Thursday, 26 January 2012

Dahil Tinawag na Alpha at Omega “King of Kings at “Lord of Lords” sa Apocalipsis 1:8; 22:12-16; 17:14 Dios na?

  

Itong mga talatang ito ang ginagamit ng ilang Theologians lalo na ng mga Trinitarians na batayan para patunayan na ang Panginoong Jesuscristo ay Dios din.

Sa paniniwalang ito lalo na ng mga Trinitarians, ay malaki ang kanilang dapat ipaliwanag kung bakit ang Holy Spirit na sa paniniwala nila ay kapantay din ng Ama at ng Anak, ay hindi tinawag na Alpha at Omega King of Kings at Lord of Lords?

Hanggang ngayon po wala pa silang paliwanag ukol sa Holy Spirit kung bakit hindi tinawag ng gayon.

Kung susundin natin ang ganyang pangangatuwiran na dahil sa tinawag sa magkahalintulad na titulo ay Dios na?

Ilang mga halimbawa ,

Si apostol Pedro din pala ay magiging Dios din dahil tinawag din sa katawagang kahalintulad ng sa Panginoong Jesucristo na “BATO” o “Stone”.

Dito po sa Juan 1:42 si apostol Pedro ay tinawag na “Stone”


And he brought him to Jesus. And when Jesus saw him, He said, You are Simon the son of Jonah; you shall be called Cephas (which translated is, A stone)”.[KJV]




Samanatalang ang Panginoong Jesus naman ay tinawag ding “Stone” sa Gawa 4:10-11




be it known to you all, and to all the people of Israel, that by the name of Jesus Christ of Nazareth, whom you crucified, whom God raised from the dead, in this name does this man stand before you whole. This is the Stone which you builders have counted worthless, and He has become the Head of the Corner.” [KJV]


Nakita na po natin na parehong tinawag na “STONE” si Apostol Pedro at ang Panginoong Jesuscristo pero nangangahulugan po ba ito na Dios din sa apostol Pedro?

Magpatuloy po tayo....


Sa ganyang kaisipan pa din na kung susundin natin na dahil sa may pagkakapareho ng katawagan ay Dios na, eh di lahat pala ng Kristyano ay Dios na rin?

Bakit po? Kasi po sa 1 Pedro 2:4-5 lahat ng Kristyano ay tinawag na “ living STONE

Sipiin po natin ang talata...


For having been drawn to Him, a living Stone, indeed rejected by men, but elect, precious with God;you also as living stones are built up a spiritual house, a holy priesthood, to offer up spiritual sacrifices acceptable to God through Jesus Christ.” [KJV]



Nakita na po natin kung ano ang samang ibubunga kung sakaling paniniwalaan natin na dahil may magkaparehong katawagan ay pareho na ng kalagayan? Katulad po ni Cristo at ng Dios, at ni Cristo at ni apostol Pedro? Mas higit po ni Cristo at ng lahat ng Kristyano?


Maaring sabihin po ninyo na magkaiba naman ng kahulugan ang mga iyan?

Tama po kayo!

Iyan po ang pinakapunto ko na, hindi komo tinawag sa magkaparehong katawagan ay magkapareho na ng kalagayan.


ALPHA AT OMEGA” Ang una at huling letra ng Greek alphabet. Ito ay parehong ikinabit sa Panginoong Jesus at sa Ama na Siyang tunay na IISANG DIOS, na ang ibig sabihin ay “UNA AT HULI”. Iyan po ay may magkaibang kahulugan ayon sa pagkakabit sa kanila.


Ang Ama ay “ALPHA” dahil sa Kanya nagmula ang lahat (1Corinto 8:6) at “OMEGA” dahil Siya ang nagtakda ng paghuhukom (Gawa 17:31; 1Corinto 15:28) o ng katapusan (Mateo 24:36)


Sa kabilang banda naman ang Panginoong Jesucristo ay “ALPHA” dahil Siya ang “panganay sa lahat ng nilalang” (Colosas 1:15) panganay sa lahat ng nilalang hindi ibig sabihin Siya ay pinakaunang tao sa mundo, panganay in the sense na bago pa lalangin ang mundo “nauna” na siya sa isipan ng Dios. Nauna Siya sa “plano” ng Dios. (1Pedro 1:20 salin ni Juan Trinidad)


OMEGA ang Panginoong Jesus dahil sa pamamagitan Niya huhukuman ng Dios ang sanlibutan sa araw ng paghuhukom (2 Corinto 5:10; Gawa 17:31).

Bakit tinawag na Lord of Lords at King of Kings?

Ipinaliwanag po ng biblia na Siya maghahari at “ lilipulin na niya ang lahat ng paghahari, at lahat ng kapamahalaan at kapangyarihan.”

Kung magkagayo'y darating ang wakas, pagka ibibigay na niya ang kaharian sa Dios, sa makatuwid baga'y sa Ama; pagka lilipulin na niya ang lahat ng paghahari, at lahat ng kapamahalaan at kapangyarihan. Sapagka't kinakailangang siya'y maghari hanggang mailagay niya sa ilalim ng kaniyang mga talampakan ang lahat niyang mga kaaway “ (1Corinto 15:24-25)


Ayon sa paglalarawan ng biblia ang pagiging King of Kings at Lord of Lords ng Panginoong Jesucristo ay mas mababa doon sa Ama na Siyang tunay na Dios, at sa pagpapatuloy ng biblia...


Sapagka't kaniyang pinasuko ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kaniyang paa. Datapuwa't kung sinasabi, ang lahat ng mga bagay ay pinasuko, ay maliwanag na itinangi yaong nagpasuko ng lahat ng mga bagay sa kaniya. At kung ang lahat ng mga bagay ay mapasuko na sa kaniya, kung magkagayo'y ang Anak rin ay pasusukuin naman sa nagpasuko ng lahat ng mga bagay sa kaniya, upang ang Dios ay maging lahat sa lahat. “ (1 Corinto 15:27-28)



Kaya po ang Alpha at Omega, Kings of Kings, Lord of Lords ay may pagkakaiba ang kahulugan at pagkakagamit. So kung i-a-argue nila na Dios ang Panginoong Jesucristo dahil taglayNiya ang ganoong titulo ito ay isang maling argumento at pangangatuwiran. Ito ang tinatawag ng mga logician na "fallacy of equivocation".

No comments:

Post a Comment

Note: only a member of this blog may post a comment.