Marami ang nagtuturo na si Cristo daw ay Dios,o Dios Anak at ginagamit nilang batayan ang nakasulat sa Juan 1:1 at Juan 1:14.
Hayaan ninyong ilatag ko ditto kung ano ang nilalaman ng nasabing talata para kayo din na hindi masyadong nababasa ang nasabing talata ay mapag aralan din ninyo kung tama ba ang kanilang pagkakaintindi sa nasabing talata. Heto po…..
Hayaan ninyong ilatag ko ditto kung ano ang nilalaman ng nasabing talata para kayo din na hindi masyadong nababasa ang nasabing talata ay mapag aralan din ninyo kung tama ba ang kanilang pagkakaintindi sa nasabing talata. Heto po…..
Juan 1:1 Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios.
Juan 1:14 At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan
Ang paliwanag nga po nila sa talatang ito na si Cristo ang Verbo, kaya ng banggitin sa talata na “ang verbo ay Dios” ang nagging conclusion nga po nila si Cristo ay Dios.
Juan 1:14 At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan
Ang paliwanag nga po nila sa talatang ito na si Cristo ang Verbo, kaya ng banggitin sa talata na “ang verbo ay Dios” ang nagging conclusion nga po nila si Cristo ay Dios.
Sa talatang 14, “at nagkatawang tao ang Verbo” kaya si Cristo daw po ay Dios na nagkatawang tao,tama po kaya ang ganoong paniniwala?
Hindi po!
Ang talata tama pero ang kanilang conclusion iyon ang mali!
Kaya suriin po nating mabuti ang nasabing mga talata, at magpasimula tayo sa Juan 1:1, pansinin po ninyong mabuti dahil kung susundan natin ang kanilang conclusion na Dios ang Cristo dyan sa Juan 1:1, lalabas na DALAWA ang Dios,dahil sa ang banggit ay “ang verbo ay sumasaDios” DALAWA sila kasi ISANG DIOS NA PINAGSASADIOSAN,AT MAY ISA NAMANG DIOS NA SUMASADIOS, kaya DALAWA SILA, iyan po ay hindi sinasang-ayunan ng biblia labag sa talata ng biblia,anong talata ito? Ang isa ay mababasa natin sa II Hari 19:19 na may ganitong mababasa…
“Ngayon nga, Yahweh iligtas mo kami kay Senaquireb para malaman ng buong daigdig na kayo lamang ang tangi at IISANG DIOS”(MB)
Ang nasa talata ang “TANGI AT IISANG DIOS” ay si Yahweh, at ang Yahweh na binabanggit ay ang Ama! Mababasa ito sa Isaias 64:8 .
“ Gayunman, oh Yahweh aming nalalaman na ikaw’y aming Ama (MB)
Upang malaman ng buong daigdig na ang Ama ang IISANG DIOS,kaya kung susundan ang kanilang sinasabi na sa Juan 1:1 na Christ was God at may pre-existence na lalabas ngayon na bago pa naging tao si Cristo ay Dios na pala Siya lalabas na DALAWA ang Dios dahil ang Ama ay Dios,tapos ang Anak ay Dios hindi na IISA ang Dios.
Dahil merong MAGKASAMANG DIOS NA LILITAW. Pero bakit sinabi sa biblia na Yahweh Ikaw lamang ang IISANG DIOS,kung sa panahong iyan ay eksistido na pala ang DIOS na Cristo?
Iyan po ang dahilan kung bakit kami sa Iglesia ni Cristo ay hindi tanggap ang aral na si Cristo ay Dios dahil lalabag yan sa sinasabi ng biblia. Kasi po ang pag gamit sa talata ng biblia ay kung mababasa ninyo sa 1Corinto 2:13 ay ganito ang mababasa…...
“Na ang mga bagay na ito ay atin namang sinasalita, hindi sa mga salitang itinuturo ng karunungan ng tao, kundi sa itinuturo ng Espiritu; na iniwawangis natin Na ang mga bagay na ito ay atin namang sinasalita, hindi sa mga salitang itinuturo ng karunungan ng tao, kundi sa itinuturo ng Espiritu;”
Compare spiritual,with spiritual o iwangis ang mga bagay na ayon sa espiritu sa mga pananalitang ayon sa espiritu.
Iyan po ang tamang pag unawa sa mga talata ng biblia na dapat walang contradiction in the entirety of the bible, walang kontrahan. Ngayon kung merong talata na ko-contradict with the other verse of the bible,kailangan muna tingnan kung iyong pinagbabatayan ay tama!
Ngayon sa Juan 1:1 , 14 sinasabi na sa pasimula ay ang verbo at nagkatawang tao ang verbo,ano ang kahulugan nito? Ang kahulugan lamang po niyan ay natupad ang plano ng Dios na Kanya nang ipinangako noong una pa bago pa lalangin ang sanlibutan.
Dahil sa hindi pwede na kung ang conclusion DALAWA ang tunay na Dios, una lalabag yan sa binasa natin sa unahan na IISA lamang ang TUNAY NA DIOS, in fact kung susundin na ang Cristo ay ISA PANG TUNAY NA DIOS, lalabag mismo ito sa turo ni Cristo sa Juan 17:1 , 3 na may ganitong sinasabi….
“Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; at sa pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit, ay sinabi niya, Ama, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang ikaw ay luwalhatiin ng Anak …..
At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo. “
Ang Ama ang sinasabi ni Cristo na IISANG DIOS NA TUNAY, at Siya naman ay SINUGO ng Ama.
Sana mapansin ninyo na nung sinabi ito ng Cristo Siya ay nandito pa sa lupa, at kung natatandaan ninyo ung binasa natin sa itaas sa II Hari 19:19 sinasabi Ama kayo lamang ang TANGI AT IISANG DIOS, kung sa panahon ng mga propeta, sinabi ng mga propeta na IISA LANG ANG TUNAY NA DIOS. Tapos sinasabi naman nitong mga nagtuturo na Dios si Cristo, na nung nandito sa lupa ang Cristo, Dios ang Cristo… pero nun gang Cristo ang nagpahayag at ituro Niya kung sino ang IISANG TUNAY NA DIOS, hindi po binago at walang nabago sa pagtuturo sa kung ilan ang tunay na Dios,katibayan ay ang binanggit niya sa Juan 17:1 , 3.
Namamalagi ang bilang ng tunay na Dios, IISA! Samakatuwid hindi po sinasang-ayunan ng Cristo ang aral na Siya ay isa pang tunay na Dios!
Namamalagi ang bilang ng tunay na Dios, IISA! Samakatuwid hindi po sinasang-ayunan ng Cristo ang aral na Siya ay isa pang tunay na Dios!
Bago tayo dumako doon sa mga pahayag ng mga otoridad ng ibat-ibang relihiyon concerning the term “ LOGOS” na isang Greek word na katumbas sa English na “WORD” o “ VERBO” naman sa tagalog na hinango sa Spanish term. Na kung sa Cebuano naman ay “PULONG” O” SALITA”.
Ngayon ano ang kahulugan ng “LOGOS” na binabanggit sa Juan 1:1?
Alamin muna natin kung kanino tumutukoy ang terminong “LOGOS”?
Tandaan natin na iba yong “SALITA” kesa doon sa kinatuparan ng “SALITA” pareho lang yan ng term “bahay” kesa mismong bahay na building sana nasusundan ninyo,iba po yung bahay na salita kesa bahay na structura.
Ganundin yung “LOGOS” na mayroon pong nakapaloob doon na kinatuparan,sino ang kinatuparan niyan? Basahin po ulit ninyo dito sa bibliang sinulat ng isang Pari ng katoliko na si Juan Trinidad,ayon sa kanyang “footnote” sa Juan 1:1
“…… Ang Anak ay tinatawag niyang isang uri ng banag ng kaisipan na nagmumula sa Ama”
Sana ay napansin po ninyo na yung salita o yung logos ay kahalintulad ng kahayagan ng kaisipan na nagmumula sa Ama, na hindi pa lumalabas sa bibig ng Dios ito ay nasa isipan na ng Dios, na ang kinatuparan ay si Cristo,yung katuparan ng “SALITA” ay Cristo, so sa paliwanag palang ng pari na si Trinidad na member ng relihiyon na pinagmulan ng paglaganap ng paniniwalang Dios si Cristo, ay hindi pupwedeng maging Dios dahil nasa kaisipan palang ng TUNAY NA DIOS yung Cristo,so lilitaw talaga na DALAWA ang Dios, ISANG DIOS NA NAG-ISIP, AT ISA PANG DIOS NA INISIP.
Rediculous! labag po yan sa doktrina ng biblia na ating nabasa sa unahan.
Yung “LOGOS” kung ating susundin ang mga sinasabi ng mga nagsipagsuri ng biblia,ay lumalabas na isang “PLANO” at kung kailan pa nasa plano o nasa isip ng Dios ang Cristo, ito po an gating mababasa sa 1Pedro 1:20…
“ ….Nasa isip na Siya ng Dios, bago pa lalangin ang daigidg......”
Kailan pa nasa isip ng Dios ang Cristo? O kalian pa ipinanukala ng Dios ang Cristo?
Sa nabasa natin sa talata ng biblia, “bago pa lalangin ang daigdig”
So when it comes to Christ, nauuna Siya bilang plano ng Dios bago pa lalangin ang daigdig.
Dahil nga sa plano palang ang Cristo,wala pa siyang exsistence o state of being, wala pa Siyang likas na kalagayan,it is just like a blue print wala pa mismo yung kayagan nung plano na yun! Parang sa pag gawa ng bahay, may plano na o blue print nakalatag na ang plano pero wala pa yung katuparan ng plano,hindi pa nag eexist.
Kung babalikan natin ang sinasabi ng Juan 1:1 bakit sinabi na sa pasimula Siya ang Verbo?
Kung babalikan natin ang sinasabi ng Juan 1:1 bakit sinabi na sa pasimula Siya ang Verbo?
Kasi po ang Cristo ay sinalita na po noon pang una. Basahin natin ang sinasabi ng Gawa 3:20 - 21 na may ganitong sinasabi…..
“ At upang Kaniyang suguin ang Cristo na itinalaga sainyo na si Jesus Na siya'y kinakailangang tanggapin ng langit hanggang sa mga panahon ng pagsasauli sa dati ng lahat ng mga bagay, na sinalita ng Dios sa pamamagitan ng bibig ng kaniyang mga banal na propeta buhat pa nang una.”
Sana po ay nakakatawag sainyo ito ng pansin ang sabi ng apostol Pedro na ang Cristo ay sinalita ng Dios sa pamamagitan ng bibig ng mga propeta buhat pa nang una.
Iyon ang dahilan kung bakit doon sa Juan 1:1 ay sinabi na sa pasimula, dahil noong sinabi po ni apostol Juan yan ay noon pong unang siglo at bago pa siya,matagal na pong sinalita yan at natupad na nga ang sinalita ang tungkol sa Cristo during their time at sinabi nga ni apostol Pedro na na sinalita ng Dios sa pamamagitan ng bibig ng kaniyang mga banal na propeta buhat pa nang una ang tungkol kay Jesus.
Kaya ang Cristo ay tinawag na “logos” sapagkat sinalita ng Dios ang pagkakaroon ng Cristo.
Humangga lang ba na salita ng Dios ang pagkakaroon ng Cristo?
Hindi po ipinasulat Niya yon ,basahin ninyo sa Roma 1:2 – 3 may ganito pong mababasa doon…
“ Na kaniyang ipinangako nang una sa pamamagitan ng kaniyang mga propeta sa mga banal na kasulatan,
Tungkol sa kaniyang Anak, na ipinanganak sa binhi ni David ayon sa laman, “
Pag sinabi po na ipinangako, eh di sinalita nga, kasi pag nangangako ka ang karaniwan mong gagawin ay magsasalita ka ng iyong pangako.
Kaya nung ipinangako ng Dios ang Cristo ipinasulat Niya sa mga propeta,at maraming mga patotoo kung paano sinabi ang tungkol sa Cristo,mula sa Genesis 17: 7- 8 na binabanggit na “binhi ni abaraham” sa Deuteronomeo 18:18 na may banggit na….
“Aking palilitawin sa kanila ang isang propeta sa gitna ng kanilang mga kapatid, na gaya mo; at aking ilalagay ang aking mga salita sa bibig niya, at kaniyang sasalitain sa kanila ang lahat ng aking iuutos sa kaniya.”
Lahat yan ay hula sa pagkakaroon ng Cristo.
“Aking palilitawin sa kanila ang isang propeta sa gitna ng kanilang mga kapatid, na gaya mo; at aking ilalagay ang aking mga salita sa bibig niya, at kaniyang sasalitain sa kanila ang lahat ng aking iuutos sa kaniya.”
Lahat yan ay hula sa pagkakaroon ng Cristo.
Ang verbo ay salita ng Dios,about Christ, at hindi ang salita ay si Cristo mismo. Marami pa po ang mga patunay na IISA lamang ang Dios.
Talakayin naman natin ang ikalawang sugnay ng Juan 1:1 na may banggit na “ ang verbo ay sumasaDios”
Talakayin naman natin ang ikalawang sugnay ng Juan 1:1 na may banggit na “ ang verbo ay sumasaDios”
Natural naman kasi na pag salita mo,nasa sayo ang salita mo,balikan po natin ang 1 Pedro 1:20…
“ Nasa isip na Siya ng Dios bago pa lalangin ang daigdig”
Bakit sinabi po na ang verbo ay sumasaDios?
Hindi nangangahulugan nito na mayron ng Cristo na sa kalagayang Dios na kasama ang Isa pang Dios na nagpanukala,lalabas uli na DALAWA ang Dios,lalabag ulit yan doon sa binasa natin sa 2Hari 19:19, eh bakit sinabi ditto na kasama ng Dios ang salita?
Natural lang po yon kasi Siya ang nagsalita natural kasama Niya sa isipan Niya ang kanyang plano.
Katulad halimbawa natin nagplano tayo natural na yong plano natin nasa isipan pa natin yon haggat hindi pa natutupad. Halimbawa sasalitain ko na “next year magpapagawa ako ng bahay” plano palang yon sinalita ko palang nansa isipan ko,wala pa ang bahay.
Kaya sinabing sumasaDios ang verbo dahil kasa-ksama ng Dios ang Kanyang plano o isipan. Iba po yung salita kesa doon sa kinatuparan ng salita,hindi po si Cristo yung salita mismo,kundi si Cristo ang kinatuparan ng “SALITA” ng Dios.
Dako naman po tayo sa ikatlong sugnay ng Juan 1:1
“ at ang salita ay Dios”
Dyan po nagkakaroon sila ng problema, dahil sa binanggit na “Word was God” at since si Cristo ang kinatuparan ng word,therefore Dios daw si Cristo, by way of substitution,pero hindi po ganyan ang ibig sabihin ng talata, dahil nga po sa mali nilang pagkaunawa inakala nila na Dios si Cristo dahil pinaghalo nila yung “ SALITA” na nagsasaad sa pagkakaroon ng Cristo na sinalita ng Dios,at saka yung kinatuparan ng “SALITA” na si Cristo nga.
Dyan po nagkakaroon sila ng problema, dahil sa binanggit na “Word was God” at since si Cristo ang kinatuparan ng word,therefore Dios daw si Cristo, by way of substitution,pero hindi po ganyan ang ibig sabihin ng talata, dahil nga po sa mali nilang pagkaunawa inakala nila na Dios si Cristo dahil pinaghalo nila yung “ SALITA” na nagsasaad sa pagkakaroon ng Cristo na sinalita ng Dios,at saka yung kinatuparan ng “SALITA” na si Cristo nga.
Samantalang ang INC ay malinaw iba po yung “SALITA” na patungkol kay Cristo, kesa doon sa Cristo na kinatuparan ng “SALITA”
Hindi po mismo si Cristo yung “SALITA” Siya po yung katuparan ng “SALITA”.
The “LOGOS” is about Christ,kaya nung sabihin “THE WORD WAS GOD” Hindi po si Cristo ang sinasabi noon kundi ang mismong “SALITA” ng Dios.
Ngayon, bakit sinabing “THE WORD WAS GOD”?
Heto po yung sinasabi nung mga nagsipagsuri sa katangi-an ng mga salita ng Dios, mababasa sa “ The New Bible Dictionary” edited by J.D. Douglas sa page 703 ay ganito ang mababasa….
Heto po yung sinasabi nung mga nagsipagsuri sa katangi-an ng mga salita ng Dios, mababasa sa “ The New Bible Dictionary” edited by J.D. Douglas sa page 703 ay ganito ang mababasa….
"The word possesses a like power to the God who speaks it”
“ ANG SALITA AY MAY KAPANGYARIHAN NG SA DIOS NA NAGSASALITA NITO”
Dito ay ipinakikita na ang salita ng Dios, ay may kapangyarihan tulad ng Dios na nagsasalita nito.
Katumbas lang ito ng kasabihang “ ANG SALITA NG HARI AY HARI” hindi nangangahulugan na yung salitang hari ay bukod na being sa hari na nagsasalita nito.
Kasi kung bukod yon lalabas niyan kung ilan ang sinalita niya iyon ang dami ng hari. Ibig lang sabihin niyan na yung salita ng hari ay kasing kapangyarihan nung hari na nagsalita na ang salita niya ay makapangyarihan na hindi mabali ganun din sa “SALITA” ng Dios.
Nung sabihin na “THE WORD WAS GOD” Ipinakikita na kung ano ang Dios na makapangyarihan,ay ganundin ang salita ng Dios ay makapangyarihan.
Baka sabihin naman ninyo na ang batayan lang naming ay ang reperensya na ipinabasa ko sainyo sa itaas?
Sa biblia na po tayo kumuha ng katibayan, ano po ba nag sinasabi ng biblia tungkol sa kapangyarihan ng Dios?
Sa Genesis 35:11 ay may ganitong mababasa…
“At sinabi sa kaniya ng Dios, Ako ang Dios na Makapangyarihan sa lahat;….”
Dito po sa binasa natin ay binanggit na ang Dios ay makapangyarihan sa lahat!
Dahil po sa ang Dios ay makapangyarihan sa lahat,ano po ang uri ng salita Niya?
Sa Lucas 1:37 ay may ganitong mababasa, tunghayan po natin…
“Sapagka't walang salitang mula sa Dios na di may kapangyarihan. “
Dito sa binasa natin ang salita ng Dios ay mayroong kapangyarihan, sapagkat walang salita ng Dios na di may kapangyarihan.
Kaya nung sinabing “ ANG SALITA AY DIOS” hindi po Dios sa likas na kalagayan kundi sa URI NG SALITA!
Kauri ng Dios ang Kanyang salita, kung paanong ang Dios ay makapangyarihan, ang salita naman ay makapangyarihan,ang verbo ng Dios ay makapangyarihan, tiyak na matutupad ang bawat salitain Niya.
Malinaw na po siguro sainyo ang ating nabasa sa itaas?
Ano naman po ang theos na binabanggit sa talata?
Liwanagin po natin ang pagkakabanggit ng theos sa talatang Juan 1:1 “ in the beginning was the word, and the word was with God, and the word was god.
Sa ikalawang sugnay na banggit ang theos,iyan ang unang banggit ng theos at iyan ay may definite article thon Theon,at yung third clause ay walang definite article kahit basahin pa yan sa Greek.
Kaya nung suriin ito nung mga nagsipagsuri, ito ang sinasabi nila about the function of the term “theos” in the third clause of John 1:1, ito ang ating mababasa…
Sa “ The Fourth Gospel: Its Significance & Environment” page 99 ay ganito po an gating mababasa..
“ The closing words of v.1 should be translated “the logos was devine” here the word theos has no definite article, thus giving it the significance of an adjective”
Sa “ The Fourth Gospel: Its Significance & Environment” page 99 ay ganito po an gating mababasa..
“ The closing words of v.1 should be translated “the logos was devine” here the word theos has no definite article, thus giving it the significance of an adjective”
Sa tagalog ...
“ Ang huling mga salita ng talatang Juan 1:1 ay dapat na isaling “ ang logos ay banal” dito ang salitang theos ay walang pantukoy na siyang nagbibigay rito sa theos ng kahulugan ng isang panguri”
So adjective kung gayon ang function ng salitang “ the word was god” kasi hindi po sinabing the word was the God,wala po yung definite article na “ ho” o the” kaya ang salitang dios sa huling sugnay ay nagpa-function siya bilang adjective at hindi noun.
Katulad din ng salitang “ time is gold” kung gold ang paguusapan ito ay noun pero kung sinabing “time is gold” hindi na po ito nagpa-function na noun kundi adjective o pang-uri, inuuri na nito yong oras. Pero hindi sinasabi nito na ang oras mismo sa likas na kalagayan ay ginto,the same is true with the statement “the word was god” the term god there is not functioning as noun, it does function as an adjective!
Uulitin ko po adjective po ang pagkakagamit ng teminong iyan.
That is predicative adjective, at hindi yan predicative nominative.
Uulitin ko po ang “the word was god” yang the article po yan, yung word, that is the subject, and yung was that is a linking verb past tense form, at God ay predicative adjective!
Dahil sa absence of an article “the” hindi po yan predicative nominative, iyan po ay predicative adjective.
Kaya nga naninindigan ang INC at sinasang-ayunan ng mga bible scholars even in the Greek grammar, kaya nga yung logos dyan without the article , it function as an adjective at hindi noun o hindi nominative in form.
Sangguniin po natin si Wallace,paano daw po dapat isalin?
Sa aklat niyang “ Greek Grammar beyond Basics” Volume 2, page 269, ay may mababasa pong ganito…
“ Although the person of Christ is not the person of the Father, their essence is identical, possible translation are as follows;
“ What God was, the word was” (NEB) or “ the word was devine” ( a modified moffat)
Na kung tatagalogin,
“ Although the person of Christ is not the person of the Father, their essence is identical, possible translation are as follows;
“ What God was, the word was” (NEB) or “ the word was devine” ( a modified moffat)
Na kung tatagalogin,
“ kung ano ang Dios, ganundin ang salita” salin ng NEB o sa salin ni moffat,” at ang salita ay banal”
Itong si Wallace ay agree,o mas angkop yung salin ni moffat.
Ganito po kasi ang pagkakasalin ni moffat…
“ The Logos existed in the very beginning, the Logos was with God, the Logos was devine”
So the term devine, it function now as an adjective, yung Logos hindi na po nagpa – function na noun.
Maliwanag dito, the word was devine. Ang iba pa ngang version ang banggt ay the word was God-like,o inuuri ang salita.
Sinasabi nila na yung terminong “god” iyon daw po ay noun, biblically speaking, hindi daw pu-pwedeng mga function na adjective ang noun na god,sabi nila sa English grammar maaring pwede pa pero biblically speaking hindi daw, ang masasabi namin sa INC, pag ganyan ang argumento, kulang na naman sila sa pagsusuri. Kasi maramin instances na sa biblia na yung word God o elohim, ay minsan nagpa-function na adjective.
Halimbawa sa Genesis 23:6 kung marunong kayo magbasa ng Hebrew bible mababasa ninyo ang ganito…
Gen 23:6 שׁמענו אדני נשׂיא אלהים אתה בתוכנו במבחר קברינו קבר את־מתך אישׁ ממנו את־קברו לא־יכלה ממך מקבר מתך׃
Sinasabi nila na yung terminong “god” iyon daw po ay noun, biblically speaking, hindi daw pu-pwedeng mga function na adjective ang noun na god,sabi nila sa English grammar maaring pwede pa pero biblically speaking hindi daw, ang masasabi namin sa INC, pag ganyan ang argumento, kulang na naman sila sa pagsusuri. Kasi maramin instances na sa biblia na yung word God o elohim, ay minsan nagpa-function na adjective.
Halimbawa sa Genesis 23:6 kung marunong kayo magbasa ng Hebrew bible mababasa ninyo ang ganito…
Gen 23:6 שׁמענו אדני נשׂיא אלהים אתה בתוכנו במבחר קברינו קבר את־מתך אישׁ ממנו את־קברו לא־יכלה ממך מקבר מתך׃
Kung napansin ninyo may nabanggit na neshi elohim na isinalin sa English na ganito…
Hear us, my lord. You are a mighty prince among us.
Ang neshi kasi ay prince at yung elohim naging “ mighty” na hindi ba ang “mighty” ay adjective?
Kaya papanong sasabihin ninyo na hindi pwedeng mag function yung God na noun na adjective?
Doon sa Hebrew ang elohim ay noun pero nung isalin sa English naging adjective na,hindi naming sinasabi na yung elohim ay hindi nagpa-function as noun, pero may elohim na nagfunction as an adjective tulad ng ibinigay ko na example. Sa Genesis 23:6 ang Elohim sa Hebrew, na naging adjective nung isalin sa English.
Meron pa po heto pa.. sa 1 samuel 14:15 kung marunong po kayo magbasa ng Hebrew …
1Sa 14:15 ותהי חרדה במחנה בשׂדה ובכל־העם המצב והמשׁחית חרדו גם־המה ותרגז הארץ ותהי לחרדת אלהים׃
sa Hebrew may binanggit na “keith elohim” tandaan ninyo ang word elohim, that is god in English.
Paano po yan naliwat sa English?
“And there was trembling in the army, in the field, and among all the people. The garrison and the spoilers also trembled, and the earth quaked, and it was a very great trembling.”
Yung “keith” po yan yung trembling, iyong elohim nung isalin na sa English naging “very great” na. alam naman ninyo na yung “ great” ay adjective, at ang “ very” ay adverb” it modifies the adjective. So yung elohim dito na nasa Hebrew bible, ay naging “very great” na kaya adjective na naman ditto ang word na elohim.
Kaya naman napatunayan na natin na mali na naman sila dahil sa hindi lahat na banggit na elohim o god sa bible ay nagpa-function lang ito as noun.
Nagagamit din ito bilang adjective, katulad nalang sa Juan 1:1 ang word na god ay nag function na isang adjective o pang-uri, dahil nga sa absence of an article.Kaya yung banggit na god sa huling sugnay iyan po ay predicative adjective at hindi predicative nominative.
Dumako naman po tayo doon sa Juan 1:14 ‘ at nagkatawang tao ang verbo”, kung word for word po ba ang pagsalin doon sa talata, akma po ba yung “ at nagkatawang tao ang verbo”?
Dumako naman po tayo doon sa Juan 1:14 ‘ at nagkatawang tao ang verbo”, kung word for word po ba ang pagsalin doon sa talata, akma po ba yung “ at nagkatawang tao ang verbo”?
Sad to say wala pong ganun kasi doon sa Greek nung sinuri , wala naman yung counterpart nung “ nagkatawang tao” hindi naman incarnation, wala ding binanggit na “anthrophos” sabi nga nung pari na si Juan Trinidad, ang purgatory at incarnation ay wala sa biblia. So sa pag-amin nung pari, ang term purgatory and incarnation ay isa lamang imbento.
Ngayon ano ang nakalagay doon sa talata? Ang nandoon, ay ginawang laman,samakatuwid may isang gumawa ditto na laman.
Kaya ang gumawa ay ang Dios, at ang ginawang laman ay ang salita.
Ano ang ibig sabihin nito?
Ipinapakita lang nung talata na yung “SALITA” o panukala ng Dios ay tinupad Niya, naging laman o naging tao yung “SALITA” niya noong una pa man sa pagkakaroon ng Cristo. Kailan ito nangyari?
Heto po sa Mateo 1:18-20 ang ipinanganak po ay TAO at hindi po DIOS!
Heto po sa Mateo 1:18-20 ang ipinanganak po ay TAO at hindi po DIOS!
"Ang pagkapanganak nga kay Jesucristo ay ganito: Nang si Maria na kaniyang ina ay magaasawa kay Jose, bago sila magsama ay nasumpungang siya'y nagdadalang-tao sa pamamagitan ng Espiritu Santo.
At si Jose na kaniyang asawa, palibhasa'y lalaking matuwid, at ayaw na ihayag sa madla ang kaniyang kapurihan, ay nagpasiyang hiwalayan siya ng lihim.
Datapuwa't samantalang pinagiisip niya ito, narito, ang isang anghel ng Panginoon ay napakita sa kaniya sa panaginip, na nagsasabi: Jose, anak ni David, huwag kang mangamba sa pagtanggap kay Maria na iyong asawa: sapagka't ang kaniyang dinadalang-tao ay sa Espiritu Santo."
Ang linaw po ang dinadala ni Maria ay TAO at hindi po “ DINADALANG DIOS” ang nasa sinapupunan ni Maria.
So ano po ang kahulugan ng salitang “ ang verbo ay naging laman”?
Nagkaroon lang po ng realization o katuparan yung panukala ng Dios sa pagkakaroon ng Cristo.
Pero ano po ang likas na kalagayan ng Cristo? Dios ba? Hindi po! Ang linaw na ang “dinadala” ay TAO at hindi “ DINADALANG DIOS”
Yung naging tao ay hindi po yung Dios na nagsalita, kundi yung salita ng Dios na matagal na Niyang pinanukala!
Yung naging tao ay hindi po yung Dios na nagsalita, kundi yung salita ng Dios na matagal na Niyang pinanukala!
Very deceptive kasi yung banggit na “ naging tao” para bagang nagkatawang tao” para bagang from being spirit, ay naging laman o tao, ito po ay salungat sa sinasabi ng biblia, sapagkat sinasabi sa Malakias 3:6 na may ganitong sinasabi…
“ Sapagka't ako, ang Panginoon, ay hindi nababago, kaya't kayo, Oh mga anak na lalake ni Jacob ay hindi nangauubos. “
Labag po sa biblia na kung ang dios ay nagkaroon ng pagbabago,from spirit naging tao,ito po ay labag dahil sinasabi ng biblia na ang Dios ay HINDI NABABAGO!
Kahit sa Oseas 11:9 sinabi din ng Dios na Siya ay hindi tao.
“Hindi ko isasagawa ang kabangisan ng aking galit, hindi ako babalik upang ipahamak ang Ephraim: sapagka't ako'y Dios, at hindi tao; ang Banal sa gitna mo; at hindi ako paroroon na may galit.”
Ang nagsasalita ditto ay ang Dios, kaya pag ipinilit na ang Dios ay nagkatawang tao, kalaban nila ang Dios na nagsabi n Siya ay hindi tao. Kaya yung sinasabi na “INCARNATION” iyan po ay isang imbento!
Kung ipipilit naman ang pangangatuwiran nila na dati na nilang sinasabi na hindi naman nila sinasabi na ang Ama na Dios ang nagkatawang tao,ang anak na Dios ang nagkatawang tao eh lilitaw na DALAWA ang Dios!
Labag na labag sa doktrina ng Dios o salita ng Dios!
Heto…sa Isa 46:9
Heto…sa Isa 46:9
"Inyong alalahanin ang mga dating bagay ng una: sapagka't ako'y Dios, at walang iba liban sa akin; ako'y Dios, at walang gaya ko; "
At sa Isa 45:5
At sa Isa 45:5
"Ako ang Panginoon, at walang iba; liban sa akin ay walang Dios. Aking bibigkisan ka, bagaman hindi mo ako nakilala."
Hayan po hindi po nabanggit dyan si Cristo, labag na labag po ang doktrina ng katoliko sa doktrina ng Dios na nakasulat sa biblia!
Mga mambabasa sino po ang paniniwalaan ninyo, ang nagsasabing Dios si Cristo o ang Dios na nagsasabing Siya lamang mag-isa ang Dios, liban sa Kanya, ay wala nang Dios!
Hayan po hindi po nabanggit dyan si Cristo, labag na labag po ang doktrina ng katoliko sa doktrina ng Dios na nakasulat sa biblia!
Mga mambabasa sino po ang paniniwalaan ninyo, ang nagsasabing Dios si Cristo o ang Dios na nagsasabing Siya lamang mag-isa ang Dios, liban sa Kanya, ay wala nang Dios!
Hindi po sinabi ng Dios na may kasama ako kami ay Dios o sa darating na panahon may Dios din na magpapakilala sainyo.
Kaya po Juan 1:1, 14 ay hindi po sinasabi na Dios din si Cristo!
Kaya po Juan 1:1, 14 ay hindi po sinasabi na Dios din si Cristo!
Pagliligaw lang po yan ng umembento ng aral na Dios si Cristo. Hindi po sila mga kristyanos ila po ay mga pagano na kalaban ng Dios.
Namamalagi po ang katotohanan na IISA LAMANG ANG DIOS, ANG AMA!
Namamalagi po ang katotohanan na IISA LAMANG ANG DIOS, ANG AMA!
Turo ng Ama na Dios, turo din ni Cristo at turo din ng mga apostol!
Ang magtuturo ng iba liban sa itinuro ng Dios at ni Cristo at ng Kanyang mga apostol ay hindi sa Dios yan.
Sila po ang mga tagapagturo ng hidwang pananampalataya, upang yaong taong sanay maliligtas sa mga evangelio ni Cristo ay mailigaw nila.Mag-iingat po kayo sa kanila!
No comments:
Post a Comment
Note: only a member of this blog may post a comment.