Wednesday, 2 October 2013

Galatians 1:11-12 Katunayan na Dios si Cristo?

Ating sagutin ang talatang ginagamit ng iba para patunayan na Dios si Cristo ito ay ang nakasulat sa  Galacia 1:11-12 na may ganitong sinasabi ating sipiin…..

Sapagka't aking ipinatatalastas sa inyo, mga kapatid, tungkol sa evangelio na aking ipinangaral, na ito'y hindi ayon sa tao. Sapagka't hindi ko tinanggap ito sa tao, ni itinuro man sa akin, kundi aking tinanggap sa pamamagitan ng pahayag ni Jesucristo. “

Ang sagot dito ay simple lang po! Tandaan ang mga pananalitang: “ aking ipinatatalastas” aking ipinangaral” “hindi ayon sa tao” hindi ko tinanggap sa tao” “pahayag ni Jesucristo”

Gusto kasi nila palabasin sa kanilang panloloko sa tao na hindi tao si Cristo kasi ang sinabi sa talata "hindi sa tao tinanggap kundi sa Dios" kasi sa biglang tingin nga naman ebanghelyo ni Cristo ang natanggap ni Pablo, pero sa malalimang pagsusuri na siguradong hindi nila ginawa kaya nailigaw sila, kanino ba galing ang katotohanang ipinangangaral ni Cristo? Ang sagot alam nating lahat na ito ay mula sa Dios!

Sa Juan 17:14 ganito ang sinabi ni Cristo sa Kanyang panalangin sa Dios ating sipiin:

Ibinigay ko sa kanila ang iyong salita: at kinapootan sila ng sanglibutan, sapagka't hindi sila taga sanglibutan, gaya ko naman na hindi taga sanglibutan. “

Ibinigay daw ang “SALITA NG DIOS” kanino? Sa “ KANILA” sinong “KANILA”? ang kanilang tinutukoy ay ang mga sinugo ni Cristo para mangaral ng ebanghelyo.

Sa Juan 8:40 ganito ang pag  amin ni Cristo na ang Dios ang kinaringgan Niya  ng  mga katotohanan!

"  Datapuwa't ngayo'y pinagsisikapan ninyo akong patayin, na taong sa inyo'y nagsaysay ng katotohanan, na aking narinig sa Dios.......".

Ano ang katotohanan? Ang salita ng Dios!(Juan 17:17)

“Pakabanalin mo sila sa katotohanan: ang salita mo'y katotohanan.”

Ano ang isa sa katotohanang ito? Sa Juan 17:3 ating mababasa ang ganitong pahayag:

"   At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo."

Sinugo si Cristo kaya sa panalangin Niya ganito ang mababasa:

“  Ibinigay ko sa kanila ang iyong salita: at kinapootan sila ng sanglibutan, sapagka't hindi sila taga sanglibutan, gaya ko naman na hindi taga sanglibutan. Hindi ko idinadalangin na alisin mo sila sa sanglibutan, kundi ingatan mo sila mula sa masama.   Hindi sila taga sanglibutan, na gaya ko naman na hindi taga sanglibutan.   Pakabanalin mo sila sa katotohanan: ang salita mo'y katotohanan. Kung paanong ako'y iyong sinugo sa sanglibutan, sila'y gayon ding sinusugo ko sa sanglibutan."(Juan 17:14-18)

Alin daw yung ibinigay ni Cristo sa mga apostol? Ang salita ng Dios, ano yung salita ng Dios? iyan ang ebanghelyo ni Cristo na iniutos na ipangaral!

At sinabi niya sa kanila, Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan, at inyong ipangaral ang evangelio sa lahat ng kinapal.  Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas; datapuwa't ang hindi sumasampalataya ay parurusahan.” (Marcos 16:15-16)

Kaya po kahit na si Cristo ay tao, sinabi parin ni Pablo na sa Dios Niya tinanggap ang ebanghelyo sa “pahayag ni Jesucristo” sa sintido kumon na ang salita ng Dios ay ibinigay kay Cristo at ibinigay naman ni Cristo sa mga sinugo Niya. Kaya nga po ang tunay na mangangaral na sa Dios ay SINUGO!

“At paano silang magsisipangaral, kung hindi sila nga sinugo? gaya nga ng nasusulat, Anong pagkaganda ng mga paa niyaong mga nagdadala ng masasayang balita ng mga bagay na mabuti!”


Kaya wala po sa tagasanlibutan ang pagkaunawa sa mga salitang mababasa sa biblia dahil hindi sila mga sinugo. Ngayon alam na ninyo kung bakit alam namin  ang kahulugan ng Galacia 1:11-12? May Sugo kami sa Iglesia ni Cristo!

No comments:

Post a Comment

Note: only a member of this blog may post a comment.