating Daan." Ang tunay
na Iglesia ay hindi nagbabago ng doktrina o aral kaya hindi tunay ang Iglesiang
kinaaniban ninyo.
Huwag kayong manatili
sa mali; doon kayo sumama sa tunay na Iglesia ni Cristo na ipinakikilala ng
Biblia. Kaawaan nawa kayo ng tunay na Diyos na marating ang tunay na relihiyong
maghahatid sa kaligtasan at buhay na walang hanggan. SA HULI, KAYO ANG HUMATOL
O KAYO ANG HAHATULAN !!!
No comments:
Post a Comment
Note: only a member of this blog may post a comment.