Tuesday, 28 August 2012

Tanungan ukol sa Filipos 2:5-8

Ang talatang madalas gamitin ng mga naniniwalang Dios si Cristo ay ang Filipos 2:5-8 kaya kadalasan ganito ang nagiging takbo ng usapan. Tingnan po natin ang usapan. Ang kulay green po ay ang naniniwalang Dios si Cristo at ang nasa pula ay ang panig ng Iglesia ni Cristo, umpisahan na po natin.

.


Tinatanggap mo ba na si Cristo'y nasa anyong Dios?

Tinatanggap ko po dahil nakasulat ito sa Biblia. Babasahin ko po:

"Mangagkaroon kayo sa inyo ng pagiisip, na ito'y na kay Cristo Jesus din naman: Na siya, bagama't nasa anyong dios, ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios."(Fil. 2;5-6)

e
Alam mo pala iyan, bakit ayaw mo pang tanggapin na si Cristo'y Dios? Maaari bang maging anyong Dios ang hindi Dios?

Ang katumbas po lamang ng sinabi ni apostol Pablo na si Cristo ay nasa anyong Dios ay ang sinabi rin niya sa iba niyang sinulat na si Cristo ay larawan ng Dios (II Cor. 4:4).ang totoo po, ang mga salitang katumbas sa Griyego ng anyo (morphe) at ang katumbas ng larawan (eikon) ay magkasingkahulugan. Hindi dahil sa sinabing si Cristo'y nasa anyong Dios o lrawan ng Dios ay nangangahulugan nang siya ay Dios sa kalagayan.Manapa'y ito pa nga ang nagpapatotoo na si Cristo ay tao sapagkat talagang nilalang ng Dios ang tao sa kaniyang larawan.

"At nilalang ng dios ang tao, ayon sa sa larawan ng dios siya nilalang; nilalang niya sila na lalake at babae."(Gen. 1:27)

Kung talagang tao si Cristo, bakit naman nakitulad pa sa tao? Pakinggan mo at itutuloy ko ang binasa mo:

"Kundi bagkus hinubad niya ito, at nag-anyong alipin, na nakitulad sa mga tao."(Fil. 2:7)
Ayan, bakit pa nakitulad saa tao kung talagang tao?


Dahil po ba sa nabasa ninyong "nakitulad si Cristo sa tao,"hindi na siya tao?

Bakit pa makikitulad kung talagang tao?

Paano ang dati ninyong sinasabi na Siya ay Dios na totoo at taong totoo?Ang paninindigan ba ninyo ngayon ay hindi na taong totoo?

aba!Ang gusto kong liwanagin mo ngayon--kung talagang tao si Cristo--bakit pa nakitulad sa tao?

Ang tinularan ni Jesus sa tao ay hindi ang kalagayan o kalikasan, kundi ang pagka-alipin;sapagkat siya'y ginawa ng Dios na Panginoon at Cristo;samantalang ang Panginoon ay sinusunod (Lu. 6:46).Si Crsito naman ang sumunod sa kalooban ng Dios.Basahin po nating muli at saka natin ituloy pa.

"Kundi bagkus hinubad niya ito, at nag-anyong alipin na nakitulad sa mga tao At palibhasa''y nasumpungan sa anyong tao, siya'y nagpakababa sa kaniyang sarili, na nagmasunurin hanggang sa kamatayan, oo sa kamatayan sa krus (Fil. 2:7-8)
Kaya, ang pakikitulad ni Cristo sa pagka-alipin ng karaniwang tao ay pagpapakababa upang makasunod hanggang kamatayan.

Bakit hindi sinabing nakitulad sa alipin at sa halip ay nakitulad sa tao?

Katulad lamang ng sinabi ng Dios kay Job:

"Nang magkagayon, ang Panginoon ay nagsalita kay Job mula sa bagyo: Suhayan mo ang sarili mo na tulad ng isang tao, tatanungin kita at tugunin mo ako."(Job 40:6-7, NPV)

Hindi po ba tao si Job? Bakit sinabing "suhayan mo ang sarili mo na tulad sa isang tao?"Ang katumbas lamang sa ibang pangungusap "magpakatatag ka at tatanungin kita."

Sandali lang, may napansin ako sa binasa mo, "si Cristo pala ya nasumpungan sa anyong tao"; kaya kung si Cristo na anyong Dios ay hindi Dios, na nasa anyong tao, ngunit hindi rin tao, ay ano siya? Kapag sinabi mong tao parin mahahalata ka! Magkasalungat ang paliwanag mo.

Magkaiba po ang pagiging anyong Dios at ang pagiging anyong tao.Si Crsito po ay anyong Dios, ngayong nabasa mo na nasa anyong Dios hindi sa anyo ang kalagayan na nakikita ng mata;katunayan sinabi ni Moises:

"Ingatan nga ninyong mabutii ang inyong sarili;sapagka't wala kayong nakitang anomang anyo nang araw na magsalita ang Panginoon sa inyo sa Horeb mula sa gitna ng apoy."(Deut. 4;15)
Napansin po ba ninyo? Walang anyong nakita ang Israel nang magsalita sa kanila ang Dios, kaya ang anyong Dios, ay hindi anyo ng kalagayan na nakikita ng mata.

Papaano naging larawan ng Dios ang Cristo o ang sinumang tao, kung hindi sa anyo ng kalagayan na nakikita ng mata?

Pinili ng Dios ang tao upang maging banal gaya ng binanggit ni Apostol Pablo:

"Ayon sa pagkapili niya sa atin sa kaniya bago itinatag ang sanglibutan,upang tayo'y maging mga banal at mga walang dungis sa harapan niya sa pag-ibig."(Efe. 1:4)
Pinili na tayo bago pa itinatag ang sanglibutan upang maging mga banal at walang dungis sa pagibig.Kaya, ano ang hinahanap sa bawa't tao ng dios? Ayon kay Apostol Pedro ay ganito ang mababasa:

"Nguni't yamang banalang sa inyo'y tumawag ay mangagpakabanal naman kayo sa lahat ng paraan ng pamumuhay; sapagka't nasusulat, Kayo'y mangagpakabanal;sapagka't ako'y banal."(I Ped. 1:15-16)


Maliwanag na nilalang ng Dios ang tao upang maging larawan niya sa kabanalan at hindi sa anyo ng kalikasan
.

Paano naman sinabi na si Cristo ay nasumpungan sa anyong tao?

Unang-una,talagang ang kalikasan o kalagayan sa pagkalalang sa ating panginoong Jesucristo ay tao; kaya ang anyong makikita sa kaniya ay anyo ng balangkas ng kaniyang kalikasang tao;narito ang katunayan:

 

 

"Ngayon ang pagkapnganak kay Jesucristo ay ganito.Nang maidulog nasi Maria na kanyang ina at si Jose, bago pa sila magsama,siya'y natagpunag nagdadalang-tao lalang ng Espiritu Santo."(Mat. 1:18,Abriol)

 


hindi kataka-taka na maging anyong tao, sapagka't nilalang na tao.Tangi pa rito,bagaman siya ay ginawang Panginoon,nagpakababa at lumagay sa tunay na uri ng pagkalalang sa tao na nagmasunurin hanggang sa kamatayan sa krus.Gaya ng nasasad sa Banal na Kasulatan:

 

 
"Ngayon ay narinig na ang lahat;narito ang katapusan ng bagay na ito:Matakot kas a Dios at sundin ang kaniyang mga utos,pagkat ito ang buong katungkulan ng tao."(Eccl. 12:13, NPV)

Nakatugon si Jesus sa buong katungkulan ng tao, ang pagsunod sa utos ng Dios,gaya ng ipinangako Niyang naparito Siya hindi upang sirain ang kautusan kundi upang ganapin (Mat. 5:17) at Siya ang tanging pinatunayan sa Biblia na hindi nagkasala (I Ped. 2:2-22).Kaya kung tingnan Siya sa balangkas bilang isang nilalang na tao--tiyak anyong tao;suriin siya ayon sa layunin ng Dios sa paglalang ng tao, nagmasunurin hanggang sa kamatayan;ganito siya nasa anyong tao.
Maliwanag po, nasa anyong Dioso larawan ng dios ang Cristo dahil sa kanyang kabanalan, at nasa anyong tao,sapagka't ang balangkas na makikita sa kaniya ay balangkas ng tao at nakatugon pa sa buong katungkulan ng tao, ang pagsunod sa utos ng Dios.
os

No comments:

Post a Comment

Note: only a member of this blog may post a comment.