Ang
kinahahantungan ng maraming mag-asawa: PaghihiwalayPayag ba ang Diyos sa
paghihiwalay? May mga relihiyon na pinapayagan ang paghihiwalay ng mga
mag-asawa. Ang tanong:
Pwede
ba makipaghiwalay o Hindi?
Sinisipi
nila ang Mateo 19:9 para i-justify ang paghihiwalay
sa
Mateo 19:9 sinasabi ang ganito:
"At
sinasabi ko sa inyo, Sinomang ihiwalay ang kaniyang asawang babae, liban na
kung sa pakikiapid," .
Pero
dapat maisip nila na may karugtong pa yan na ganito:
".......
, at magasawa sa iba, ay nagkakasala ng pangangalunya: at ang magasawa sa
babaing yaon na hiniwalayan ay nagkakasala ng pangangalunya."
Hindi
Lang yan dapat din tandaan ang sinabi ni Cristo sa sinundang talata ng 9, ang
nasa 7 at 8 ganito ang ating mababasa:
"
Sinabi nila sa kaniya, Bakit nga ipinagutos ni Moises na magbigay ng kasulatan
sa paghihiwalay, at ihiwalay ang babae?
Sinabi
niya sa kanila, Dahil sa katigasan ng inyong puso ay ipinaubaya sa inyo ni
Moises na inyong hiwalayan ang inyong mga asawa: datapuwa't buhat sa pasimula ay
hindi gayon."
Ano ba
yang sa pasimula ay Hindi GAYON?
Sa 4
hanggang 6 basahin natin:
"
At siya'y sumagot at sinabi, Hindi baga ninyo nabasa, na ang lumalang sa kanila
buhat sa pasimula, ay sila'y nilalang niya na lalake at babae, At sinabi, Dahil
dito'y iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ina, at makikisama sa kaniyang
asawa; at ang dalawa ay magiging isang laman? Kaya nga hindi na sila dalawa,
kundi isang laman. Ang pinapagsama nga ng Dios, ay huwag papaghiwalayin ng
tao."
Hayan
Hindi pwede paghiwalayin ng tao ang pinagsama ng Dios. Kaya ipinaubaya ni
Moises na humiwalay ang asawa dahil sa katigasan ng ulo! Pero ano ang Sabi ni
Cristo?
"........
datapuwa't buhat sa pasimula ay hindi gayon." (Mateo19:8 AB)
Kaya
nga ano pa ang tagubilin no Apostol Pablo?
"
Ito naman ang iniuutos sa mga may asawa, hindi mula sa akin kundi mula sa
Panginoon: huwag makipaghiwalay ang babae sa kanyang asawa. Ngunit kung siya’y
hihiwalay, manatili siyang walang asawa, o kaya’y muling makipagkasundo sa
kanyang asawa. At huwag rin namang palalayasin at hihiwalayan ng lalaki ang
kanyang asawa.( 1Corinto 7: 10-11)
Bakit
wag hihiwalay?
"Ang
pinapagsama nga ng Dios, ay huwag papaghiwalayin ng tao. At sa bahay ay muling
tinanong siya ng mga alagad tungkol sa bagay na ito. At sinabi niya sa kanila,
Ang sinomang lalake na ihiwalay ang kaniyang asawa, at magasawa sa iba, ay
nagkakasala ng pangangalunya laban sa unang asawa: At kung ihiwalay ng babae
ang kaniyang asawa, at magasawa sa iba, ay nagkakasala siya ng pangangalunya." (Marcos 10:9-12 AB)
Maliwanag
na sinusunod ng ibang sekta Si Moises kesa sa batas ng Dios na " wag
pa- paghiwalayin ng tao" ang pinagsama ng Dios. Kami sa Iglesia ni Cristo,
sumusunod kami sa utos na Ito. Habang buhay ang asawa, Hindi pwedeng humiwalay
at mag asawang muli sa iba.
Tandaan
ng bawat mag-asawa, para maiwasan ang mga sigalot:
1.
LAGING TANDAAN NA KAYO AY REGALO NG DIOS PARA SA ISA’T ISA(Kawikaan 19:14)
Remembering
that your spouse is a gift from God is a healthy thing to do. It will somehow
help you avoid thinking that your spouse is just a chance; worst, a mistake.
Totoo naman talaga na ang asawa ay regalo ng Dios. Ang asawa ay hindi lang
napulot kung saan. Ang asawa ay hindi galing sa impakto. Lalong hindi siya
hulog ng impiyerno. Ang asawa ay regalo ng Dios. Laging tandaan na ang mga
regalo ng Dios ay mabuti. Ang asawa mo ay isa sa mga mabubuting regalo ng Dios
sa iyo.
2.
IPAKITA AT IPADAMA ANG PAG-IBIG SA PARAAN GUSTO NIYA.
May mga
mag-asawang nagsabing: “Hindi ko ,maramdamang mahal ako ng aking asawa.”
Ang
dahilan- hindi siya minamahal sa paraang gusto niya. Baka naman kasi hindi
sinasabi sa asawa kung paano niya gustong mahalin. Hindi masama at lalong hindi
nakakahiya na sabihin sa iyong asawa kung paano mo ibig mahalin. Malaking
tulong din kung tatanungin mo ang iyong asawa kung paano niya gustong mahalin.
Lalo kang mamahalin ng asawa mo kung mamahalin mo siya sa paraang gusto niya.
3. SA
ARI-ARIAN AT PERA HUWAG MAG KANYA-KANYA
Sa
mag-asawa, ang ari-arian ng isa ay ari-arian ng dalawa. Walang “akin, akin.”
Walang “sa’yo, sa’yo”. Lahat “atin ito.” Ang perang kinita ng isa ay pera ng
mag-asawa.
If in
marriage the man and the woman were one flesh, then what is owned by one is
owned by the other. Kaya huwag nang magtaguan pa. Ilabas na ang perang
pinaakaka-ipit- ipit sa pitaka.
4.
SHOWER EACH OTHER WITH LOVE.
Diligin
ninyo ng pag-ibig ang isa’t-isa para sumagana ang pagsasama. Ang maayos at
matatag na pagsasama ng mag-asawa ay hindi nagaganap nang basta basta ito ay
parang halaman na inaalagaan at dindiligan. Pag-ibig ang ipandilig, hindi
masamang hinala, paninira, o pangungutya.
5. SHOW
CONCERN ON THE INTERESTS OF YOUR SPOUSE.
Huwag
lang himukin ang asawa na magpakita ng concern sa kung anung interests mayroon
ka. Magkusa ka rin naman magpakita ng concern sa interests ng iyong asawa.
Suportahan mo siya. Alamin ang paboritong sports ng iyong asawa at makipaglaro
kung kaya mo rin lang. Makipag-usap sa asawa tungkol sa mga paksang gusto niya.
Samahan ang asawa kung gusto niyang isama sa panood ng mga pelikulang gusto
niya. Malaking tulong sa masayang pagsasama ang maging concern sa interests ng
isat-isa
6. BE
GENTLE AND TACTFUL IN CORRECTING AN ERROR COMMITTED BY YOUR SPOUSE
Walang
asawang perfect. Lahat nagkakamali. If you need to correct an error committed
by your spouse, be specific. Attack an error committed by your spouse not his
“being”. Approach your spouse gently and tactfully. Kung hindi ka magiging
maingat at matalino sa pagtutuwid sa pagkakamali ng iyong asawa, ang pagtutuwid
mo ay magiging sanhi pa ng lalong ikagugulo ng inyong pagsasama. Dapat lang na
ituwid ang pag kakamali o kasalanan ng asawa. But make sure to do it
intelligently, tactfully, and cautiously. Remember: In making corrections,
don’t forget to offer solutions.
7.
MAGING CREATIVE SA PAGPAPAKITA AT PAGPAPADAMA NG PAG-IBIG
Ang
pagiging creative sa pagpapadama ng pag-ibig ay napakalaking tulong sa
pagpapanatili ng init ng pagsasama ng mag-asawa. Kung nag-iisip para maging
creative, may thrill, may excitement! Therefore hindi boring. Nakasasawa kung
paulit-ulit lang. paminsan-minsan dapat mayrong konting pagbabago sa
pagpapahayag at pagpappadam ng pag-ibig.
Halimbawa:
Kung lagi mo lang sinasabi sa asawa mo “ I love you, “ ngayon isulat mo sa
magandang papel at ilagay mo sa magandang frame. O di ba creative?Kung laging
papel at ballpen ang ginagamit mo to say “ I love you” to your spouse, ngayon
kung kaya mong magrent ng jet plane ipasulat mo sa ulap sa pamamagitan ng usok
ang “ Ilove you” addressed to your spouse. From paper and pen. To sky and usok.
Wow! Di ba creative? Maging creative, OK!
8.
MAGING ATTRACTIVE SA IYONG ASAWA.
Maraming
asawa ang nahulog sa kandugan ng iba kasi hindi na attractive para sa kanya ang
kanyang asawa. Huwag kayong magpabaya sa inyong itsura. Mag-exercise at iwasana
ang walang pakundangang pagkain nang sobra para di masira ang inyong pigura. At
sikapin na rin na maging mabango para sa asawa. Tanungin din ang asawa kung
anong amoy at itsura ang gusto niya. Sundin ang gusto ng asawa para maging
attractive sa kanya. I-attract mo ang iyong asawa baka kasi iba pa ang
umattract sa kanya. Sige ikaw rin. Baka magsisi ka.
9.
SATISFY THE SEXUAL NEEDS OF YOUR SPOUSE
Attend
not only to your personal sexual satisfaction but also to the satisfaction of
your spouse. Pag hindi mo sinikap na i-satisfy ang iyong asawa baka humanap
siya ng ibang mag-sasatisfy sa kanya.
Misis:
a)
ihanda ang sarili para sa asawa.
b)
Maligo! Magpaganda! Magpabango!
c)
Huwag parang patay pag nakikipag “do.”
Mister:
a)Huwag
tratuhing sex object ang asawa mo.
b)Be
gentle at huwag gawing pang-akrobatik ang misis mo.
c)Magtootbrush
ka! Maligo! Magpabango
d)Paano
gaganahan ang misis mo kung mabaho ang hininga mo, amoy lansangan ang ulo mo;
amoy grasa ang katawan mo. Mahiya ka naman sa misis mo, no!
e)Sikaping
huwang maiwang bitin ang misis pag nakikipa “do.”
10.
AVOID RETIRING TO BED WITH UNSETTLED ILL FEELING
Ang
paminsan-minsang ma-offend ng asawa o maka-offend ng asawa ay bahagi na ng
buhay mag-asawa. Kung sakaling ma-offend ka muli ng iyong asawa, huwag mong
hayaang makatulog ka ng may sama ng loob sa kanya. Huwag hayaang makatulugan
ang galit sa asawa, baka kasi pag pagising mo patay ka na. Pangit mamatay na may
kimkim na sama ng loob sa asawa. Kung balak mong bukas ay alisin saiyong dibdib
ang samang dulot ng iyong asawa, gawin mo na ngayon baka bukas ay huli na.
11.
MANALANGING MAGKASAMA
Sikaping
huwag lumipas ang isang araw na hindi kayo nakapanalanging mag-asawa.
Manalangin pakagising sa umaga at bago matulog sa gabi. Ang magkasamang
pananalangin ay napakalaking tulong hindi lang sa “bonding” ng mag-asawa kundi
maging sa pagharap rin nila sa problema. May mga problemang ang hirap lutasin
ng “patayo”. Subalit walang problema na hindi malulutas kung ang mag-asawa ay
“paluhod” na mananalanging magkasama.
Tandaan:
Ang isang buong araw ng mag-asawa ay maaapektuhan ng ilang minutong magkasamang
panalangin nila.(1Tess.5:17-19,21-23)
12.
KUNG MAGKALAYO DAHIL ABROAD ANG ISA
Magkaroon ng panata,sabay na manalangin sa magkaparehong oras
Parehong magtiis sa pangangailangan, dahil pinili ninyong dalawa na magkalayo hindi dahil ayaw ninyong magkasama kundi disisyon ninyo yan para sa future ng pamilya at lalo na sa inyong mga anak, o magiging anak pa lang. Hindi pwedeng ikatuwiran ng bawat isa sainyo na nagawa niya ang matukso dahil wala ang kapartner. Kung nasasaktan ang lalake, nasasaktan din ang babae. Gawin mo ang bagay na gusto mong gawin sayo ng asawa, kung gusto mong tapat siya sayo, maging tapat ka din(Lucas 6:31)
13.
UMIWAS SA MGA SITWASYON NA MAARING MAGBUNGA NG MASASAMANG HINALA
Para
hindi ka mapagbintangan na may ginagawang masama,iwasan ang mga sitwasyong
kanina-hinala. Huwag kang magasasama o sasama sa hindi mo asawa sa isang lugar
na makukwestiyon ang iyong pagsasama.
Halimbawa:
Sa loob ng pribadong sasakyan (dalawa lang kayo sa loob ng kotse);
Sa park
ng pang magnobyo o pang mag-asawa; Sa loob ng hotel.
Mahirap
paniwalan na ang isang lalake at isang babaeng galing sa loob ng hotel ay
nagprayer meeting, nagkwentuhan, nagjack en poy lang. Mag-ingat! Umiwas!
14.
RESPECT YOUR SPOUSE’S NEED FOR PRIVACY or INDEPENDENCE.
Natural
sa tao na minsan ay gustong mag-isa. Totoo ito maging sa mag-asawa. Recognize your
spouse’s need for privacy and honor it. Dapat ring tanggapin ang katotohanang
may mga bagay na para lang sa asawa at hindi dapat pakialaman ng kahit sino pa.
At mayron din namang mga pagkakataon na may gagawin ang asawa na hindi dapat
pakialaman o panghimasukan dahil insulto sa kakayahan pag siya ay pinakialaman.
Kahit pa ng asawa niya.Huwag alamin ang password sa fb.Tiwala sa isat-isa ang kailangan.
15.
TUMUPAD SA PANGAKO
Ang
pangako galing sa asawa ay nagdudulot ng saya. Pero higit na ligaya ang
madarama kung ang asawa ay tumutupad sa pangako niya. Huwag lang puro pangako.
Tumupad ka! Liligaya ang iyong asawa, titibay ang pasasama, kung sa pangako
tumutupad ka! POGI points at BEAUTY points ang pagtupad sa pangako sa asawa.
16. PAG
NAGALIT, SIKAPING TUMAHIMIK MUNA.
Matalinong
pagpapasya ang tumatahimik muna pag nagalit sa asawa. Ang tao pag galit ay may
tendensya na makapanakit. Sino mang nasaktan ay may tendensyang manlaban at
manakit din naman. Makatutulong na maiwasan ang away at pananakit, kung sa
panahong ikaw ay galit, manahimik muna, MANALANGIN at mag-isip-isip.
17.
IWASAN ANG PAGSIGAW SA ASAWA LALO SA HARAP NG IBA.
Ang
pagsisigaw sa asawa lalo na harap ng iba ay isang tanda ng kakulangan o kawalan
ng paggalang sa asawa. Pwera na lang kung bingi ang asawa, hindi tamang
sinisigawan siya. Nababastos at namumukhang tanga ang iyong asawa kung
sisigawan mo siya lalo sa harap ng iba. Siguro naman ayaw mong nababastos at
nagmumukhang tanga ang iyong asawa. Kaya huwag mong sisigawan ang iyong asawa.
18. BE
APPRECIATIVE OF YOUR SPOUSE’S TALENTS AND ABILITIES.
Congratulations
sa mga gumagawa nito. At ‘yong hindi gumagawa nito, magbago na kayo! Make your
respective spouses happy and be an encouragement to them, help develop your
spouse’s talents and abilities. Malaking kagalakan at encouragement sa iyong
asawa kung isa ka sa mga taong nag-a-appreciate sa kanya. Marami ang nagtatampo
o nagagalit sa asawa dahil hindi ina-appreciate ang kanilang talento at
abilidad ng kani-kanilang asawa. Appreciate the talents and abilities of your
spouse. But more importantly, appreciate your spouse. DO IT NOW.
19.
IWASANG PINTASAN ANG ASAWA.
Hindi
madaling tanggapin ang pintas galing sa ibang tao. Lalong mahirap tanggapin
kung ang pintas ay galing sa asawa mo. Napakasakit nito lalo pa kung naririnig
ng ibang tao. Imbis na pintasan ang asawa mo tulungan na lang siyang magbago.
At kung may sasabihin ka sa ibang tao tungkol sa asawa, magagandang bagay na
lang ang ikuwento, huwag ang kapintasan niya.
20.
TULUNGAN SIYANG HUWAG MAGKASALA.(1Tess.5:23)
Mas
madaling makaiiwas sa pagkakasala ang iyong asawa kung tutulungan mo siya. Sa
paglaban sa tukso suportahan ang asawa. Laging alalahanin na ang pagbagsak ng
asawa ay pagbagsak ng pamilya. Alamin kung ano ang laban ng iyong asawa. Laban
mo rin ang laban ng iyong asawa kaya lubos na tulungan siya. Hindi-“BAHALA KA.”
Ang kailangan –“SUPORTAHAN TA KA.”
21. ANG
GALIT SA IBA AY HUWAG IBALING SA ASAWA.
Kung
sakaling nagalit ka sa ibang tao, halimbawa sa presidente ng kompanyang
pinagtatrabahuhan mo, sa boss mo, o sa kanino mang tao na tinitingala mo na
hindi mo kayang ipakita ang galit mo, huwag mong ibaling sa iyong asawa ang
galit mo. Maging aware ka dito dahil pwedeng mangyari ito nang hindi mo
namamalayan. Unconsciously you might transfer your anger with someone else to
your spouse. It happens to some.I pray it won’t happen to you.
22.
WHEN YOU HAVE OFFENDED YOUR SPOUSE, LEARN TO SHOW YOU ARE SORRY.
Pag
na-offend mo ang iyong asawa, kung talagang sorry ka, ipakita mo na totoong
sorry ka. When you realized that you have wronged your spouse, don’t just say
“I’m sorry.” Show that you you really are sorry. Show it with your face and
show it with your action. May mga nagsosorry sa asawa na habang sinasabi ang
“I’m sorry” ay nakangisi. Lalo tuloy nabubuwisit ang asawa niya sa kanya. May
mga nagsasabing “I’m sorry” sa asawa na wala namang pagbabagong makita sa
pakikitungo sa asawa. When you say you’re sorry, mean it. And show that you
really are sorry.
23. LET
YOUR SPOUSE KNOW YOUR FEELINGS AND THE PREDICAMENT YOU ARE IN.
Tell
your spouse not only your thoughts but also your feelings. Letting your spouse
know your feelings and the predicament you are in will somehow help your spouse
act accordingly. Ewan ko lang kung nakakabasa ng isip ang asawa mo, hindi naman
manghuhula ang asawa mo para malaman niya ang iniisip at nararamdaman mo. Sa
panahong nanghihina o nagdaramdam ka, magandang sabihin ito sa asawa. Huwag
sarilinin ang pagdurusa. Dahil ang mag-asawa dapat magkasama sa hirap at
ginhawa. Walang silbi ang asawa kung sa panahon ng pagdurusa ay hindi
nakikiisa. Pero mahirap malaman ng iyong asawa ang lagay mo kung hindi mo ito
sasabihin sa kanya. Huwag mahiya. Huwag mag-alala. Magsabi ka sa asawa.
24.
FORGIVE.
Patawarin
mo ang iyong asawa. Kailan? Pag nagkasala! Kahit pa gaano katindi ang kasalanang
nagawa sa iyo ng asawa mo, patawarin mo siya para wala kang bigat na dinadala.
Ang di-pagpapatawad ay nakasasakit ng ulo. Nakakapangit pa ito! Talo ang di
nagpapatawad. Panalo ka kung magpapatawad ka. Ang pagpapanatili ng galit ay
nagdudulot ng hinagpis at karaniwang humahantong sa pananakit. May galit ka pa
ba sa asawa mo? Patawarin mo na siya.
The
earlier you forgive when you get offended by your spouse, is better than best.
Tandaan:
Hindi optional ang magpatawad. Ang magpatawad ay utos ng Dios. (Colosas 3:13)
25.
AVOID NAGGING
Nakakainis
ang asawang nagger. Ayon sa ilang asawa ng nakausap ko:
“Lalo
akong nagtatampo pag nina-nag ako ng asawa ko.”
“Gusto
kong sungangain ang bibig ng asawa ko
“Nanliliit
ako and I feel stupid pag nina-nag ako ng asawa ko.”
Ikaw,
ano ang pakiramdam mo pag nina-nag ka ng asawa mo?
Kung
may nagawang pagkakamali ang iyong asawa at gusto mong sabihin sa kanya, minsan
lang itong sabihin sa kanya. At huwag idagdag pa dito ang mga dati pang mali na
nagawa niya. Sa pagsasalita sikaping maging mahinahon, huwag pagalit, hindi
nang-iinis o nanlalait.
26.
HAVE A SENSE OF HUMOR.
Nakakapangit
ang laging nakakunot ang noo. Sa mag-asawa kailangan ang ngiti at tawa. Can you
imagine a couple without a sense of humor? Boring di ba? Ang lungkot ng buhay
ng mag-asawa pag walang sense of humor. Parang laging may patay. It’s nice to
make people happy especially your spouse. Have a sense of humor. Patawanin mo
ang iyong asawa. Learn to crack good funny jokes. Dagdag ligaya kung ang asawa ay
marunong magpatawa.
27.
MANGARAP! MAGTIYAGA! MATALINONG GUMAWA.
Libreng
mangarap. Mangarap kayong mag-asawa at magkasamang magplano tungo sa katuparan
ng inyong pangarap. Walang challenge ang buhay kung walang pangarap sa buhay
ang mag-asawa. Magkaroon kayo ng kaisahan sa inyong pangarap. Mahirap para sa
mag-asawa ang walang isang pangarap. Walang tagumpay kung walang pangarap. Pero
huwag lang puro pangarap. Baka bangungutin kayo kung puro pangarap lang. Maging
masipag, at matiyaga. Magtrabaho nang husto, gumawa, at maging matalino sa
paggawa.
28.
MORE THAN WINNING THE ARGUMENT, AIM TO WIN YOUR SPOUSE.
Natural
sa mag-asawa ang paminsan-minsan ay magkaroon ng argumento. Kung sakaling
manyari ito sa inyo, aim on winning your spouse, more than winning the argument
against your spouse. Aanhin mo ang manalo sa argumento kung mawawala naman
sa’yo ang asawa mo. Sige, isipin mo.
29.
MAGING KONTENTO KAYO.
Delikado
ang maaaring kahinatnan ng mag-asawang walang kakuntentuhan sa kung ano’ng
mayron sila. Gulo ang kasasadlakan. Ano ba ang kailangan para maging kontento
ang tao? Ang kasapatan ba ng lahat ng pangangailangan? Kung dito nakabase ang
kakuntentuhan walang mag-asawang mauubusan ng pangangailan. Therefore, walang
mag-asawang makukuntento. Hindi masama ang maghangad ng karagdagan para sa
kinabukasan. Pero maging kuntento muna at magpakaligaya sa kung ano ang mayron
kayo ngayon. Baka kasi hindi dumating ang bukas. Pag dumating ang “bukas,” ang
“bukas” ay naging “ngaun.” Kaya kung ano mayron kayo, magpakaligaya at maging
kuntento. Kung kuntento ka sakaling mamatay ka ngayon, maluwag ang iyong dibdib
na ikaw ay papanaw at marahil nakangiti ka pa hanggang kabaong.
30. BE
GENTLE.
Gentleness
to your spouse can be best exemplified by being considerate of your spouse’s
feeling and thoughts. Bago mo gawin ang isang bagay o bago mo sabihin ang gusto
mong sabihin isipin mo muna kung ano ang maaring bunga nito sa isip at damdamin
ng iyong asawa. Hindi komo’t gusto mo ay gagawin mo na lang basta-basta.
I-kunsidera mo naman ang isip at damdamin ng iyong asawa. Sa pagsasalita, sa
gawa, maging sa paghipo at paghawak, maging gentle sa asawa.
31. BE
PROUD OF YOUR SPOUSE
Ipinagmamalaki
mo ba ang iyong asawa? Dapat lang! Proud ka bang nakikita ang itsura ng asawa
mo o gusto mong takpan siya ng dyaryo habang ipinakikilala mo siya sa ibang
tao? Huwag mong ikahiya ang iyong asawa. Be proud of your spouse. Huwag mong
ikahiya ang iyong asawa.
32.
IGALANG ANG OPINION NG ASAWA.
Ang
lahat ay may karapatang magpahayg ng kanyang sariling opinion. Ito man ay mali
o tama. Igalang ang opinion ng asawa. Kahit di ka sumang-ayon sa opinion ng
iyong asawa ipakita mong iginagalang mo ito. Ang hindi pagkakapareho ng opinion
ng iyong asawa sa iyo ay hindi nangangahuluganng mali siya. Hindi lahat ng
naiiba ay mali . Pero kahit pa hindi ka sang-ayon sa opinion ng asawa, dapat pa
rin na igalang ang opinion niya. Ang hindi pagsangayon ay hindi nangagngahulugan
ng kawalan ng paggalang. Ang mahalaga, igalang ang opinion ng asawa. Tanda kasi
ito ng paggalang sa kanya. Igalang ang asawa.
33.
HUWAG MAGING “BOSSY”.
Sa
mag-asawa walang “amo.” Walang boss. Dapat parehong naglilingkod sa isa’t-isa.
The husband being appointed by God as head of the wife is not taken as “Lord
over the wife.” Hindi rin naman tama na ang wife ay hindi nagpapasakop sa
husband. Huwag mong tratuhing alila ang iyong asawa. Pumarehas ka kahit pa mas
malaki ang kinikita mo kumpara sa kanya. Kung uutusan ang asawa don’t forget
the magic word-“PLEASE.” At kung wala kang ginagawa at may ginagawa ang iyong
asawa, huwag mo na siyang abalahin pa. kung kaya mo rin lang ang gagawin, huwag
mo nang iasa pa sa asawa.
34.
MAGING MAUNAWAIN.
Kung
gusto mong lalo kang mahalin ng iyong asawa ipakita mong inuunawa mo siya.
Totoong kailangan mo ang pang-unawa. Pero higit sa hanapin mo sa asawa ang
unawain ka, mas unahin mo ang unawain siya. Sa bandang huli ang hinahanap mong
pang-unawa galing sa iyong asawa ay ibibigay din niya. Ang pagpapkita ng
pang-unawa ay malinaw na ebidensya ng pagmamahal sa asawa.
35.
KEEP COMMUNICATION LINES OPEN.
Dapat
lang sa mag-asawa na alamin at ipaalam ang kalagayan ng isa’t-isa. This will
not happen if the couple will not keep their communication open. Basic
indicators of good communication between a husband and wife: Clear transmission
of message- be it thoughts or feelings.
Listening-
Don’t just butt in. Understanding- seeing from the perspective of the one who
speaks.Empathy-feeling with.Maraming problema ang maiiwasan ng mag-asawa kung
laging bukas ang komunikasyon nila para sa isa’t-isa.
36.
MAGING MAHINAHON SA PAG-UUSAP PAG MAY PROBLEMANG NILUULUTAS.
Walang
problemang di malulutas sa mahinahong pag-uusap. Sa totoo lang, maraming
problema ang hindi na sana lumala pa kung sa pag-uusap ay naging mahinahon ang
mag-asawa. Hindi makakatulong sa paglutas ng problema kung nagsisisihan ang
mag-asawa. Magpokus sa solusyon huwag sa pagkakamali o sa problema ng
isa’t-isa. Iwasan din ang pangungutya at magtaas na tono pag nagsasalita.
Bahagi rin ng pagiging mahinahon ang paggamit ng mga tamang salita.
37.
IWASANG ISUMBAT ANG MGA NAKALIPAS NA PAGKAKAMALING NAGAWA NIYA.
May mga
taong pag nagalit sa asawa ay binabalik-balikan ang matagal ng pagkakamaling
nagawa ng asawa. At pauli-ulit na isinusumbat ito sa kanya. Pag ganito ng
ganito, sisikip ang mundo ng iyong asawa at baka marapatin pang iwan ka niya.
Ang kasalanang pinagsisisihan na ay hindi na dapat isumbat pa. pag may bagong
nagawang pagkakamali ang iyong asawa, huwag mong isama iyong mga luma na.
walang kahihinatnang maganda ang isumbat sa asawa ang pagkakamaling lipas na.
38.
IWASANG GAWIN ANG ANO MANG BAGAY NA ALAM MONG IGAGALIT NIYA.
May mga
asawa na talagang nananadya. Tahasang ginagawa ang mga bagay na alam na
ikagagalit ng kanyang asawa. HUWAG GUMAYA SA KANILA. Yon naman eh… kung ayaw
mong masira ang pamilya. Hindi lang asawa ang masamang epekto pagtahasang
ginagawa mo ang alam mong nakasasakit sa iyong asawa. Maaaring gantihan ka ng
iyong asawa at pati ang anak mo, maaaring gayahin ka at tahasan ring saktan ka.
Huwag gawin sa asawa ang mga bagay na ayaw mong sa iyo ay gawin niya.
39. SA
PANAHONG NANGHIHINA ANG LOOB NG ASAWA, MAGING SOURCE OF ENCOURAGEMENT PARA SA
KANYA.
May mga
panahon maaaring manghina ang iyong asawa gawa ng kinakaharap na problema.
Maging katuwang ka sa pagresolba ng problema at huwag na maging pabigat pa.
Kung kailangang magsakripisyo para makatulong-magsakri pisyo! Kung kailangang
tumahimik para makatulong- manahimik! Gawin mo ang magagawa mo para matulungang
malutas ang problema ng asawa. Be a source of encouragement .
40.
IWASAN ANG PAKIKIALAM SA MGA BAGAY NA INAARING PERSONAL NG IYONG ASAWA.
Personal
letters, text messages, bag at pitaka, at iba pang mga bagay na inaaring
personal ng iyong asawa, huwag mong basta-basta babasahin, kakalkalin, at
pakikialaman.
41.
MAGTIWALA
Ang
pagpapakita ng pagtitiwala sa asawa ay malaking tulong tungo sa magandang
pagsasama. Kung noon ay niloloko ka ng iyong asawa ang magtiwala sa kanya ay
maaring maging tulong tungo sa pagbabago niya. Para sa isang naglolokong asawa
hindi madaling gawin ang magbago lalo kung walang tulong na manggagaling sa
kanyang asawa. Kung sakaling sa kabila ng ipinakita mong pagtitiwala sa iyong
asawa ay niloko ka pa rin niya, alalahanin mong sa iyo ay walang nawala. Sa
iyong asawa ay marami ang nawala. Sa pagtitiwala, walang nawawala. Sa
manloloko, marami ang nawawala.
42.
MAGING BEST FRIEND KA NG ASAWA MO.
“Itinuturing
ka bang kaibigan ng iyong asawa?
Sagot
pls.________ _________ ______
Sa
hanay ng mga kaibigan ng iyong asawa, “Ikaw ba ay kinikilala ng iyong asawa ng
kanyang matalik na kaibigan?”
Sagot
pls.________ _________ _________
“Asawa
mo, best friend ka ba?”
sagot
pls.________ _________ _________ _
Dapat
matalik na kaibigan ka ng iyong asawa.
Mas
dapat…PINAKAMATALIK.
43.
HUWAG GAWING KATATAWANAN ANG KAMALIAN, KAKULANGAN, AT KAIBAHAN NG IYONG ASAWA.
Lahat
ay nakakamali, lahat ay nagkukulang. Lahat ay may kaibahan. Walang taong matutuwa
pag pinagtatawanan ang kanyang kakulangan, kamalian, o kaibahan. Tahasang
pangungutya sa asawa ang pagtawanan ang kaibahan o pagkakamali niya. Hindi tama
na ginagawang biro ang pagkukulang, o mga bagay na hindi pangkaraniwan sa
asawa.
Gaya
ng:
Kuntil
sa tenga,
Putol
na daliri o sobra sa sampu ang daliri,
Ilong
na parang tapon,
Kulay
ng balat,
Butas
ng ilong na mukhang garapon,
At iba
pa.
Huwag
pagtawanan ang kamalian, kaibahan at kahinaan ng asawa. Iwasang pagtawanan ang
asawa. Baka gulpihin ka o kaya baka mawalan ka ng asawa.
44.LAGING
SENTRO NG INYONG BUHAY ANG DIOS.(1Tess.5:16-18;Jeremias 19:12-13)
Sa
pagsasama ng mag-asawa ang pagiging maka-Dios ang pinakamahalaga. Ang pagiging
maka-Dios ang siyang magdadala sa mag-asawa sa isang matibay na pagsasama at
totoong pagkakaisa. Natural sa mag-asawa ang datnan ng iba’t-ibang problema.
Pagka maka-Dios ang mag-asawa mananatiling matatag ang kanilang pagsasama kahit
gaano katindi ang problemang kinakaharap nila. Ang ikinatatag ng ugnayan ng
mag-asawa ay hindi nakadepende sa dami ng pera o sariling kakayahan ng
mag-asawa. Ang ikinatatatag ng relasyon ng mag-asawa ay nakadepende sa Dios na
siyang pundasyon ng pagsasama. Sa panahong tahimik o may kaguluhan, panahong
tag-init o tag-ulan, maging maka-Dios ka at ang iyong asawa.
45. BE
ATTENTIVE PAG MAY SINASABI SIYA SA IYO.
Di ba
pag kinakausap mo ang iyong asawa gusto mo nakikinig siya? Gusto rin ng asawa
mo na pakinggan mo siya pag kinakausap ka niya. Di ba ayaw mo na may ginagawang
kung anu-ano ang iyong asawa pag kinakausap mo siya? O di ganon din ang gawin
mo. Huwag kang gumagawa ng kung anu-ano pag kinausap ka ng asawa mo. May
mag-asawang mukhang magkausap silang dalawa. Mukha lang pala. Dahil ang kausap
nila ay sari-sarili pala at hindi ang isa’t-isa. Nakakabanas! Di ba? Babala:
Huwag silang tularan.
46.
IPAKITA AT IPADAMA NA MAHALAGA ANG IYONG ASAWA.
Sarap
ng pakiramdam kung feeling important ka di ba? Ang asawang nakadama na siya ay
di mahalaga sa kanyang asawa ay nag-mumukhang aba, nahahabag sa sarili, at
nagiging madrama. Ipakita at ipadama na mahalaga sa iyo ang iyong asawa.
Masarap kasama ang taong sa iyo ay nagpapahalaga. marami ng mag-asawa ang
naghiwalay dahil sa kawalan ng pagpapahalaga sa isa’t-isa. Ipakita at ipadama
na mahalaga sa iyo ang iyong asawa.
47.
IIWAS SA SELOS ANG ASAWA.
Maraming
mag-asawa ang nag-away at nasira ang buhay dahil sa selos. Marami ang nasiraan
ng bait, pumatay at napatay dala ng matinding pagseselos. Natural na magselos
kung kaselos-selos. magtaka ka kung may dapat pagselosan sa’yo ang iyong asawa
tapos hindi siya nagseselos. Ang pinakamaganda, iiwas sa selos ng asawa. Kung
sakaling hindi sinasadya may nagawa ka o kaya may nagawa ang iba na napansin
mong ipinagseselos sa iyo ng iyong asawa, ayusin agad. Huwag patagalin pa.
linawin ito at sikaping huwag maulit pa.
Tandaan:
Ang selos ay parang lason. Naninira, nakamamatay.
48.
HUWAG SABAT NANG SABAT KUNG ASAWA MO ANG KAUSAP NG IBA.
May mga
asawang sabat ng sabat kahit hindi siya ang kinakausap.Turn off ka ba sa asawang
sabat ng sabat? Correct ka diyan! Nakakaturn-off talaga ang asawang sabat nang
sabat kahit hindi kinakausap. Kaya ikaw, iwasan ang pagsasabat-sabat kung asawa
mo ang kausap. Kahanga-hanga ang asawang di palasabat.
49.
MAGSAMA AT MAGKAISA SA PAGGAWA NG DESISYON.( 1Cor.1:10)
Sa
paggawa ng desisyon dapat lang na magkasama at nakakaisa ang mag-asawa. Sa
mag-asawa, hindi tamang isa lang ang gagawa ng desisyon lalo pa kung maselan o
major decision ang gagawin. Kagaya ng:
Paglipat
ng bahay,
Pagbili
at pagbebenta ng ari-arian,
Pagdisiplina
sa mga anak,
At iba
pa.
Bago
gumawa ng desisyon dapat lang na ang mag-asawa ay nag-uusap muna at
nananalanging magkasama. Daan ito tungo sa pagkakaisa.
50.
HUWAG KALIMUTAN ANG MGA ARAW NA PINAHAHALAGAHAN NG IYONG ASAWA.
Hindi
dapat makalimutan ang mga araw na pinahahalagahan ng iyong asawa lalo na ang
birthday at wedding anniversary. Give your spouse a special greetings on
special occasions. Better still, give your spouse a treat on special occasions.
Gawin mo ito sa asawa mo. Sigurado ako, LOVE points ang bunga nito.
Remember:
Don’t forget!
51. BE
RESOLVED TO LIVE WITH YOUR SPOUSE ALL YOUR LIFE.
Ang
relasyon ng mag-asawa ay panghabambuhay. May kasabihan: “Ang pag-aasawa ay
hindi parang kaning isusubo at iluluwa pag napaso.” In solving marital
problems, lot of solutions can be considered as the options. God hates divorce.
God intends marriage to be for life. Maraming mag-asawa ang naghiwalay na.
Marami na sila. Hindi na kayo dapat dumagdag pa. Magsama kayong mag-asawa sa lungkot
at ligaya, sa hirap o ginhawa, meron o walang pera, hanggang may hininga.
Remember: What God has joins together, Let no man separate.(Mat.19:6)
52. THE
REASON TO ALL OF THESE
Namumuhi
ang Dios sa diborsyo…..
”
Sapagka't aking kinapopootan ang paghihiwalay, sabi ng Panginoon, ng Dios
ng Israel, at siya na nagtatakip ng kaniyang damit na may karahasan, sabi ng
Panginoon ng mga hukbo: kaya't ingatan ninyo ang inyong kalooban na huwag
kayong magsalita na may paglililo.”
“The
LORD, the God of Israel, says, "I hate divorce, and I hate the cruel
things that men do. So protect your spiritual unity. Don't cheat on your
wife." (Mal.2:16 ERV) Para sa karagdagang paalala, basahin ang Lucas 18 at
bulay-bulayin.
No comments:
Post a Comment
Note: only a member of this blog may post a comment.