Wednesday, 25 January 2012

May konsilyo sa langit?

 
Ayon sa lider ng ADD lahat daw ng kanyang sinasabi ay nakasulat, ang po niyang sabihin na nakasulat ay nakasulat sa biblia.

Bweno pag-aralan po natin kung talaga ngang ang kanyang sinasabi ay puro nakasulat sa biblia?

Unahin natin ang sinasabi niyang nag KONSILYO sa langit ang TATLO,

ANG AMA, ANAK, ESPIRITU SANTO.

Unang-una po wala kang mababasa sa biblia na nagkonsilyo o salitang konsilyo na ang ibig ipakahulugan ay nag-usap-usap.

Pag makausap mo ang mga ADD member either murahin ka nila ukol sa bagay na iyan dshil alam na nila sa sarili nila na walang nakasulat na may nagkonsilyo, may iba naman na naglalakas loob na sumasagot at ang isasagot sa atin ay talaga naman daw nag-uusap ang mag-ama sa langit.

Katunayan daw ay noong paglalang sa tao nag-usap daw ang mag-ama, ibig sabihin ang Ama at Anak daw ay nag-usap at sisipiiin ang nasa Genesis 1:26.

Hayan daw may kausap daw ba ang Dios o wala?

Kung medyo hindi mo kabisado ang biblia, maaring mapaniwala ka na ang kausap nga ng Dios dyan ay ang Anak.

Dahil nga po may kinakausap nga po ang Dios.

Talaga nga bang kausap ng Dios ang anak?

Bweno, para sa hindi masyadong talastas ang biblia, sipiin po natin ang nilalaman ng nasabing talata at tungahayan natin kung ang Anak nga ba ang kausap dyan?

Heto po...




At sinabi ng Dios, Lalangin natin ang tao sa ating larawan, ayon sa ating wangis: at magkaroon sila ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga hayop, at sa buong lupa, at sa bawa't umuusad, na nagsisiusad sa ibabaw ng lupa.”




May nakita po ba kayo sa talata na Anak?

O kaya'y may sumagot sa Dios?

Ang sagot po natin ay WALA!

Haka-haka lang po nila yan sa talata!

Ngayon naman po baka itanong nila kung hindi ang Anak ang kausap dyan

Eh sino?

Ang kausap po ng Dios dyan ay ang mga anghel.

Ano po ang katunayan natin na iyan ay mga anghel?

Kung babasahin po ninyo ang biblia mula sa Genesis 1 hanggang chapter 3

ito po ang mababasa po ninyo....



Gen 3:24 Ano pa't itinaboy ang lalake; at inilagay sa silanganan ng halamanan ng Eden ang mga Querubin at ang isang nagniningas na tabak na umiikot, upang ingatan ang daang patungo sa kahoy ng buhay. “



Anghel po ang kausap ng Dios!


Ok po balik po tayo sa paksa, para nga po patunayan nila na may konsilyo sa langit, tulad ng kwento ng lider nila, sinabi nga daw ng Ama na sino ang susuguin ko?

Nag volunteer naman daw ang Anak at sinabi daw na Ako nalang Ama!

Tapos po sisipiin nila yung nakasulat sa Isaias 6:8 -9 na may sinasabing ganito..



At narinig ko ang tinig ng Panginoon, na nagsasabi, Sinong susuguin ko, at sinong yayaon sa ganang amin? Nang magkagayo'y sinabi ko: Narito ako; suguin mo ako.
At sinabi niya, Ikaw ay yumaon, at saysayin mo sa bayang ito, inyong naririnig nga, nguni't hindi ninyo nauunawa; at nakikita nga ninyo, nguni't hindi ninyo namamalas.”



Ang galing ano po?

Tama po kaya ang pagkakasipi nila sa talata?

Si Cristo po kaya ang kausap ng Panginoon?

Ang sagot?

HINDI PO!!!!

Bakit po?

Itaas lang po natin ang pagbasa, dito naman sa verse 5.


Tunghayan po natin......




Nang magkagayo'y sinabi ko, Sa aba ko! sapagka't ako'y napahamak; sapagka't ako'y lalaking may maruming mga labi, at ako'y tumatahan sa gitna ng bayan na may maruming mga labi: sapagka't nakita ng aking mga mata ang Hari, ang Panginoon ng mga hukbo.”





Teka! Teka! Teka!

May napansin po ba kayo sa talata?

Sabi sa bahagi ng talata.....



sapagka't ako'y lalaking may maruming mga labi”




Sa english........





every word that passes my lips is sinful, .........”





Kayo po ba sang-ayon na ang Panginoong Jesucristo ay may maruming labi o may makasalanang labi?

Ako po sa ganang aking sarili ay hindi kasi po lalabas na sinungaling si apostol Pedro sa sinabi niyang

ang Panginoong Jesus ang bukod tanging hindi nagkasala o kinasumpungan ng daya ang dila.

Patunay?

Heto po....




1Pedro 2:22 Na siya'y hindi nagkasala, o kinasumpungan man ng daya ang kaniyang bibig:”




Sa English......


Christ did not sin or ever tell a lie. “ (CEV)



Kung gayon sino po ang kausap ng Panginoong Dios dyan sa talatang 6:8-9 ng Isaias?

Ang sagot po natin ay walang iba kundi ang nagkwento niyan si Isaias po mismo ayon sa kanyang pangitain! (Isaias 1:1)

Palpak po na paniniwala ng ADD sa pangunguna ng kanilang lider.

Napapatunayan po natin pag sinuri po ang kanilang sinasabi tiyak na wala ito sa biblia,o kung hindi man siguradong mali ang kanilang pagkaunawa sa nilalaman ng talata!

No comments:

Post a Comment

Note: only a member of this blog may post a comment.