Tuesday, 24 January 2012

Marapat ba na ipakahulugan na Dios ang panginoong Jesucristo,dahil wala Siyang sinabing "Hindi Ako Dios"?

Ang nasabing pangungusap na madalas isagot ng mga naniniwalang Dios si Cristo,ay ating pag-usapan.

Marapat ba na ating tanggapin na dahil sa walang nakatala na sinabi si Jesus, na "Hindi Ako Dios", nangangahulugan na Dios Si Cristo? Ang sagot po ay HINDI!

Bakit po hindi marapat na tanggapin ng tunay na Cristiano ang gayong pangungusap? 
Dahil po dilikado po yan, lalabag po sa biblia yan. Ano po ang katibayan na iyang pananalitang iyan ay delikado? Kasi po pag tinanggap natin,dadami po ang Dios.
Sa biblia po, ang pakilala ng Dios, Siya ay IISA,wala Siyang kagaya.


" Inyong alalahanin ang mga dating bagay ng una: sapagka't ako'y Dios, at walang iba liban sa akin; ako'y Dios, at walang gaya ko; " (Isaias 46:9 TAB)

Hayan po nakita natin na sinabi ng Dios, walang kagaya Niya. Balikan naman natin ang nabanggit na kanina na delikado pag tinanggap natin na dahil walang sinabi Si Cristo na "Hindi Ako Dios" iisipin na natin na Dios Siya, katulad ng ikinakatuwiran ng iba? Delikado po yan. Unang-una po walang Sinabi si Cristo na Siya ay Dios, bagkus sinabi Niya na Siya ay tao.

" Datapuwa't ngayo'y pinagsisikapan ninyo akong patayin, na taong sa inyo'y nagsaysay ng katotohanan, na aking narinig sa Dios....." (Juan 8:40 TAB)

Ngayon po, nalaman natin na inamin ni Cristo na Siya ay tao,dahil ba sa wala Siyang sinabi na "Hindi Ako Dios" iisipin na agad natin na Dios Siya? Hindi parin po kasi wala nga po Siyang sinabi na "Ako ay Dios" sa halip  ang ipinakilala Niyang Dios ay ang Ama.

" Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; at sa pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit, ay sinabi niya, Ama, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang ikaw ay luwalhatiin ng Anak.....
At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo." (Juan 17:1,3 TAB).

Si Cristo po ay Sinugo ng Dios, at ang tunay na iisang Dios ay ang Ama.

Naipakita po natin na ang tunay na IISANG Dios ay ang Ama at si Cristo naman ay TAO
Ano po ang sama pag inisip natin na dahil sa walang sinabi si Cristo na "Hindi Ako Dios" ay Dios na Siya? Dahil nga po sa kadahilanang dadami ang magiging Dios. 

Heto po ipapakita ko po sainyo. Ako po ay tao, nagsasaysay ng katotohanan sainyo, hindi ko rin po sinabi na "Hindi ako Dios" lalabas po niyan pati pala ako Dios. Masama po yan kasi alam naman po natin na ako ay TAO, at sinabi ng biblia na ang Dios ay hindi tao, at ang tao ay hindi Dios.

".......Ako'y dios, ako'y nauupo sa upuan ng Dios, sa gitna ng mga dagat; gayon man ikaw ay tao, at hindi Dios, ......"(Ezekiel 28:2 TAB)
"  Ang Dios ay hindi tao ......(Bilang 23:19 TAB)

Hindi po Dios ang Panginoong Jesuscristo dahil sa katuwiran na walang nakasulat sa biblia na "Hindi Ako Dios". Iyan ay pamimilosopo lang at katuwiran ng isang nauubusan na ng katuwiran na tama mula sa biblia. Nagdudumilat po ang katotohanan na Ang Ama lamang ang iisang tunay na Dios. dios ng Lumang Tipan, at Dios din sa Bagong Tipan.

Sa mga interasadong malaman ang katotohanan sa doktrina ng Iglesia ni Cristo, ay mangyaring magsadya po lamang kayo sa pinakamalapit na gusaling sambahan ng Iglesia ni Cristo, at magtanong po kayo sa mga ministro na nakadistino doon. Ipahayag po ninyo ang inyong layunin, at sinisiguro ko pa na kayo ay paglilingkuran nila.

No comments:

Post a Comment

Note: only a member of this blog may post a comment.