Atin pong suriin ang talatang madlas nilang gamitin para patunayan na Si Cristo ay Dios, dahil Siya din ang Ama,.Ang Ama at si Cristo ay IISA daw po sinisitas pa nila ang nasa Juan 10:30 para ipakita na may makikita talaga tayong banggit na IISA. Para po sa ikalilinaw atin pong sipiin ang nasabing talata:
“ Sinabi sa kaniya ni Felipe, Panginoon, ipakita mo sa amin ang Ama, at sukat na ito sa amin.
Sinabi sa kaniya ni Jesus, Malaon nang panahong ako'y inyong kasama, at hindi mo ako nakikilala, Felipe? ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama; paanong sinasabi mo, Ipakita mo sa amin ang Ama? “ [ Juan 14:8-9]
Kung hindi po tayo mag-iisip malamang ang masasabi natin ay “oo nga ano?” pero sandali lang tulad ng sinabi ko suriin po natin ang talata. Tama po ba na ikahulugan na dahil sinabi ni Cristo ang ganun ay Siya na ang Ama? Ang kasagutan po ay nasa biblia pa din po! Tunghayan po natin ang biblia may sinasabi po sa talata na ganito:
“ At ako'y dadalangin sa Ama, at kayo'y bibigyan niya ng ibang Mangaaliw, upang siyang suma inyo magpakailan man,” [Juan 14:16]
Hayan po nabasa natin na sinabi ni Cristo na..... "At ako'y dadalangin sa Ama” Siya daw po ay dadalangin sa Ama. Maliwanag po na mali ang sinasabi ng ilan na ang Ama ay Siya ding Cristo. Paanong mananalangin kung Sila naman pala ay IISA? Ano to lokohan? Natatawa po tayo sa bagay na dapat seryoso, pero opo talagang nakakatawapo yan kasi biro mo lalabas na Nananalangin si Cristo sa sarili[Ama] mismo Niya. Hindi po pupwede na manalangin ka sa sarili mo mismo.
Ngunit ano po ba ang ibig ipahiwatig ni Cristo sa sinabi Niyang “ ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama” simple lang po yan pag tayo po ay nag-iisip, sangguniin po natin ang biblia.....
Sa 1 Juan 5:20 ay may ganito po tayong mababasa:
“ At nalalaman natin na naparito ang Anak ng Dios, at tayo'y binigyan ng pagkaunawa, upang ating makilala siya na totoo, at tayo'y nasa kaniya na totoo, sa makatuwid ay sa kaniyang Anak na si Jesucristo. Ito ang tunay na Dios, at ang buhay na walang hanggan. “
Nakita po natin na sinasabi ng talata na naparito ang Anak(hindi ang Dios mismo) alam natin kung sino ang tinutukoy na “Anak ng Dios” ito ay walang iba kundi ang ating Panginoong Jesucristo!
Ano daw ang pakay at naparito ang Anak?
Ituloy po natin ang pagbasa “upang makilala natin Siya na totoo” ang tinutukoy po natin na Siya na dapat nating makilala ay ang Dios na totoo,paano po natin makikilala?
Binanggit din po ng talata “sa Kanyang Anak na si Jesucristo”
samakatuwid ng ipinakikila po ng Anak na binanggit sa panghalip na “KANYA” na may Anak ay ang Dios na Ama kaya sa panghuli na banggit ng talata ay ganito “Ito ang tunay na Dios, at ang buhay na walang hanggan. “.
Bakit po natin natiyak na ang tunay na Dios ay ang Ama?
Biblia na din po ang sasagot sa atin, heto po... Juan 17:1,3
“ 1 Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; at sa pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit, ay sinabi niya, Ama, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang ikaw ay luwalhatiin ng Anak: “
Sa 3......” At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo.”
Ayun! Kaya pala sinabi ng Panginoong Jesucristo na ang nakakita sa Kanya ay nakakita na sa Ama, kasi po Siya na mismo ang nagpatotoo sa Ama.
Iyan po ang pakay ng Anak base sa talata na ipakilala ang ang Ama na Siyang tunay na Dios, at ito ay buhay na walang hanggan. Kaya po ang nakakita sa Anak ay nakakita na sa Ama!
Baka isipin po ninyo bakit pa kailangang ipakilala Siya ng Panginoong Jesucristo gayong bilang Dios pwede namang gawin Niya ang pagpapakita, kasi nga Pinakamakapangyarihan Siya sa lahat?
Parang teka oo nga ano?
Ganun po ba talaga yon?
Hindi po!
Hindi dahil sa hindi kaya ng Dios kundi ang dahilan ay may batas na Siya tungkol sa makakakita sa Kanya. Sa lumang tipan pa po may pahayag na ang Dios kay Moises kung ano ang mangyayari sa oras na nakita Siya ng tao. Hayaan po nating ang biblia po mismo ang magpahayag po nito sa atin:
Sa Exodus 33:20 ay may ganitong sinasabi....
“ At kaniyang sinabi, Hindi mo makikita ang aking mukha: sapagka't hindi maaaring makita ako ng tao at mabuhay. “
Nakita na po natin kung bakit isinugo Niya ang ating Panginoong Jesucristo para malaman na totoong may tunay na Dios.
Maaring ihirit pa po ng ilan na ganito..... eh bakit? Wala ngang imposible sa Dios pwede niyang gawing hindi mamatay ang tao kahit makita Siya kasi Dios Siya. Pwede po ba yon?
Hayaan po nating biblia po ulit ang sumagot sa atin..... Sa Malakias 3:6 po ay may ganitong mababasa:
“ Sapagka't ako, ang Panginoon, ay hindi nababago......”
Hindi po tao ang Dios na magbabago ng Kanyang mga sinasabi, katulad na nga lang ng sinabi ng talatang ito......
Ang Dios ay hindi tao na magsisinungaling, Ni anak ng tao na magsisisi; Sinabi ba niya, at hindi niya gagawin? O sinalita ba niya, at hindi niya isasagawa?” [Bilang 23:19]
No comments:
Post a Comment
Note: only a member of this blog may post a comment.