Biblia ang Saligan
Ang banal na kasulatan ang tanging saligan ng pananampalataya at Gawain ng Iglesia ni Cristo.
Ang ilang pangunahing aral ng Biblia na itinataguyod ng Iglesia ay ang mga
sumusunod:
Ang
Ama ang iisang tunay na Dios
Sumasampalataya ang Iglesia ni Cristo
sa aral ni Cristo at ng Kaniyang mga apostol na ang Ama na lumalang ng lahat ng
bagay ang kaisa-isang tunay na Dios. (Juan 17:1,3 ; I Cor.8:6 SNB)
Si Jesucristo ang Anak ng Dios
Sumasampalataya ang Iglesia
ni Cristo na si Jesucristo ay ang
Anak ng Dios. Siya ay ginawa ng Dios
na maging Panginoon at Tagapagligtas. Siya ang iisang Tagapamagitan ng tao sa Dios. Si Cristo ay banat at
katangi-tanging tao ngunit Siya’y hindi Dios. (Mat.3:17; Gawa 2:36; 5:31; I
Tim.2:5; Juan 10:36; 8:40; Gawa 2:22 ERV)
Iglesia ni Cristo kaparaanan ng Dios sa pagliligtas
Lubos na sumasampalataya
ang mga kaanib na ang Iglesiang ito na si Cristo din ang nagtatag ang siyang
kaparaanan ng Dios sa ikaliligtas ng tao. Ang iglesiang ito ng pinaghandugan ni
Cristo ng Kanyang buhay at siyang ililigtas Niya sa Araw ng Paghuhukom.
(Mat.16:18; Gawa 20:28Lamsa; Efeso 5:23,25)
Araw ng Paghuhukom
Sumasampalataya ang Iglesia ni Cristo
na ang Dios ay nagtakda ng isang araw ng paghuhukom na Kaniyang isasagawa sa
buong sanlibutan sa pamamagitan ni Cristo. Ito ay magaganap sa ikalawang
pagparito ni Cristo, na siyang kawakasan ng mundo. (Gawa 17:31; Jud.1:14-15;
IIPed.3:7,10)
Bautismo
Sinusunod ng Iglesia
ni Cristo ang paraang itinuturo ng biblia sa pagbabautismo, na ito’y
paglulubog sa tubig. Ang pagtanggap ng tunay na bautismo ay kailangan sa
ikapagiging alagad ni Cristo, sa ikapagpapatawad ng kasalanan, at ikapagtatamo
ng kaligtasan. (Gawa 8:38; Juan 3:23; Roma 6:3-5; Mat.28:19; Gawa 2:38; Mar.
16:15-16)
Muling Pagkabuhay
Sumasampalataya ang Iglesia ni Cristo na ng muling
pagkabuhay ni Cristo ang pangunahing katunayan na muling bubuhayin ang mga
patay. Ang mga kay Cristo ay unang bubuhaying muli upang isama Niya sa Bayang
Banal. Makalipas ang isang libong taon, bubuhayin naman ang hindi kay Cristo
upang ibulid sa dagat-dagatang apoy. (ICor.15:12-13; I Tess.4:16-17;
Apoc.20:5-10; 21:1-4)
Pagkakaisa
Ang Iglesia ni Cristo
ay nanahan sa lubos na pagkakaisa sa pananampalataya at Gawain. Napananatiling matatag
ang kaisahan ng Iglesia dahil sa sentralisadong paraan ng pangangasiwa rito.
Tinitiyak ng Pamamahala ng Iglesia na buong pagkakaisang naipatutupad sa bawat local
nito sa buong mundo ang iisang kalipunan ng mga aral at tuntunin.
Kabanalan at Moralidad
Pinananatili ng Iglesia
ni Cristo ang isang mataas na pamtayan ng moralidad. Ang kinikilala nitong
batayan sa kagandahang-asal at wastong paraan ng pamumuhay ay ang mga aral ng
Dios na nasa biblia. Hinuhubog sa kabanalan ang mga kaanib sa pamamagitan ng
buong tiygang pagtuturo, pagpapaalala, at kung kinakailangan, pagtutuwid, o
pagdidisiplina sa kanila.
Kapayapaan at Katahimikan
Tumutulong ang Iglesia
ni Cristo sa pangangalaga at pagpapanatili ng kapayapaan at
katahimikan(peace and order) sa lipunan sa pamamagitan ng pagtuturo sa mga
kaanib sa igalang at sundin ang mga batas at patakaran ukol dito. Binabawalan
silang sumali sa mga union o anumang kilusang gumagamit ng mga pamamaraang
marahas o labag sa batas upang isulong ang kanilang simulain.
Disiplina at Pagsunod sa Batas
Pinahahalagahan ng Iglesia
ni Cristo ang disiplina at pagsunod sa batas. Tinutupad nito ang mga
tagubilin ng mga apostol na pasakop sa mga pinuno at may kapangyarihan alalaon baga’y ang lehitimong pamahalaan at
sumunod sa mga batas at palatuntunang ipinatutupad (Tito 3:1; I Pedro
2:13). Subalit sa ibabaw ng alinmang
batas , ang sinusunod ng mga kaanib ay ang batas ng Dios para sa Cristiano sa
ating panahon ayon sa itinuturo ng Biblia.
Kapatiran at Pagkakapantay-pantay
Itinataguyod ng Iglesia
ni Cristo ang pag-iibigang magkakapatid bilang tunay na Cristiano. Lahat ng
kaanib ay pantay-pantay sa paningin ng Dios (Gal.3:26, 28) kaya dito’y hindi
nagatangi ng tao batay sa kasari-an, lahi, kalagayan sa lipunan, naabot na
pinag-aralan o kabuhayan.
Kabanalan ng Pag-aasawa
Sa Iglesia ni Cristo
ang kasal ay itinuturing na sagrado at hindi dapat yurakan. Ang Dios ang
nagtatag ng pagkakasal at hindi siya pumapayag na maghiwalay ang lalake at
babae na pinagsama Niya bilang mag-asawa (Mat.19:4-6). Kaya, ang Iglesia ni
Cristo ay hindi sumasang-ayon sa diborsyo, annulment, o legal separation bilang
lunas sa problema ng mag-asawa, kung paanong tutol ito sa live-in o ang pagsasama ng di kasal at
same-sex marriage.
Katatagan ng Pamilya
Kinikilala ng Iglesia
ni Cristo na ang pamilya ang pinakamaliit nay unit ng organisasyon nito at
ng lipunan. Ang katatagan ng bawat sambahayan ay mahalaga sa katatagan ng buong
Iglesia. Nagsisimula sa tahanan ang pagtuturo ng tunay na relihiyon kaya ang
wastong pagmamahal at pagpapalaki sa anak ay itinuturo at ipina-a-ala-ala sa
lahat ng akmang pagkakataon.
Paghihiwalay ng Relihiyon at
Pamahalaan
Itinataguyod ng Iglesia
ni Cristo ang simulating demokratio ukol sa paghihiwalay ng relihiyon at
pamahalaan (Separation of Church and
State). Isinusulong ng Iglesia ni
Cristo sa pamamagitan ng payapa at legal na mga pamamaraan ang karapatan at
kalayaan ng mga kaanib at mga local nito na magsagawa ng pagsamba at iba pang
gawaing panrelihiyon na isinasaad at pinoprotektahan ng saligang – batas ng
bansa.
No comments:
Post a Comment
Note: only a member of this blog may post a comment.