Thursday, 16 May 2013

Suriin natin ang memorial(Banal na Hapunan) ng Jehovah's Witness


Tayo po bilang mga kaanib sa tunay na Iglesia ang Iglesia ni Cristo ay nagsasagawa ng pagbabanal na hapunan, alam po ba ninyo na maging ang mga Saksi ni Jehova ay nagsasagawa rin ng mga pagbabanal na hapunan na tinatawag nilang memorial? Ating susuriin kung tama ba ang pagdaraos ng kanilang memorial o banal na hapunan?

Ang may karapatang kumain at uminom ayon sa Jehovah's Witnesses.

Ayon sa kanilang official website. Hindi daw po lahat ay maaring kumain at uminom sa kanilang memorial narito at sipiin nating ang kanilang pahayag.

“Sino ang dapat makibahagi sa mga emblemang ito sa memorial? Makatuwiran na yaong mga kasama lamang sa bagong tipan-samakatuwid nga yaong mga may pag-asang magtungo sa langit-ang dapat na makibahagi sa tinapay at sa alak. Ang banal na espiritu ng Diyos ang kumukumbinsi sa gayong mga indibiduwal na sila ay pinili upang maging makalangit na mga hari(Roma 8:16). Kabilang din sila sa tipan ukol sa Kaharian kasama ni Jesus.-Lucas 22:29"
Source:jw.org
 
Jehova's Witness Memorial



Ayon sa kanilang artikulo, hindi daw maaring kumain at uminom yaong mga taong hindi na uudyukan ng espiritu ng Diyos. Samakatuwid hindi silang lahat ay kumakain at umiinom, isa pang idinadahilan nila dito, ang may karapatan lang daw na kumain at uminom sa memorial nila ay yaong mga taong may pag-asa na makaakyat sa langit. Sumipi din sila ng mga talata upang bigyan ng katuwiran ang kanilang mga argumento. Tama kaya sila? sino ba talaga ang mga taong dapat na tumanggap ng banal na hapunan o memorial nila. Totoo kaya na yung mga naudyukan lang ng Esprito ng Diyos ang maaring tumanggap nito? Hayaan po ninyong sangguiniin natin ang 1 Corinto 10:16-

“Hindi ba't ang pag-inom natin sa kopa ng pagpapala na ating ipinagpapasalamat ay pakikibahagi sa dugo ni Cristo? At ang pagkain natinng tinapay na ating pinipira-piraso ay pakikibahagi naman sa kanyang katawan?Kaya nga, dahil iisa lamang ang tinapay, tayo'y iisang katawan kahit na tayo'y marami, sapagkat nagsasalo-salo tayo sa iisang tinapay.”


Ang tagpong ito ay ang pangangaral ni Apostol Pablo sa mga taong tatanggap ng Banal na Hapunan. Ayon sa kaniya ang '' Pag-inom natin '' dito palang ay mapapatunayan natin na merong kasama si Apostol Pablo na tatanggap din ng Banal na Hapunan. Sino ba yung mga kausap diyan ni Apostol Pablo, baka kasi isipin ng mga readers natin eh baka yang mga kausap ni Pablo eh mga pili lang na tao katulad ng sinasabi ng mga Saksi ni Jehova na naudyukan ng Espiritu ng Dios. Totoo kaya ito?  Muli sumangguni tayo sa biblia sa….1Corinto 11:23-25 ganito an gating mababasa:


“Ito ang katuruang tinanggap ko sa Panginoon at ibinigay ko naman sa inyo: noong gabing siya'y ipagkanulo, ang Panginoong Jesus ay dumampot ng tinapay, nagpasalamat at pinagpira-piraso iyon, at sinabi, Ito ang aking katawan na inihahandog para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-aalaala sa akin.Matapos maghapunan, dumampot din siya ng kopa at sinabi, "Ang kopang ito ay ang bagong tipan ng Diyos na pinagtibay ng aking dugo. Tuwing iinumin ninyo ito, gawin ninyo bilang pag-aalaala sa akin.”

Apostle Paul preaching on the Gentiles

 

Ang mga kasama pala diyan ni Apostol Pablo ay ang mga Hentil. Paano po natin natitiyak? Sa Galacia 2:8 ganito ang ating mababasa, ating tunghayan:


Sapagka't ang naghanda kay Pedro sa pagkaapostol sa pagtutuli ay naghanda rin naman sa akin sa pagkaapostol sa mga Gentil.”

 

Kaya natitiyak natin na ang dako ng pangangaral ni apostol Pablo ay sa dako ng mga Hentil kaya sigurado na ang mga hentil ang kausap diyan ni apostol Pablo. Samakatuwid ang pagdaraos nila ng pagtitipon sa nasabing okasyon ay kasangkot ang lahat ng mga kapatid sa lokal ng Corinto, kaya tiyak natin na lahat sila ay nakapagsagawa ng pagbabanal na hapunan. Nangangahulugan ba nito na lahat ng tumanggap ng Banal na Hapunan sa lokal ng Corinto ay naudyukan ng Espiritu ng Diyos? Tiyak pong hindi sapagkat bago sila magsimula ng pagbabanal na hapunan ang iba sa kanila ay nagkasala sa maling pagka unawa ukol sa gagawin nilang pagbabanal na hapunan.Sa 1 Corinto 11:20-22 sa saling  Ang Bagong Magandang Balita, Biblia ganito an gating mababasa:

 

“Kaya’t sa inyong pagtitipon, hindi BANAL NA HAPUNANng Panginoon ang kinakain ninyo.Sapagka't sa inyong pagkain, ang bawa't isa'y kumukuha ng kanikaniyang sariling hapunan na nagpapauna sa iba; at ang isa ay gutom, at ang iba'y lasing.ANO, WALA BAGA KAYONG MGA BAHAY NA INYONG MAKAKANAN AT MAIINUMAN? o niwawalang halaga ninyo ang iglesia ng Dios, at hinihiya ninyo ang mga wala ng anoman? Ano ang aking sasabihin sa inyo? Kayo baga'y aking pupurihin? Sa bagay na ito ay hindi ko kayo pinupuri.” 

 

Ang tagpong ito ay nang pagalitan ni Apostol Pablo ang mga Hentil dahil sa mali nilang pagkaunawa sa pagbabanal na Hapunan kaya diyan palang tiyak na natin na sila ay nagkasala na, subalit dahil sa pagkakasalang ito hindi na ba sila pinatanggap ni Pablo ng Banal na Hapunan? Muli sa 1 Corinto 11:27-29 ganito ang ating mababasa:

“Kaya't ang sinomang kumain ng tinapay, o uminom sa saro ng Panginoon, na di nararapat, ay magkakasala sa katawan at dugo ng Panginoon Datapuwa't siyasatin ng tao ang kaniyang sarili, at saka kumain ng tinapay, at uminom sa saro. Sapagka't ang kumakain at umiinom, ay kumakain at umiinom ng hatol sa kaniyang sarili, kung hindi niya kinikilala ang katawan ng Panginoon.”

 




Sa kabila ng kanilang mga pagkakasala hindi na ba sila pinakain at pina-inom ni Apostol Pablo sa banal na Hapunan? Sila po ay pinakain at pina-inom ni Apostol Pablo manapa'y nagtagubilin pa siya sa mga Hentil na kung ang sinuman daw ang kumakain at umiinom sa banal na hapunan na hindi nagsusuri ng kaniyang sarili ay nagkakasala daw sa dugo at katawan ng panginoon. Maliwanag na lahat ng mga Hentil ay nakatanggap ng banal na hapunan, walang nagmasid o walang nanunuod lamang. Gaya ng sinasabi ng Saksi ni Jehova na ganito:

 
 
“Kumusta naman ang mga may pag-asang mabuhay magpakailanman sa Paraiso sa lupa? Sinusunod nila ang utos ni Jesus at dumadalo sila sa Hapunan ng Panginoon, ngunit hindi bilang mga nakikibahagi sa emblem kundi bilang magagalang na tagamasid.”

Source: jw.org

Ang kasamaan ng hindi patanggap ng banal na hapunan sa kabila na siya ay karapat-dapat na tumanggap ng banal na hapunan.

Sa kabila nang ginawang pagbabanal na Hapunan ni Cristo at ng mga unang Kristyano ito ay tahasan pa ring iniba ng mga Jehova's Witnesses sa pamamagitan ng hindi pag-papainom at hindi pagpapakain sa kanilang mga kaanib o myembro. Ano po ba ang kasamaan ng hindi pagtanggap ng banal na hapunan, sa kabila nito na sila'y nakapagsisi na at nakapag bagong-buhay na?Sa 1 Corinto 11:23-25 sa saling magandang balita biblia, ganito ang ating mababasa:

 

“Ito ang katuruang tinanggap ko sa Panginoon at ibinigay ko naman sa inyo: noong gabing siya'y ipagkanulo, ang Panginoong Jesus ay dumampot ng tinapay, nagpasalamat pinagpira-piraso iyon, at sinabi, Ito ang aking katawan na inihahandog para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-aalaala sa akin.Matapos maghapunan, dumampot din siya ng kopa at sinabi, "Ang kopang ito ay ang bagong tipan ng Diyos na pinagtibay ng aking dugo. Tuwing iinumin ninyo ito, gawin ninyo bilang pag-aalaala sa akin." 

 

 

Ang kasamaan ng hindi nila pagkain at hindi pag-inom sa banal na hapunan ay ang hindi nila pag-aalaala sa dugo at sa katawan ng ating panginoong Jesucristo sapagkat ang marapat na pag-aalaala dito ay ang pagkain ng tinapay na lumalarawan sa katawan ni Cristo, at ang Pag-inum sa Saro ng katas ng Ubas na lumalarawan sa Dugo ni Cristo. Ano pa ang isa sa mga kasamaan ng hindi pag-inum sa saro ng katas ng ubas? Sa Mateo 26:26-28  naman ay ganito an gating mababasa:

 

“At samantalang sila'y nagsisikain, ay dumampot si Jesus ng tinapay, at pinagpala, at pinagputolputol; at ibinigay sa mga alagad, at sinabi, Kunin ninyo, kanin ninyo; ito ang aking katawan. At dumampot siya ng isang saro, at nagpasalamat, at ibinigay sa kanila, na nagsasabi, Magsiinom kayong lahat diyan; Sapagka't ito ang aking dugo ng tipan, na nabubuhos dahil sa marami, saikapagpapatawad ng mga kasalanan.”



 Ang pag-inum sa saro ng katas ng ubas ay hindi lamang tuwirang umaalala sa kaniyang dugo kundi ito rin ang kaparaanan upang mapatawad ang ating mga kasalanan. Papaano mapapatawad ang ating mga kasalanan kung hindi tayo iinum ng katas ng ubas.

Ang pangangatuwiran ng mga Jehova's Witnesses


Ang mga Jehova's Witnesses ay sumisipi din ng mga talata upang pangatuwiranan ang kanilang maling aral. Sinisipi nila ang Roma 8:16 na may ganitong sinasabi:

 

“Ang Espiritu rin ang nagpapatotoo kasama ng ating espiritu, na tayo'y mga anak ng Dios” 



Ayon sa mga Jehova's Witnesses, Espiritu daw ng Dios ang mag-uudyok sa taong dapat tumanggap ng kanilang memorial. Pero kung ating uunawain ang nasabing talata malinaw na ito ay hindi tumutukoy sa pagbabanal na hapunan o sa kanilang memorial kundi, tumutukoy ito sa pagpapatotoo ng Dios sa mga tunay niyang anak. Kung gagamitin natin ang talatang ito parang sinabi na rin ng mga Jehova's Witnesses na sila ay hindi mga anak ng Dios, sapagkat ayon daw sa kanila yung magsasagawa ng memorial nila yaong mga inudyukan lang ng Dios, eh hindi sila nagsasagawa ng pagkain at pag-inum ibig sabihin nito lahat sila ay hindi naudyukan ng espiritu ng Dios at lahat sila ay hindi mga anak nang Dios.

 

Sinisipi din nila ang Lucas 22:29na ganito din ang sinasabi:

 

“Upang kayo'y magsikain at magsiinom sa aking dulang sa kaharian ko; at kayo'y magsisiupo sa mga luklukan, na inyong huhukuman ang labingdalawang angkan ni Israel.”

 





Ang lahat daw ng kakain ay makakasama daw sa tipan ng kaharian ng Diyos ayon daw sa talatang iyan. Maliwanag na tinukoy ni Cristo ay kaniyang Kaharian. Teka saan nga ba ang kaharian ni Cristo?  Basahin natin ang Col. 1:13-14 ganito naman ang ating mababasa:

 

  “Iniligtas niya tayo mula sa kapangyarihan ng kadiliman at dinala sa kaharian ng kanyang Anak na minamahal.  Sa pamamagitan niya, tayo’y tinubos at pinatawad sa ating mga kasalanan.”  

 

 

  Samakatuwid ang kaharian ni Cristo na tinutukoy diyan ay ang kinapapalooban ng kaniyang mga tinubos, kaya dito pa lang ay mapapatunayan na natin na hindi mga Jehova's Witnesses ang tinutukoy na kasalo ni Cristo sa kaniyang dulang sapagkat pinatotohanan ni Cristo na ang mga taong nasa kaniyang kaharian ay mga natubos ng kaniyang Dugo at napatawad ang kanilang mga kasalanan. Anu ba ang kaharian ni Cristo na kinaroroonan ng mga natubos ng kaniyang dugo, at napatawad ang mga kasalanan? Sa Gawa 20:28 lamsa translation ating basahin….

 

 

 “Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong kawan na rito’y hinirang kayo ng Espiritu Santo upang maging mga katiwala, upang pakanin ang IGLESIA NI CRISTO na binili niya ng kaniyang dugo.”


Kaya ating natitiyak na ang mga may karapatan na sumalo sa dulang ni Cristo ay nakapaloob sa kaniyang kaharian ang Iglesia ni Cristo.

Dahil sa ginawa ng mga Jehova's Witnesses na hindi pagpapakain at pag-papainom sa kanilang memorial ay tahasan na nilang sinuway ang utos ni Cristo. Ano po ba ang kasamaan kapag ang mga salita ng Dios ay ating binawasan o dinagdagan? Sa
Apocalypsis 22:18-19  …..

 

“Aking sinasak-sihan sa bawa't taong nakikinig sa mga salita ng hula ng aklat na ito, Kung ang sinoman ay magdagdag sa mga ito, ay daragdagan siya ng Dios ng mga salot na nakasulat sa aklat na ito:  At kung ang sinoman ay magalis sa mga salita ng aklat ng hulang ito, ay aalisin ng Dios ang kaniyang bahagi sa punong kahoy ng buhay, at sa bayang banal, na nangakasulat sa aklat na ito.”



Ayon sa ating panginoong Dios ang magdagdag at magbawas ng kaniyang mga salita ay hindi maliligtas. Kaya anu ang mahigpit na tagubilin ng mga Apostol upang tayo ay maligtas? Muli po sa  1 Corinto 4:6 ganito an gating matutunghayan: 

 

“Ang mga bagay ngang ito, mga kapatid, ay inianyo ko sa halimbawa sa aking sarili at kay Apolos dahil sa inyo; upang sa amin ay mangatuto kayo na huwag magsihigit sa mga bagay na nangasusulat;…”

 

 

Mahigpit ang tagubilin ni  Apostol Pablo huwag daw tayong Hihigit sa mga bagay na nangasusulat. Ang mahigpit na tagubilin ni Apostol Pablo ay ang mahigpit na sinusunod sa loob ng Iglesia ni Cristo kaya ang aming pagbabanal na Hapunan ay naayon sa kalooban ni Cristo at ng Ating panginoong Dios.

 

No comments:

Post a Comment

Note: only a member of this blog may post a comment.