Thursday, 1 November 2012

Tama ba ang "Jehovah" bilang pangalan ng Dios?


Hindi lingid sa atin na may samahang pang relihiyon na gumagamit ng pangalang Jehovah para tukuyin ang di-umano’y tunay na Dios ng biblia.
Suriin po natin kung ang kanilang mga pagmamatuwid ay talaga nga pong naayon sa mga nakasulat sa biblia. Magpasimula po tayo, ating suriin, kung atin pong susuriin ang mga kasulatan ay ating masusumpungan na inihayag ng Dios ang Kanyang sarili sa Kaniyang bayan sa pamamagitan nga iba’t-ibang pangalan.
Sa Exodus 3:13-14 ay ating mababasa na nagpakilala Siyang “AKO NGA”

“ At sinabi ni Moises sa Dios, Narito, pagdating ko sa mga anak ni Israel, at sasabihin ko sa kanila, Sinugo ako sa inyo ng Dios ng inyong mga magulang; at sasabihin nila sa akin: Ano ang kaniyang pangalan? anong sasabihin ko sa kanila?
At sinabi ng Dios kay Moises, AKO YAONG AKO NGA; at kaniyang sinabi, Ganito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel, Sinugo ako sa inyo ni AKO NGA”

Sa Isaias 57:15 ay atin naming mababasa na ang pangalan Niya ay “BANAL”

“ Sapagka't ganito ang sabi ng Mataas at Matayog na tumatahan sa walang hanggan, na ang pangalan ay Banal; Ako'y tumatahan sa mataas at banal na dako na kasama rin niya na may pagsisisi at pagpapakumbabang-loob, upang bumuhay ng loob ng nagpapakumbaba, at upang bumuhay ng puso ng nagsisisi.”

Dito naman po sa Exodo 34:14 ay bsinasabi na ang pangalan ng Dios ay  “ MAPANIBUGHUIN”

“ Sapagka't hindi ka sasamba sa ibang dios: sapagka't ang Panginoon na ang pangalan ay Mapanibughuin; ay mapanibughuin ngang Dios:”

Sa Isaias 63:16 ay sinasabi na ang pangalan ng Dios ay “ AMA”

“Sapagka't ikaw ay aming Ama, bagaman hindi kami kinilala ni Abraham, at hindi kami kilala ng Israel: ikaw, Oh Panginoon, ay aming Ama, aming Manunubos na mula sa walang pasimula ay siya mong pangalan.”

Dito naman sa Awit 68:4 ay sinasabi ng biblia na ang pangalan ng Dios ay “ Jah”

“Kayo'y magsiawit sa Dios, kayo'y magsiawit ng kapurihan sa kaniyang pangalan: ipaghanda ninyo ng maluwang na lansangan siya na nangangabayo sa mga ilang; ang kaniyang pangalan ay JAH; at mangagalak kayo sa harap niya.”

Maging sa Oseas 2:16 ay sinasabi din na ang Dios ay tatawaging “ ISHI”

“At mangyayari sa araw na yaon, sabi ng Panginoon, na tatawagin mo akong Ishi, at hindi mo na ako tatawaging Baali.”

Ang mga ito at ang iba’t-ibang pangalan ng Dios na nakasulat sa biblia. Sa mga pangalang ito inihayag ng Dios ang Kaniyang sarili sa Kaniyang bayan. Siya ang Dios na nangangahulugang lakas o kapangyarihan. Sinasabi ng biblia na ang lupa ay natatag sa pamamagitan ng Kaniyang kapangyarihan (Jer.10:12). Siya ay tinatawag na Ama sapagkat sa Kaniya nagmula ang lahat ng bagay (1Cor.8:6) Siya’s tinatawag na Mapanibughuin, sapagkat hindi Siya pumapayag na maglingkod ang Kaniyang bayan sa ibang Dios(Exo.34:14-17).
Siya ay tatawaging ISHI na ang kahulugan ay “ aking asawa” upang ipakita ang kaugnayan Niya sa Kaniyang bayan. Ang Dios ay banal kaya marapat na Siya’y tawaging Banal (Lev.11:44).

Bukod sa iba’t-ibang pangalan ng Dios  na atin nang nabanggit sa unahan nito, mayron pang pangalan ang Dios na hindi mabigkas, na masusumpungan sa mga kasulatang Hebreo. Ang mga dalubhasa sa biblia ay nagpapatotoo:


“…….Kung gayon ang lalong karaniwang pangalan para sa pagka-Dios, ay Dios, ang pagkakasalin ng orihinal na Elohim. Ang karaniwang salita para sa Maestro ay Panginoon, kumakatawan sa Adonai. Mayroon pang ibang pangalan na tanging ukol lamang sa Dios, bilang tangi at angkop na pangalan, yaon ay ang apat na letrang YHWH. Tingnan ang Exodo 3 at Isaias 42:8. Ang pangalang ito ay hindi mabigkas ng mga hudyo dahil sa paggalang sa pagkasagrado ng banal na pangalan". (New American Standard Bible, U.S.A. Collins World, p.ix).

Ayon sa mga dalubhasa sa biblia ang pangalan ng Dios na hindi mabigkas ng mga hudyo dahil sa labis na paggalang ay ang pangalan na nakasulat sa apat na letra – YHWH.
Sinasabi ng iba na ang bigkas sa apat na letrang ito ay Jehovah, kaya mayroong tagapagturo na nagsasabing Jehovah ang opisyal na pangalan ng Dios. Totoo po kaya naman ang kanilang pagtuturo na ito? Totoo kaya ang sinasabi ng ibang tagapagturo na ang personal na pangalan ng Dios ay Jehovah?
Mahalagang atin po’ng suriin, atin pong alamin kung sino ang unang gumamit ng at kung kalian unang ginamit ang salitang Jehovah.
Ang relihiyong ang tawag sa kanilang samahan ay  “Saksi ni Jehovah” o “Jehovah’s Witness”  na siyang malimit gumamit ng panglang “Jehovah” ang tanungin natin, kung sino at kung kalian unang ginamit ang pangalang Jehovah.
Sa kanilang opisyal na magasin, “ Ang Bantayan”  inilathala noong agosto 1, 1980, ay ganito ang sinasabi sa pahina 10, ating tunghayan:

“ Kapuna-puna nga, si Raymundus Martini, isang mongheng kastila ng Ordeng Dominicano ang unang nagsalin ng “Jahovah” sa banal na pangalan. Ang anyong ito ay lumitaw sa kanyang aklat na Pugeo Fidei, na nalathala noong 1270 C.E. Mahigit na 700 taon na ngayon”

Pansinin po natin na kinikilala ng mga “ Saksi ni Jehovah” na ang pagkakasalin ng pangalang “Jehovah” ay nagmula lamang sa isang mongheng kastila na si Raymundus Martini. Siya ang unang gumamit ng salitang “Jehovah” sa kaniyang aklat na Pugeo Fidei noong 1270 CE. Maging ang mga dalubhasa sa biblia ay nagpapatunay na ang pangalang Jehovah ay nagsimula lamang noong edad medya:

 “ The form ‘Jehovah’ is of late medieval origin” (The Bible Revised Standard Version, New York, Thomas Nelson and Sons, 1952, p.v)

Maging ang bantog na mananalaysay na si Webster sa kaniyang Ancient History ay nagpapahayag: “ This name Jehovah was never known to the Ancient Hebrew”

Pinatutunayan maging ng kasaysayan na sa matandang Hebreo (o Israel) ay hindi kilala ang pangalang “Jehovah”. Natural lamang na hindi kilala ng matandang Israel ang pangalang Jehovah sapagkat ito’y unang lumitaw noong edad medya.

Bakt sa ibang salin ng biblia ay nakasulat ang pangalang “Jehovah”?
Ang The Living Bible Encyclopedia in Story and Pictures vol.7,pp. 905-906 ay nagbigay liwanag sa ating katanungan:
“ Jehovah (je-ho’va), ang salitang English ng Hebreong tetragram na YHWH isa sa pangalan ng Dios. (Exodo 17:15) Ang original na bigkas nito ay hindi nababatid”

Samakatuwid, ang pangalang “Jehovah” ay hindi siyang original at hindi masusumpungan sa mga kasulatang Hebreo, kundi isang salin lamang ng tetragram.
Ang salitang tetragrammaton ay nagmula sa wikang griego na tetra na ang kahulugan ay apat at gramma na nangangahulugang letra
Kaya ang kahulugan ng tetragrammaton ay ang apat na letra ng alpabetong Hebreo na Yod-He-Vau-He  katumbas ng YHWH o JHVH.
Pansinin natin na ang isa sa mga pangalan ng Dios na masusumpungan sa mga kasulatang Hebreo ay binubuo ng mga katining lamang at walang mga patinig kaya hindi matiyak ang tamang bigkas sa pangalang ito.
Pansinin din na ang mga nagsalin lamang ang naglagay ng mga patinig at dahil sa di pagkakaisa ay lumabas ang iba’t-ibang anyo ng pangalan ng Dios.
Tunghayan natin sa Ellicott’s Commentary on the Bible, vol. I. . 177, sa pagkakaliwat sa wikang Pilipino, ganito an gating matutunghayan:

“ Ang baybay ng salitang Jehovah ay mapagtatalunan dahil sa ang mga katinig lamang (J,H,V,H) ang tiyak, ang mga patinig naman ay yaong nasa Adonai(Panginoon) na siyang ipinapalit ng mga Hudyo kapag ito ay binabasa sa mga sinagoga, na ang unang patinig ay isa lamang mahinang pamalit sa isang tunog, at binibigkas ang A O E alinsunod sa uri ng katinig na pinagkakapitan nito. Ito’y karaniwang kinakatawan ngayon sa pamamagitan ng isang mahinang paghinga kaya – Y’hovah, ‘donai. Tungkol naman sa baybay ang iginigiit nina Ewald; Gasenius, at iba pa ay Yaveh;Si Fursh ay Yehveh, o Yeheveh; at sina Steir, Meyer at kanilang kasamahan ay Yehovah.”

Sa opisyal na magasin ng mga “Saksi ni Jehovah”, Ang Bantayan na inilathala noong Agosto 1, 1980, sa pahina 4-5 ganito naman ang kanilang patotoo:

“……. Ang pangalan ng Diyos sa mas matatandang manuskritong Hebreo ay nakasulat na YHWH o JHVH, at malimit na ang tawag sa mga titik na iyan ng mga komentarista sa Biblia ay ang “Tetragrammaton” , na ang ibig sabihin “apat na letra”. Sa paglipas ng daan-daang taon, nawala ang tamang bigkas sa pangalan ng Diyos sa Hebreo. Kung gayon, hindi matiyak kung anong patinig ng dalawang salitang Hebreo na A.do.nay (Panginoon) at El.o.him (Diyos) ay isinama sa Tetragrammaton at ang lumabas na bigkas ay Ye.ho.wah. Sa wakas sa anyong Latin, ito’y nagging “Jehovah”. Subalit, maraming iskolar na Hebreo ang nagsasabi na mas tama raw ang “Yahweh”. Ngunit para kay Rudolf Kittel, editor ng Biblia Hebraica, ang pagkakapuwesto niya ng mga patinig sa Tetragram na Hebreo ay “Yehwah” sa lahat ng kaniyang edisyon”

Pansinin po natin na nagbunga ng kaguluhan ng singitan ng mga patinig ang YHWH o JHVH. Lumitaw ang sari-saring pangalan, gaya ng “Jehovah” “Yehovah” “Yeheveh” “Yahweh” “Yahveh”  “Yehveh” at “Yehwah”

Alin man sa mga ito ay hindi mapapanghawakan sapagkat nakasalig lamang sa mga pala-palagay.

“ Ngunit anong salita ang “wastong kumakatawan” sa banal na pangalan na Hebreo? Mas gusto ng iba ay “Yehwah” at ang iba ay Jeve at marami pang iba. Ang problema ay nasa pagsulat ng sinaunang Hebreo mga katinig lamang ang ginagamit at inaamin ng kahit na mga eksperto na mga pala-palagay lamang ang pinagbabatayan sa kung aling mga patinig ang bumubuo ng kumpletong banal na pangalan.” (Ibid., p.11)

Inaamin din ng mga “Saksi ni Jehovah” na alin man sa mga pangalang nabanggit ay hindi siyang binigkas ng Dios kay Moises.
Sa kanilang aklat na Hayaang Maging Tapat  ang Dios, sa pahina 24 ay ganito po ang kanilang pahayag:

“ ………bagaman ang alin man sa mga ito ay hindi kaypala siyang pagbigkas ng Dios sa Kaniyang pangalan kay Moises”

Maging ang  mga dalubhasa sa Biblia ay nagpapatotoo na ang pangalang “Jehovah” ay hindi tamang kumakatawan sa pangalan ng Dios sa Hebreo:

“…….. ang salitang “Jehovah” ay di wastong kumakatawan sa ano mang anyo ng Pangalan di ginamit sa Hebreo. (The Bible Revised Standard Version, p. v)

Ayon sa mga dalubhasa sa Biblia ang pangalang “Jehovah” “Yahweh” “Yehweh” at “Yehwah” ay nasasalig lamang ito sa mga pala-palagay at hindi mapapanghawakan. Kaya nga kung binabanggit o inilalathala  sa Pasugo  ang “ Mga Saksi ni Jehovah” ay nilalagyan ng panipi upang di maipagkamali kami ay sumasang-ayon sa kanilang pagiging “ saksi” at sa pangalang “Jehovah” na ito’y maliwanag na di sinasang-ayunan ng mga dalubhasa sa Biblia at lalo nan g Biblia mismo.

Saturday, 20 October 2012

The Mary of the bible




When I was young, during my catholic days, my favorite saint was Mary, the Mother of our lord Jesus Christ,who I was taught is also my mother , a mother I share with God for she is God’s mother too! In my childhood years in Cataingan, a small town in the southeastern tip of the impoverished  province of Masbate. Almost every night I prayed the rosary, recited her litany,throw flowers and joining procession of her statue during month of May. Reading stories about her, knew numerous appearances and miracles in diverse parts of the world, to name a few, Fatima, Lourdes, Guadalupe.etc.
She was invariably young and beautiful except in her latest appearance along EDSA at corner Ortigas Avenue in Mandaluyong, Metro Manila where she looks so horrifying. But I had been so sure that this Mary would be on hand on my dying day to lead me to her Son in heavenly bliss. Such beautiful thoughts nourished me during my catholic days. What a beautiful thought to enliven my sad life on earth. But oh! What a let-down to discover that this is all a mirage, an illusion!

Mary described by the Holy Scriptures

An inquisitive mind readily discovers that the sources of information concerning the Mary of the Catholics are not from the bible. An examination of the bible contents concerning Mary, Mother of Jesus Christ reveals a totally different Mary.

1) Matthew’s Gospel
Matthew portrays Mary as a young woman engaged to be married to Joseph but discovered pregnant before they came together. Joseph was about to call off the marriage when an angel of the Lord told him what happen to Mary. He went on with the marriage and did not have  sexual relations with her until after Jesus was born, strongly implying that Mary and Joseph lived as a normal married couple afterwards.(Matthew 1:18-25)

Matthew goes on to say that Mary was present when wise men from thee east came to visit the child Jesus, that Mary fled to Egypt with Joseph her husband and the child to escape the wrath of Herod. (Matthew 2:11-14) They returned home after Herod’s death(Mat.2:19-21)

No mention of Mary is made until some scoffing Jews traced Jesus’s ancestry- that He is the Son of Mary and that He has brothers and sisters(Mat.13:55-56).
At the time of Christ crucifixion, mentions two Marys present but did not say whether the mother of Jesus was resent also.(Mat.27:56-61)
Thus in Matthew’s account Mary was portrayed as an ordinary Jewish girl, engaged to be married to Joseph, caught under extra-ordinary circumstances where she conceived without having known man yet through the work of the Holy Spirit. Women ordinarily lose their virginity the result of which they ordinarily conceive. Mary does not play a prominent and visible role in Christ’s public ministry, so unlike Mary of the Catholics,who is also inseparable from Christ-God of the Catholics as “co-redemptrix”

2) Mark’s Gospel

Mary when Jesus was told that His mother, brothers,and sisters were looking for Him. Jesus’s retort is very revealing anyone who does the will of God is His Father, His brother, His Sister, and His mother!(Mark 3:32-35) Adopted, not literal mothers, brothers,sisters.

Just like in Matthew, Mary is mentioned again in Mark in connection with sneering remarks of unbelieving  Jews concerning Jesus’s ancestry. He is a carpenter, His mother is Mary, that he has brothers and sisters ( Mark 6:3)

At the crucifixion, Mark mention two martyrs present, but as in Matthew, mary mother of Jesus was not mentioned as present. (Mark15:47; 16:1)
Here too Mary does not play a significant role in the public ministry of Jesus.

3) Luke’s Gospel

Luke mentioned Mary early in his gospel as “a virgin espoused to a man whose name is Joseph”(Luke 1:27KJV)
The angel Gabriel greeted her with the  words that now from the integral part of that popular  Catholic prayer “HAIL MARY”(Luke 1:28)
Mary reacted to the angelic greetings by asking questions. The angel explained that she had found favor with God and that she was to be the mother  of the savior who should be conceived without the aid of man but through the Holy Spirit. Thus she was virgin although she conceived. Mary humbly accepted the work given to her and the angel left her.(Luke 1:29-30)
Informed by the angel that her cousin Elizabeth had conceived in her old age, Mary went to visit her and Elizabeth, filled with the Holy Spirit, greeted her “blessed art thou among women, and blessed is the fruit thy womb” (Luke 1:36-45KJV) .  This greetings now forms the latter part of the Catholic prayer, “The Hail Mary”

Mary’s response, the famous magnificat tells of her happiness and acknowledgement of God’s great deeds to her, although she was just the Lord’s handmaid. She stayed with Elizabeth three months and then returned to her own house. (Luke 1:46-56)

Catholics teachers use this event to justify glorification of Mary, but in doing so, they have generated another Mary so different from the true one.

Luke next mentions Mary after Emperor Caesar Augustus of the Roman Empire issued a tax decree which necessitated that Mary and Joseph should go to Betlehem to be taxed. It was during this time that Jesus was born in a manger(Luke 2:1-7). Shepherd came and found Mary, Joseph, and the child (Luke 2:16) Luke remarks that Mary kept pondering the unusual events in her heart (Luke 2:19)

Thus, in Luke’s gospel, Mary and Joseph took active roles in bringing up of the child Jesus. They marveled at what they were  seeing and hearing about Him. They worried when they lost Him, and when they found Him after a long,weary-some and anxious search, they recieved a strange reply which they did not understand (Luke 2:21-51)

Catholics authors make full use of this to justify their contention that Mary deserves all the honors they can possibly give her as a reward for her role in bringing up the savior. There is no objection if it is God who gave her those honors,but the bible does not indicate this. Only  Catholic authorities gave her those honors that are properly God’s or Christ’s. Besides what Mary did for her son is done by any mother for her children. In fact it takes a lot more heroism and sacrifice to care and nurture a child whose future is not known than to care for a child whom one knows to be the savior of the world.

Luke did not speak of Mary again even after Jesus crucifixion. He speaks of two Mary  present but he was silent on whether or not Mary the mother of Jesus was there.
Thus, although Luke describes lengthily Mary’s role in the rearing up of Jesus, he does not relate her involvement in Christ’s public ministry.

4) John’s Gospel

John first mentions the mother of Jesus during the marriage feast at Cana where Mary told Him that the wine has run out. She got a strange reply but proceeded anyway to tell the servant to do what Jesus would tell them . Jesus performed His first public miracle by changing water into first class wine and afterwards he departed with His mother, brethrens,and disciples for other places (John 2:12)
John next mentions Jesus’s mother as standing by the cross as Jesus was dying. Jesus entrusted His mother to the care of the disciple he loved and who was brave enough to be with Him at that moment with the words “woman.behold thy son….behold thy mother” after which the disciple took her to His own home (John 19:25-27). After that John did not mention Mary again.
Thus, John’s gospel portrays Mary as tagging along with Jesus during His ministry but shows only one instance where Mary took an active part in Christ’s work and here Mary got a strange retort from Jesus. Catholic teachers belittle this retort of Jesus and use this event to tell us that Mary can ask anything fro Him and He will give it to her. This is an addition to what is written.
Mary was helpless with Jesus gone but he entrusted her to the care of His beloved disciple. Catholic authors assert that the disciple represents mankind when Jesus made Mary that disciple’s mother although nothing of the sort is stated by the bible. That is why Catholics consider Mary their “Mommy Mary” with all the powers of God, readily available to her supposed “children”

When Jesus said to Mary, “ Woman, behold thy son” and to the disciple “ Behold thy mother”, He was talking only to these two, and there is no indication that the disciple represents the whole of mankind. What happened was an adoption of Mary and the disciple as mother and son to each other respectively so that Mary would not be abandoned with the death, resurrection, and ascension of her real son.

5) Acts of the Apostles

The Acts of the apostles records the history of the Church of Christ immediately after Christ’s ascension into heaven. Mary the mother of Jesus, is mentioned as being with the brethren in an upper room where reside the apostles (Acts 1:13-14) Then nothing is heard again.
The Acts, therefore, records Mary as an ordinary member of the first century Church of Christ, and not as queen of the apostles as Catholic doctrines would have us believe.
As a human being , Mary  shares with all humans the fate God has decreed for all humans- death (Gen.3:19). This facts, even Catholics accept, although hey termed Mary’s death as “dormition” a latin words which means “falling asleep” which is correct because physical death is really falling asleep.(1Thess.4:13; John 11:11-14; Acts 7:59-60; 1Kings 2:10)
As a member of the Church of Christ, She shares what God’s beloved people in store- wait in the grave (Job 17:13) for her change (Job 14:14) into a being incorruptible and immortal (1Cor. 15:51-53) which will happen on the second coming of Christ when all of His people will receive their full reward.

In the meantime that Christ has not yet returned, she shares the lot of those who have died- cannot participate in anything that is done under the sun. (Eccl.9:5-6). She has not nyet gone into heaven for only three men so far have gone there, namely; Enoch (Gen.5:24; Heb.11:5), Elijah (2Kings 2:11), and Jesus Christ (Act1:11). The Bible does not mention any other human who has gone to heaven.

Now let us compare the Mary of the Catholics

1) “Mary Daughter of God the Father, Mother of God the Son,and Wife of God the Holy Spirit” (Compendio Historico de la Religion, p. 501)

Now, how about Joseph? If we have to accept this unbiblical claims of the Catholic, it would show that Mary has two husbands at the same time, Joseph and the Holy Spirit who is the Father of her Son Jesus. My,my,my,How so absurd and different from what the bible teach.

2) Mary- “Daughter,spouse,and mother of God” (Glories and Virtues of Mary, p. 143)

What is the implication of this teaching of the catholic?

 The implication: God married His own daughter who is also His own mother! What an unspeakable blasphemy  to God and crime to the law of God and  man.

3) Mary has taken over the honors belongs to Christ, let us read their book ..” ……Mary whom He has made sovereign of heaven and earth, general of His armies……restorer of the human race, Mediatrix of men, the Exterminator of the enemies of God, and the faithful companion of His grandeurs and triumphs” (True Devotion to the Blesed Virgin Mary, pp.18-19)

Such honors heaped on Mary by Catholic authors have no basis in fact. They have no proof that God did these things to Mary. On the contrary, these honors belong to Christ. That would make Mary an usurper.

4) The Mary of the Catholics is greater than God, has become God. Let us read….

“ Mary, being altogether transformed into God…..that in heaven and on earth everything, even God Himself, is subject to the Blessed Virgin” (Ibid, p.17)

“ …. That the length of her power, which she exercises even over God Himself”( Ibid, p.6)

“ St. Bernaredine of Siena declares that all obey Mary’s commands, even God Himself”  (Glories and Virtues of Mary, p. 177)

“ I will say plainly that I had rather believed(which is impossible) that there is no God at all, than that Mary is greater than God” ( The Book of Catholic Quotations, p.101)


Hang on ,hang on, there is more and this is shocking truth , hold your breath……

5) The Mary of the Catholic is lesser than the Catholic priest!! Yes! You read it right! Lesser! Let us read…..

“ Truly God has bestowed  ‘Great Things’ upon us PRIEST which would be the envy of the ancient Jewish priesthood. We may justifiably ask the question: Upon whom has he bestowed more? Only on Mary. And as we know we are more blessed in many ways than she was, for we can call Christ down on the altar and absolve sinners.  Mary,could not do these things” ( Mary And The Priest, p.58)


The Mary of the Catholics is non-existent
I fully understand if any Catholics reading this, feels a murderous rage against me, for that was exactly what I felt when, as a believer in Mary of the Catholics, I felt that this is an attack, an attack directed to all Catholics. But hang on again, this is not an attack, this is only  comparing the Mary of the bible, and the Mary being taught by the Catholics.

The truth hurts, but it is still  the truth. The bible is the truth, the word of God (Eph.1:13) and the Mary portrayed in the bible is the true Mary. The Majestic Mary of the Catholics is a creation of Catholic bishops,priest,writers. The Mary of the Catholics was created by Cyril, bishop of Alexandria, at the council of Ephesus when he declared Mary to be the “Mother of God”  Such a Mary was embellished with more and more honors and titles, most of which are usurped from God, making her even greater than God Himself but strangely enough, lesser than the Catholic priest. Thus, the Mary of the Catholics is not only a big lie but a blasphemous creation of Catholicism.

But what about the numerous apparitions and miracles which this Mary has supposedly displayed lately?  Such miracles are cures of incurable diseases, all for the good of people who sorely need help.  Such miracles dazzle even the most educated.

Are these not proofs that the Mary of the Catholics is the true Mary of the Christians?

Miracles can also be done by pagans, as the one done by the priest of the Pharaoh (Gen.7:10-12; by false prophets (Mat.24:24; Rev. 13:13-16) And by spirits of the devils (Rev.16:13-14)

Mary, who is now “fallen asleep” in the grave, who cannot participate in anything done under the sun, connot possibly be the author of these miracles and apparitions. Those who patronize these miracles and apparitions, who claim that it was Mary who did all these, evidently lied. Liars are children of the devil(John 8:44).
Hence, these teachers  about the Mary of the Catholics, who coincidentally prohibit their priest from getting married, and  forbidding their priests to marry and who command their faithful to abstain from meats during some days of lent is according to the bible is a doctrines of the devils( 1Tim.4:1-3)

Such miracles appear to help cure the sick and to do apparently good works. However,these deny the knowledge that saves man, the knowledge that the Father is the only true God (John 17:1,3) Advocates of Mary of the Catholics teach that the Father is not the only true God,beause they have Christ as true God also, and the Holy Spirit as true God also.


How about  the “ Woman Clothed with the Sun” ? Is this not Mary?
Woman in prophecy means church. The Church of Christ is likened to a chaste virgin(2Cor.11:12). That  is why Jesus is often portrayed as the husband to the Church of Christ The  “ Woman Clothed with the Sun” in Revelation 12:1-2 is not Mary but the Church of Christ.

Friday, 19 October 2012

The Holy Spirit


Almost all religions claim that the Holy Spirit is God. Like for example the Oneness, they believe that the Holy Spirit is no other than the Father Himself who is a spirit in nature.[John 4:24] Both Catholics and Protestants believe in the Holy Spirit. What complicates their belief, however, is that they also believe that the Father and the Son, Jesus Christ is, or shall we say are, also gods. Yet, they deny or argue that the “THREE” are not “THREE GODS” but “THREE divine persons” which comprised the “one God”.

Setting aside arguments and counter-arguments, we will merely lift verses from the Holy Scriptures to show what the Holy Spirit actually is:

“ The Helper, the Holy Spirit, whom the Father will send in my name, will teach you everything and make you remember all that I have told you”  [John 14:26, TEV]

“ The Helper will come, the Spirit, who reveals the truth about God and who comes from the Father. I will send him to you from the Father, and he will speak about me” [John 15:26, Ibid]

The above cited verses show that the Holy Spirit, the Helper, is sent by both the Father and the Son, Jesus Christ. To insist that the Holy Spirit is God is tantamount to believing in a “God” being sent by the Father and His Son Jesus whom they believe to be God also.  What happens to the scriptural teaching that there is only one true God who is almighty? [Gen 35:11] And hasn’t  it occurred to them that the authority who sends is greater than the one sent?



“Verily, verily, I say unto you, The servant is not greater than his Lord; neither He that is sent greater than He that sent Him.[John 13:16, KJV]



This citation alone should demolish all arguments, nay any inkling  that the Holy Spirit is God.
The Holy Scriptures further testify concerning the Holy Spirit:

“ When, however, the Holy Spirit comes, who reveals the truth about God, he will lead you into all the truth. He will not speak on his own authority, but he will speak of what he hears and will tell you of things to come. He will give me glory , because he will take what I say and tell it to you” [John 16:13-14 TEV]


One of the primary functions of the Holy Spirit, is to reveal  the truth about God. He does not speak on his own authority, but of what he hears only. The Holy Spirit is given by the Father to those who ask Him:

“ As bad as you are,you know how  to give good things to your children, how much more then ,will the Father in heaven give the Holy Spirit to those who ask him” [Luke 11:13, Ibid]

These are some of the truths revealed by the Holy Scriptures concerning Holy Spirit. These truths contradict and belie the Oneness, Catholics, Protestants belief that the Holy Spirit is also true God.

Friday, 5 October 2012

DAPAT PA BANG IPANGILIN ANG ARAW NG SABBATH?





May mga pangkatin ng pananampalataya na hanggang ngayon ay patuloy pa ring nagtataguyod ng pangingilin ng Sabbath o pamamahinga sa araw ng Sabado. Mayroon ding pangkatin ng pananampalataya na nagsasabing ang mga Cristiano ay hindi saklaw ng batas ukol sa pangingilin ng Sabbath. Dahil ditto mahalagang ating suriin kung ang mga Cristiano ay nasasaklaw o hindi ng batas ukol sa pangingilin ng Sabbath. Sa ikaliliwanag ng paksang ito, mahalagang malaman  natin kung papaano ang pangingilin ng Sabbath, sang-ayon sa  utos ng  ating Panginoong  Dios.

Magpasimula po tayo sa pahayag ng Dios na:

“ Alalahanin mo ang araw ng Sabbath at panatilihin mo itong banal. Anim na araw kang magtatrabaho at gagawa ng lahat ng iyong Gawain. Ngunit ang ikapitong araw ay sabbat sa PANGINOON mong Dios. Sa araw na ito ay huwag kang gagawa ng anumang gawa, ni ang alila mong lalake o babae,ni ang iyong mga hayop, ni ang mga taga ibang baying nasa lugar na nasasakupan mo. Pagkat anim na araw na ginawa ng PANGINOON ang mga langit, ang lupa, ang dagat, at lahat ng nasa mga ito,ngunit namahinga Siya sa ikapitong araw at ginawa itong banal” (Exo.20:8-11,NPV)

Ang Sabbath ay araw ng pamamahinga. Ang mga Israelita ay pinagbawalang magtrabaho o gumawa ng anumang Gawain sa araw ng Sabbath. Ang kanilang anak na lalaki o babae, maging ang kanilang mga alilang lalaki o babae ay hindi dapat atangan ng anumang Gawain, bagkus sila’y dapat magpahinga sa ikapitong araw. Gayundin naman ang mga hayop tulad ng baka,ay hindi dapat papagtrabahuin sa araw ng Sabbath. Maging taga ibang bayan na nakikipamayan sa Israel ay dapat ding magpahinga sa ikapitong araw. Ano ang nasasaklaw ng pagbabawal na gumawa ng anomang gawa sa araw ng Sabbath? Ganito an gating matutunghayan sa banal na kasulatan:

“Huwag kayong magpapaningas ng apoy sa inyong buong tahanan sa araw ng sabbath.” (Exo.35:3)

Sa pangingilin ng Sabbath mahigpit na ipinagbabawal ng Dios ang magpaningas ng apoy sa buong tahanan. Kung bawal ang magpangingas ng apoy, ipinahihintulot kaya ng Dios ang magluto o mag-ihaw ng pagkain sa araw ng Sabbath? Ganito ang pahayag ni Moises:

“At kaniyang sinabi sa kanila, Ito ang sinalita ng Panginoon, Bukas ay takdang kapahingahan, banal na sabbath sa Panginoon: ihawin ninyo ang inyong iihawin, at lutuin ninyo ang inyong lulutuin; at lahat na lalabis ay itago ninyo sa ganang inyo, na inyong itira hanggang sa kinabukasan.” (Exo.16:23)

Maliwanag na ipinag-utos ng Dios na sa ikaanim na araw pa lamang bago lumubog ang araw ay ihawin na ang dapat ihawin at lutuin ang dapat lutuin sapagkat sa ikapitong araw ay Sabbath sa PANGINOON at hindi ipinahihintulot ng Dios ang pagluluto o pagpapaningas ng apoy. Kaugnay nito,noong ibigay ng Dios ang mana sa mga Israelita doon sa ilang ay mapapansin natin na sa ikaanim na araw ay ibinigay ang mana para dalawang araw, sapagkat sa ikapitong araw na siyang araw ng Sabbath ay hindi Niya pinahihintulutan sila na umalis sa kanilang kinaroroonan upang manguha ng mana na pinaka-pagkain.

“Tingnan ninyo, na sapagka't ibinigay ng Panginoon sa inyo ang sabbath, kung kaya't kaniyang ibinibigay sa inyo sa ikaanim na araw ang pagkain ng sa dalawang araw; matira ang bawa't tao sa kaniyang kinaroroonan, huwag umalis ang sinoman sa kaniyang kinaroroonan, sa ikapitong araw.” (Exo.16:29)

Kaugnay pa rin ng pangingilin ng Sabbath,ipinagbabawal din ng Dios sa mga Israelita ang makipagkalakalan at pamimili ng pagkain sa araw ng Sabbath. Ang mga Israelitang inutusang mangilin ng Sabbath ay nangako na hindi sila makikipagkalakalan ni bibili ng anomang pagkain sa araw ng Sabbath.


“ Kapag ang mga tao sa aming paligid ay nagtitinda ng kanilang kalakal o pagkain kung araw ng Sabbath,hindi kami bibili sa kanila. Tuwing ikapitong taon, hindi naming bubungkalin an gaming bukirin,at kalilimutan na ang lahat n gaming pautang” (Neh.10:31 NPV)


Ano naman ang parusang itinakda ng Dios sa sinumang masusumpungan na gumagawa ng anomang Gawain sa araw ng Sabbath? May ganitong sinasabi ang biblia, tunghayan po natin:


“Anim na araw na gagawa, datapuwa't ang ikapitong araw ay ipangingilin ninyo, isang sabbath na takdang kapahingahan sa Panginoon: sinomang gumawa ng anomang gawa sa araw na iyan ay papatayin.” (Exo.35:2)


Napakabigat ng parusa sa sinumang masumpungan na gumagawa ng anumang Gawain sa araw ng Sabbath. Kamatayan ang parusa. Matutunghayan natin sa kasaysayan ng Israel na binabato hanggang sa mamatay ang sinumang masumpungan na gumagawa ng anumang gawa sa araw ng Sabbath. May ganitong pangyayari na nakatala sa biblia, tunghayan po natin:


“  At samantalang ang mga anak ni Israel ay nangasa ilang, ay nakasumpong sila ng isang lalake na namumulot ng kahoy sa araw ng sabbath. At silang nakasumpong sa kaniya na namumulot ng kahoy, ay dinala siya kay Moises, at kay Aaron, at sa buong kapisanan. At kanilang inilagay siya sa bilangguan, sapagka't hindi pa ipinahahayag kung ano ang gagawin sa kaniya.  At sinabi ng Panginoon kay Moises, Ang lalake ay walang pagsalang papatayin; babatuhin siya ng buong kapisanan sa labas ng kampamento.   At inilabas siya ng buong kapisanan sa kampamento at kanilang binato siya hanggang sa mamatay ng mga bato; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.” (Bilang 15:32-36)


Ihanay natin ngayon sa isang talaan kung papaano dapat ipangilin ang Sabbath mula sa ating natunghayan na ipinahayag ng Banal na Kasulatan:

1) Huwag magtatrabaho o gumawa ng anumang gawain  sa araw ng Sabbath.
2) Huwag magiihaw o magluluto o magpapaningas ng apoy.
3) Huwag makikipagkalakalan o bibili ng pagkain.
4) Babatuhin hanggang sa mamatay ang masusumpungang gumagawa ng anumang gawa sa araw ng Sabbath.

Ang Pangingilin ng mga Sabadista
Mapapansin natin na ang pangkatin ng pananampalataya na nagtataguyod ng pangingilin ng Sabbath ay hindi ganap na sumusunod sa paraan ng pangingilin na ipinag-uutos ng Panginoong Dios. Kahit araw ng Sabado, na siyang ikapitong araw ay masusupungan na sila ay nagluluto o nagpapainit ng kanilang mga pagkain, na ito’y malinaw na paglabag sa tuntunin ng pangingilin sa araw ng Sabbath. Ang iba ay nagtutungo sa mga pamilihan upang bumili ng kanilang mga pangangailangan na ito ay hindi rin nararapat gawin ayon sa batas ng Sabbath. Kung ang iba ay nagpapahinga sa kanilang mga Gawain sa araw ng Sabado, ay patuloy naman nilang pinagtatrabaho o inaatangan ng mga Gawain ang kanilang mga alila o katulong sa kanilang mga tahanan, na ito ay tahasan ding paglabag sa tuntunin ng Dios ukol sa pangingilin ng Sabbath.  Lalong hindi magagawa ng mga nagtataguyod ng pangingilin ng Sabbath na lapatan ng parusang kamatayan ang masusumpungan nila na gumagawa o nagtatrabaho sa araw ng Sabbath. Kung totoo na hanggang ngayon ay dapat ipangilin ang Sabbath,ang uri ng kanilang pagtupad na isang bahagi lamang ng kautusan ng pinahahalagahan at ang ilang bahagi ay winawalang kabuluhan ay ipinagkakasala sa buong kautusan. May ganitong pagtuturo ang biblia, tunghayan po natin:


“  Sapagkat ang sinumang tumutupad sa buong kautusan ngunit lumabag kahit sa isang punto lamang nito ay lumalabag sa buong kautusan” (Sant.2:10, NPV)


Ang mga unang Cristiano ay hindi inutusang mangilin ng Sabbath, magpatuloy po tayo. Walang mababasa sa Bagong Tipan na ipinag-utos ng  ating Panginoong Jesus  o ng mga Apostol sa mga Cristiano na sila ay mangilin ng araw ng Sabbath. Sa katunayan masusumpungan natin sa Bagong Tipan na si Cristo at ang Kaniyang mga alagad ay hindi nangilin ng araw ng Sabbath. Tunghayan po natin ang nakatalang pangyayari na nakatala sa biblia sa:


“Nang panahong yaon ay naglalakad si Jesus nang araw ng sabbath sa mga bukiran ng trigo; at nangagutom ang kaniyang mga alagad at nangagpasimulang magsikitil ng mga uhay at magsikain.” (Mateo 12:1)


Ito ang katunayan na si Cristo at ang Kaniyang mga alagad ay hindi nangingilin ng Sabbath. Araw ng Sabbath noon nan gang mga alagad ni Jesus ay magutom sa kanilang paglalakad. Sila’y nagsikitil ng mga uhay na yaon ay hindi nararapat gawin sa araw ng Sabbath. Magugunita natin na noong ibigay ng Dios ang mana sa mga Israelita doon sa ilang, hindi Niya pinahintulutan sila na manguha ng mana sa ikapitong araw, kung kaya’t sa ikaanim na araw pa lamang ay ibinigay na Niya ang mana para sa dalawang araw. Kaya ang ginawa ng mga alagad ni Cristo na pagkitil ng mga uhay sa araw ng Sabbath ay tunay na labag sa tuntuning ibinigay ng Dios sa mga Israelita ukol sa pangingilin ng Sabbath.

Araw din ng Sabbath noon nang pangalingin ni Cristo ang isang lalaking tuyo ang isang kamay. Ang gayong pagpapagaling sa maysakit ay hindi nararapat gawin sa araw ng Sabbath sapagkat sinabi ng Dios ”sa araw na iyan ay huwag kayong gagawa ng anomang gawa”.  Nang pagalingin ni Cristo ang taong maysakit sa araw ng Sabbath yaon ba’y katunayan na Siya ay tagapagtaguyod ng pangingilin ng Sabbath?  Basahin po natin ang nakatala sa biblia:


“  At narito, may isang tao na tuyo ang isang kamay. At sa kaniya'y itinanong nila, na sinasabi, Matuwid bagang magpagaling sa araw ng sabbath? upang siya'y kanilang maisumbong. At sinabi niya sa kanila, Sino kaya sa inyo, na kung mayroong isang tupa, na kung mahulog ito sa isang hukay sa araw ng sabbath, ay hindi baga niya aabutin, at hahanguin?   Gaano pa nga ang isang tao na may halaga kay sa isang tupa! Kaya't matuwid na gumawa ng mabuti sa araw ng sabbath.” (Mateo 12:10-12)


Maliwanag kung gayon na si Cristo at kahit ang Kaniyang mga alagad ay hindi tagapagtaguyod ng pangingilin ng Sabbath.  Tahasang sinabi ni Cristo, “matuwid na gumawa ng mabuti sa araw ng Sabbath”
Sa Banal na Kasulatan ay nakasaad na ang mga pariseo na siyang kaaway ni Cristo sa Kaniyang kapanahunan ay siyang masugid na tagapagtaguyod ng pangingilin ng Sabbath. Ganito po ang tala ng mga pangyayari sa Banal na Kasulatan, tunghayan po natin:


“Ang ilan nga sa mga Fariseo ay nangagsabi, Ang taong ito'y hindi galing sa Dios, sapagka't hindi nangingilin sa sabbath. Datapuwa't sinasabi ng mga iba, Paano bagang makagagawa ng gayong mga tanda ang isang taong makasalanan? At nagkaroon ng pagkakabahabahagi sa gitna nila.” (Juan 9:16)


Sa araw din ng Sabbath nang pagalingin naman ni Cristo ang isang taong malaon nang maysakit. Ganito naman ang nakatala sa Juan 5:8-9, tunghayan po natin muli:


“Sinabi sa kaniya ni Jesus, Magtindig ka, buhatin mo ang iyong higaan, at lumakad ka. At pagdaka'y gumaling ang lalake, at binuhat ang kaniyang higaan at lumakad. Noon nga'y araw ng sabbath.”


Dahil dito, lalong pinag-uusig ng mga Judio an gating Panginoong Jesus sa Kaniyang ginawang pagpapagaling ng maysakit sa araw ng Sabbath. Tunghayan nating muli ang tala sa biblia:


“At dahil dito'y pinagusig ng mga Judio si Jesus, sapagka't ginagawa niya ang mga bagay na ito sa araw ng sabbath.” ( Juan 5:16)


Si Cristo at ang Kaniyang mga alagad ay hindi tagapagtaguyod ng pangingilin ng Sabbath. Ang mga kaaway ni Cristo sa Kaniyang kapanahunan ang masugid na tagapagtaguyod ng pangingilin ng Sabbath.

Tanong: Kasalanan ba ang hindi pangingilin ng Sabbath sa panahon natin, o panahong Cristiano?  Maibibilang kaya na kasalanan ni Cristo at ng Kaniyang mga alagad ang hindi nila pangingilin ng Sabbath?  Iyon kaya’y isang paglabag sa kautusan ng Dios? Batay sa tala ng biblia atin pong tunghayan muli:


“ Wawakasan ko na ang lahat ng kanyang kasayahan, mga kapistahan, mga araw ng pangolin at lahat ng itinakda niyang pagdiriwang” (Oseas 2:11 MBB)

Hindi magiging kasalanan ni Cristo at ng Kaniyang mga alagad ang hindi nila pangingilin ng Sabbath. Sapagkat sinasabi ng Kasulatan na winakasan na ng Dios ang mga pangingilin ng mga araw. Aling mga araw ng pangingilin ang tinutukoy na winakasan na  ng Dios?


“Akin din namang papaglilikatin ang kaniyang mga kalayawan, ang kaniyang mga kapistahan, ang kaniyang mga bagong buwan, at ang kaniyang mga sabbath, at lahat ng kaniyang takdang kapulungan.” (Oseas 2:11)


Tiniyak na ang mga araw ng pangingilin na winakasan na  ng Dios ay ang Sabbath. Kaya kung ang pangingilin ng Sabbath ay winakasan nan g Dios, hindi magiging kasalanan ni Cristo at ng Kaniyang mga alagad ang hindi nila pangingilin nito Hindi maituturing nan a ito’y paglabag sa kautusan. Manapa ang patuloy pa ring nangingilin ng Sabbath ang lumalabag sa kautusan sapagkat ang pangingilin ng Sabbath ay winakasan na  ng Dios. Makatuwiran ang pagkasulat ni Apostol Pablo sa mga Cristiano na hindi na dapat ihatol ang tungkol sa pangingilin ng araw ng Sabbath, tulad ng mababasa natin ditto:


“Sinoman nga ay huwag humatol sa inyo tungkol sa pagkain, o sa paginom, o tungkol sa kapistahan, o bagong buwan o araw ng sabbath:” (Colosas 2:16)

Paano naman daw yaong mga babae na nagsipahinga sa araw ng Sabbath? Hindi ba’t sa Lucas 23:56 ay may binabanggit na mga babaing nagsipagpahing asa araw ng Sabbath?
Tama po Ngunit yao’y hindi mapanghahawakan na ang mga Cristiano ay inutusan na mangilin sa araw ng Sabbath. Walang gayong utos sa mga Cristiano. Hindi nag-utos si Cristo na sa Kaniyang mga alagad na ipangilin ang araw ng Sabbath. Ang mga babaing tinutukoy ay nahirati sa dati nilang kaugali-an, na ang kaugali-ang iyon ay taglay pa rin nila ng sila’y magsisampalataya kay Cristo. Ang gayong mga maling kaugali-an ay hindi pinayagan ni Apostol Pablo na gawin ng mga Cristiano. Tunghayan pong muli natin ang tala sa biblia:


“  Datapuwa't ngayon yamang nakikilala na ninyo ang Dios, o ang lalong mabuting sabihin, kayo'y nangakikilala ng Dios, bakit muling nangagbabalik kayo doon sa mahihina at walang bisang mga pasimulang aral, na sa mga yao'y ninanasa ninyong magbalik sa pagkaalipin?   Ipinangingilin ninyo ang mga araw, at mga buwan, at mga panahon, at mga taon.  Ako'y natatakot tungkol sa inyo, baka sa anomang paraan ay nagpagal ako sa inyo ng walang kabuluhan” (Gal.4:9-11)


Tunay na hindi pinayagan ni Apostol Pablo ang mga Cristiano na magtaglay pa ng mga maling kaugali-an gaya ng pangingilin ng mga araw sapagkat ito’y nangangahulugan na bumabalik silang muli sa pagkaalipin. Ang pangingilin ng Sabbath ay ibinigay ng Dios sa mga Israelita bilang isang tanda na sila’y pinalaya sa pagkaalipin doon sa Egipto. Tunghayan po natin ang nakatala sa biblia:


“  Bukod dito'y ibinigay ko rin naman sa kanila ang aking mga sabbath, upang maging tanda sa akin at sa kanila, upang kanilang makilala na ako ang Panginoon na nagpapaging banal sa kanila.”  (Ezek.20:12)


Kaya ang pangingilin ng Sabbath ay hindi para sa mga Cristiano. Ito ay para sa mga Israelita na inilabas sa pagkalipin sa lupain ng Egipto. Walang talata sa biblia na nagsasaad na ang mga Cristiano ay dapat mangilin ng araw ng Sabbath. Sumulat ng ganito si Apostol Pablo sa mga Cristiano, atin pong basahin:


“Kaya’t huwag na kayong pasasakop sa anumang tuntunin tungkol sa pagkain o inumin, tungkol sa kapistahan, sa bagong buwan o sa Araw ng Pamamahinga (Colosas 2:16 MB)



Thursday, 4 October 2012

Ang Mga Pamahalaan sa Lupa Ayon Sa Mga Saksi Ni Jehova




Si Pablo na Apostol ni Cristo ay nagsabi sa mga Cristiano, “Ang bawat kaluluwa ay pasakop sa matataas na kapangyarihan: sapagkat walang kapangyarihan na hindi mula sa Dios; at ang kapangyarihang yao’y hinirang ng Dios”(Roma 13:1)
Ang “mataas na kapangyarihan” na binabanggit ni Apostol Pablo ay ang mga pinuno ng mga pamahalaan dito sa lupa at ito ay pinatunayan ng kaniyang kapuwa Apostol na si Pedro.
Dito:


“ Kayo'y pasakop sa bawa't palatuntunan ng tao alangalang sa Panginoon: maging sa hari, na kataastaasan;  O sa mga gobernador, na sinugo niya sa panghihiganti sa nagsisigawa ng masama at sa kapurihan ng nagsisigawa ng mabuti.”(1Pedro 2:13-14)


Ang mga unang lingkod ng Dios gaya ni Jose na asawa ni Maria na ina ng  ating Panginoong Jesus ay nagpasakop s autos ni Augusto Cesar na ang mga mamamayan ay dapat na magpatala.
Ganito ang patotoo ng biblia:


“ Nangyari nga nang mga araw na yaon na lumabas ang isang utos mula kay Augusto Cesar, na magpatala ang buong sanglibutan.   Ito ang unang talaang-mamamayan na ginawa nang si Quirinio ay gobernador sa Siria.  At nagsisiparoon ang lahat upang sila'y mangatala, bawa't isa sa kaniyang sariling bayan.  At si Jose naman ay umahon mula sa Galilea, mula sa bayan ng Nazaret, hanggang sa Judea, sa bayan ni David, na kung tawagi'y Bet-lehem, sapagka't siya'y sa angkan at sa lahi ni David;   Upang patala siya pati ni Maria, na magaasawa sa kaniya, na kasalukuyang kagampan.” (Lucas 2:1-5)


Nang si Jesus ay tanungin ng mga alagad ng mga Fariseo na kasama ang mga
Herodiano kung matuwid na bumuwis kay Cesar,ang Kaniyang isinagot ay:


“……. Ibigay ninyo kay Cesar ang kay Cesar at sa Dios ang sa Dios” (Mateo 22:21)

Hindi tinutulan ng  ating Panginoong Jesus na ang mga tao ay dapat bumuwis kay Cesar bilang agpapasakop sa tinatawag na “mataas na kapangyarihan”

Maliwanag, kung gayon sa mga nabanggit na mga talata ng biblia na ang mga lingkod ng Dios, ang mga Apostol at maging an gating Panginoong Jesus ay sumasang-ayon na ang mga tao ay dapat na pasakop sa mga pinuno ng bayan at sa kanilang mga batas kailanma’t ang mga batas na kanilang ipinatutupad ay hindi labag sa kalooban ng Dios.
Hindi sinasang-ayonan ng biblia ang paguturo na ang mga pamahalan ditto sa lupa ay sa Dyablo.
Sino ang nagtataguyod ng aral na ang lahat ng mga pamahalaan ditto sa lupa ay sa Dyablo?
Ang mga “saksi ni Jehova” ganito ang sinasabi ng kanilang mga aklat, basahin po natin….



“ The people of Israel ceased to be God’s people and were cast away from Him. From that time Satan was the god or invisible ruler of the entire world and all the peoples and nations thereof. Every nation and government on earth since then has been dominated by the subtle and wicked influence of Satan.
Sa wikang Pilipino:  Ang baying Israel ay tumigil sa pagiging bayan ng Dios at sila’y itinakwil. Mula noon si satanas ang naging dios o di nakikitang pinuno ng buong sanlibutan at ng lahat ng mga tao at lahat ng mga bansa roon.”[Government (Brooklyn, N.Y.,U.S.A.,; Watch Tower Tract and Bible Society,1928,p.44]


“What was true in the of Jesus and Paul is true of and concerning all government of this world. Satan has been the invisible overlord or ruler of all such governments.” (Sa Pilipino: Kung ano ang katotohanan sa mga kaarawan ni Jesus at ni Pablo ay katotohanan tungkol sa sanlibutang ito. Si Satanas ay naging siyang di nakikitang tagapamahala o pinuno ng kayong pamahalaan)[Ibid.,p.41]


“ Dahil dito’y makatuwirang isipin na ang lahat ng pamahalaan sa sanlibutan ay sa Dyablo. Papaano niya maiaalok kay Cristo kung yaon ay di sa kaniya? Siya ang di nakikitang tagapamahala ng mga pamahalaang yaon.[Hayaang Maging Tapat Ang Dios (Brooklyn, N.Y., U.S.A.: Watch Tower Bible and Tract Society, Inc., 1950) p.46]



Tunay na itinuturo ng mga “saksi ni Jehova” na ang lahat ng mga pamahalaan dito sa lupa ay sa Dyablo. Mabuting suriin din natin ang saligan ng pagtuturo nilang ito. Sinasabi ng mga “saksi ni Jehova” na ang lahat ng pamahalaan ditto sa lupa ay sa diablo sa dahilang ito ay inialok ng diablo kay Cristo. Ayon sa kanila, “ Papaano niya maiaalok kay Cristo kung yaon ay di sa kaniya?”
Lumilitaw na pinaniniwalaan ng mga “saksi ni Jehova” ang mga salita ng diablo. Nalimutan nila ang salita ni Cristo tungkol sa diablo. Sinabi ni Cristo na ang diablo ay hindi mananatili sa katotohanan sapagkat walang katotohanan  sa kaniya,kaya siya ay tinawag ni Cristo na isang sinungaling(Juan 8:44). Bakit natin natitiyak na ang dyablo ay hindi nagsasabi ng totoo nang ialok kay Cristo ang lahat ng pamahalaan at kaluwalhati-an ditto sa sanlibutan?
Si David na lingkod ng Dios ay nagsasabi:


“ Iyo, Oh Panginoon ang kadakilaan, at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, at ang pagtatagumpay, at ang karangalan: sapagka't lahat na nangasa langit at nangasa lupa ay iyo: iyo ang kaharian, Oh Panginoon, at ikaw ay nataas na pangulo sa lahat.  Ang mga kayamanan at gayon din ang karangalan ay nangagmumula sa iyo, at ikaw ang nagpupuno sa lahat; at nasa iyong kamay ang kapangyarihan at kalakasan; at nasa iyong kamay ang pagpapadakila, at pagpapalakas sa lahat.   Kaya't ngayon, aming Dios, kami ay nagpasasalamat sa iyo, at aming pinupuri ang iyong maluwalhating pangalan.” (1Cron.29:11-13)


Si David ay nagpahayag na ang lahat ng bagay sa langit at sa lupa ay sa Panginoong Dios. Ngunit ang mga ito ay inaangkin ng dyablo,nan gang mga ito ay iniaaalok niya kay Cristo. Kanino pumapanig ang mga nagsasabing sila ay mga “saksi ni Jehova”? Malinaw na sumasaksi sa panig ng dyablo na umaangkin sa lahat ng kaluwalahatian at karangalan ng sanlibutang ito. Hindi nakapagtataka na sila’y magpakilala na mga “saksi ni Jehova” sapagkat gaya ng dyablo hindi sila nagsasabi ng katotohanan.

Kaugnay ng kanilang pagtuturo na ang lahat ng pamahalaan ditto sa lupa ay sa dyablo, ang mga “saksi ni Jehova” ay tumatangging bumoto sa alinmang halalan,maging halalang pampurok, o halalang pambansa. Ganito ang isinasaad sa kanilang aklat:


“ Sila ay hindi sumasangkot sa alinmang pampurok,pambansa o pandaigdig na halalan sa politika.[ Hayaang Maging Tapat Ang Dios (Brooklyn, N.Y., U.S.A.: Watch Tower Bible and Tract Society,1950), p.244]

Ang pagtanggi ng mga “saksi ni Jehova” na bumoto ay labag sa ating saligang batas. Ang ating saligang batas ay nagsasabi:

“Ang karapatan sa halal ay maaring gampanan ng lahat ng mga mamamayan ng Pilipinas na hindi inalisan ng karapatan ng batas, na labingwalong taong gulang man lamang, at nakapanirahan sa Pilipinas sa loob ng isang taon mang lamang, at anim na buwan man lamang sa lugar na kanilang bobotohan kagyat bago maghalalan.  Walang dapat ipataw na literasi, ariarian o iba pang substantibong kinakailangan sa pagganap ng karapatan sa halal.
(Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas,  Artikulo V:Karapatan sa Halal,seksyon 1)

Ang hindi pagboto ay hindi pagpapasakop sa saligang batas ng pamahalaan. Ang hindi pagpapasakop sa batas ay katumbas din ng pagsalangsang sa “mataas na kapangyarihan”. Ang pagsalangsang sa kapangyarihan ay pagsalangsang sa Dios. Basahin po natin:


“ Kaya nga't ang sumasalangsang sa kapangyarihan, ay sa utos ng Dios sumasalangsang: at ang mga nagsisalangsang ay magsisitanggap ng kahatulan sa kanilang sarili.”(Roma 13:2)


Ang pagtanggi ng mga “saksi ni Jehova” ba bumoto sa mga halalang pampurok o maging halalang pambansa ay salungat sa simulain ng mga unang Crisriano na dapat pasakop sa mga palatunatunan(mga batas) ng tao na inilagda ng “mataas na kapangyarihan”  Walang batas ng Dios na maaring malabag ng tao na sumusunod sa batas ng pamahalaan tungkol sa mga halalang pampurok o halalang pambansa.

Makabubuting suriin din po natin ang mga batayan ng mga “saksi ni Jehova” sa kanilang pagtangging bumoto. Ganito po ang kanilang paliwanag sa kanilang aklat tunghayan po natin:

.(“ ……sila ay hindi sumasangkot sa alinmang pampurok,pambansa, o pandaigdig na halalan o politika. Sila ay itinatangi sa mga yaon ng batas ng Dios na Makapangyarihan sa lahat, na nag-uutos sa kanila na manatiling walang dungis sa sanlibutan. (Santiago 1:27) Gaya ni Cristo Jesus at ng kaniyang mga apostol,na siyang nangagbigay halimbawang susundin, sila ay nasa sanlibutan ngunit di bahagi niyaon. (Juan17:16,17; 15:17-19) Ang isa pang dahilan ng di nila pakikisalamuha sa sanglibutan ay sapagkat ang Dyablo ang di nakikitang tagapamahala nito, at nalalaman nila na ang akikipagkaibigan sa sanlibutan ay nagdadala ng pakikipagaway sa Dios na makapangyarihan sa lahat.- 2Corinto 4:4; 1Juan 5:19; Santiago 4:4 (Hayaang Maging Tapat Ang Dios , p.225)


Kung hindi susuriin ang saligan ng mga “saksi ni Jehova” sa hindi nila pagboto ay wari bagang makatuwiran ang kanilang pagtangging bumoto. Papaano bang ang isang Cristiano ay mapananatiling walang dungis gaya ng sinasabi sa Santiago 1:22?  Para sa mga “saksi ni Jehova” ay huwag kang bumoto, gaya n gating natunghayan sa kanilang aklat na ating sinipi. Ang kanilang sinasabi ay sarili lang nilang interpretasyon sa nabanggit na talata. Si Apostol Pablo ay nagpaliwanag kung papaanong ang isang Cristiano ay mananatiling walang dungis.
Ganito ang kaniyang pahayag, basahin po natin:


“ Upang kayo'y maging walang sala at walang malay, mga anak ng Dios na walang dungis sa gitna ng isang lahing liko at masama, na sa gitna nila'y lumiliwanag kayong tulad sa mga ilaw sa sanglibutan,” (Filipos 2:15)


Tiyak at malinaw ang paliwanag ni Apostol Pablo. Ang Cristiano upang manatiling walang dungis ay dapat na lumiliwanag gaya ng ilaw sa sanlibutan. Ang Panginoong Jesus ay nagwika din naman ng ganito, tunghayan po natin:


“ Lumiwanag na gayon ang inyong ilaw sa harap ng mga tao; upang mangakita nila ang inyong mabubuting gawa, at kanilang luwalhatiin ang inyong Ama na nasa langit.” (Mateo 5:16)


Samakatuwid kung pinanatili ng isang Cristiano ang kanyang mabubuting gawa ay nananatili ri siyang walang dungis sa gitna ng sanlibutan. Ang pagiging masunurin sa batas ay tanda rin ng pagiging mabuting Cristiano. Si Cristo at kahit ang  Kaniyang mga alagad ay hindi nasumpungan na maging manlalabag sa batas. Maging si Pilato ay nagbigay ng patotoo tungkol kay Cristo sa harap ng mga pangulong saserdote at ng mga pinuno ng bayan. Ganito ang kaniyang pahayag, tunghyan po natin:


“ At sinabi sa kanila, Dinala ninyo sa akin ang taong ito na gaya ng isang nagpapasama sa bayan: at narito, nang aking siyasatin siya sa harapan ninyo, ay wala akong nasumpungang anomang sala sa taong ito, tungkol sa mga bagay na isinusumbong ninyo laban sa kaniya;  Wala, kahit si Herodes man; sapagka't siya'y ipinabalik niyang muli sa atin; at narito, walang anomang karapatdapat sa kamatayan na ginawa niya.” (Lucas 23:14-15)



Ang isa pang dahilan ng pagtanggi ng mga “saksi ni Jehova” na bumoto ay dahil sa ito raw ay pakikisalamuha at ang pakikipagkaibigan sa sanlibutan ay pakikpag-away sa Dios. Kung ang pagboto ay itinuturing ng mga “saksi ni Jehova” na pakikisalamuha sa sanlibutan, dapat din nilang tanggihan ang pagbabayad ng buwis, sapagkat ang pagbubuwis ay pagsuporta sa gobyerno. Dahil sa itinuturing nila na ang lahat ng pamahalaan(gobyerno) ay sa dyablo,sa kanilang pagbabayad ng buwis, ay lumilitaw na sinusuportahan nila ang dyablo sa pagtataguyod ng mga pamahalaan. Mali po ang pagkaunawa ng mga “saksi ni Jehova” sa salita ng apostol Santiago na ang “ pakikipagkaibigan sa sanlibutan ay pakikipag-away sa Dios” (San.4:4). Sa ikaliliwanag ng puntong ito, mabuting alamin natin kung aling sanlibutan ang tinutukoy ng biblia na masamang ibigin. Saklaw ba nito ang saligang batas na nagsasabing bumoto? Tunghayan po natin ang sagot ng biblia:



“ Huwag ninyong ibigin ang sanglibutan, ni ang mga bagay na nasa sanglibutan. Kung ang sinoman ay umiibig sa sanglibutan, ay wala sa kaniya ang pagibig ng Ama. Sapagka't ang lahat na nangasa sanglibutan, ang masamang pita ng laman at ang masamang pita ng mga mata at ang kapalaluan sa buhay, ay hindi mula sa Ama, kundi sa sanglibutan.”(1Juan 2:15-16)



Maliwanag sa talatang ito na ang kasamaan na nasa sanlibutan ang hindi natin dapat ibigin,sapagkat ang umiibig sa kasamaan ay siyang binabagsakan ng kagalitan ng Dios.
Tunghayan po natin ang pahayag ni aposto Pablo:


“ Patayin nga ninyo ang inyong mga sangkap ng katawang nangasa ibabaw ng lupa, pakikiapid, karumihan, masamang pita, masasamang nasa, at kasakiman, na iya'y pagsamba sa mga diosdiosan; Na dahil sa mga bagay na iyan ay dumarating ang kagalitan ng Dios sa mga anak ng pagsuway: Na inyo ring nilakaran nang una, nang kayo'y nangabubuhay pa sa mga bagay na ito; Datapuwa't ngayon ay inyo namang layuan ang lahat ng mga ito: galit, kapootan, paghihinala, panunungayaw, mga salitang kahalay-halay na mula sa inyong bibig: Huwag kayong mangagbubulaan sa isa't isa; yamang hinubad na ninyo ang datihang pagkatao pati ng kaniyang mga gawa,” (Colosas 3:5-9)


Ang mga kasamang nabanggit ang hindi dapat ibigin ng isang Cristiano upang mapanatili  niya ang kanyang sarili na walang dungis sa gitan ng sanlibutan. Walang talata sa biblia na nagpapatibay sa paniniwala ng mga “saksi ni Jehova” na ang pagboto ay nagdudulot ng dungis sa pagiging Cristiano,manapa’y dapat pasakop ang Cristiano sa “mataas na kapangyarihan”.

Ang Pamahalaan ay maraming mabuting panukala ukol sa kapayapaan at sa ikauunlad ng bayan; sang-ayon kaya ang mga “saksi ni Jehova” sa panukala ng pamahalaan sa agpapabuti ng sanlibutan? Tunghayan natin ang kanilang kasagutan:

“ TANONG: Ang isang Cristiano ba’y sang-ayon sa pagpapabuti ng sanlibutang ito samakatuwid ay sangayon sa nagkakaisang mga bansa?
SAGOT: Hindi. Ang tunay na Cristiano ay hindi sangayon sa pagpapabuti sa sanglibutang ito.(Sangkakristianuhan o Pagkacristiano, p. 27)


Maliwanag ang nakasulat sa aklat ng mga “saksi ni Jehova” : Sila ay hindi sangayon sa pagpapabuti ng sanlibutang ito. Hindi sila sangayon sa mabuting layunin ng pamahalaan na mapanatili ang kapayapaan at umunlad ang kabuhayan ng mga mamamayan. Ang kanilang pagtuturo na ang mga Cristiano ay hindi sangayon sa pagpapabuti ng sanlibutang ito ay hindi sinusuhayan ng biblia, kundi salungat sa simulain ng Cristianismo,salungat sa itinuro ni Apostol Pablo sa mga Cristiano, tunghayan po natin:

“ Una-una nga sa lahat ng mga bagay, ay iniaaral ko na manaing, manalangin, mamagitan, at magpasalamat na patungkol sa lahat ng mga tao; Ang mga hari at ang lahat ng nangasa mataas na kalagayan; upang tayo'y mangabuhay na tahimik at payapa sa buong kabanalan at kahusayan.” (1Timoteo 2:1-2)


Maliwanag ang nakasulat sa talata ng biblia na upang tayo ay mangabuhay nang tahimik at payapa, iniaaral ni Apostol Pablo na tayo ay dapat manalangin patungkol sa mga hari at sa nasa mataas na kalagayan. Hindi ba’t ang iniaaral na ito ni Apostol Pablo ay salungat sa sinasabi ng mga “saksi si Jehova” na ang mga Cristiano raw ay hindi sangayon sa pagpapabuti ng sanlibutang ito. Salungat sila sa gobyerno, salungat parin sila sa aral ng biblia. Ang salungat kaya sa aral ng biblia ay kasangayon ng Dios?
Kayo po ang humatol.

Wednesday, 3 October 2012

Mali nga ba ang Sta.Cena ng Iglesia ni Cristo?


.


Marami ang tumutuligsa sa Iglesia ni Cristo, sa aming pagsasagawa ng Sta.Cena,Mali daw po ang pagsasagawa ng Sta.Cena ng Iglesia ni Cristo,dahil nung magsagawa ng Sta.Cena ang Panginoong Jesucristo ay wala naman daw abuluyan. Bakit daw po may abuluyan na nagaganap sa panahon ng pagsasagawa ng Sta.Cena, may talata daw po ba na sumusuporta dito? Kung meron daw, ano-ano daw ang mga ito?


Bweno, ating alamin, atin po'ng talakayin ang bagay na ito,mali nga po ba ang pagsasagawa ng pagsa-sta.cena ng Iglesia ni Cristo?

Nung PANAHON ng Panginoong Jesus, ito ay isinabay niya sa HAPUNANG PANGPASKUWA, o ng KAPISTAHAN ng TINAPAY ng walang LEBADURA ang kaniyang BANAL NA HAPUNAN:

Marcos 14:12  “AT NANG UNANG ARAW NG MGA TINAPAY NA WALANG LEBADURA, NANG KANILANG INIHAHAIN ANG KORDERO NG PASKUA, ay sinabi sa kaniya, ng kaniyang mga alagad, Saan mo ibig kaming magsiparoon at ipaghanda ka upang makakain ng KORDERO NG PASKUA?”

Isang pagdiriwang sa mga JUDIYO ang Kapisthan ng Tinapay ng walang LEBADURA, at sa gabi ng HAPUNANG PANGPASKUA ay kumakain sila at nagsasalo-salo sa KORDERO o TUPA NG PASKUA. Iba ito sa BANAL NA HAPUNAN, dahil ito ay talagang KAINAN.

Pagkatapos ng MAKAKAIN NG HAPUNANG PANGPASKUA, ay saka isinagawa ng PANGINOONG JESUS ang kaniyang BANAL NA HAPUNAN:

Lucas 22:14-15  “At nang dumating ang oras, ay naupo siya, at ang mga apostol ay kasalo niya. At sinabi niya sa kanila, PINAKAHAHANGAD KONG KANIN NA KASALO NINYO ANG KORDERO NG PASKUANG ITO bago ako maghirap:”

Lucas 22:20  “Gayon din naman ang saro, PAGKATAPOS NA MAKAHAPON, na sinasabi, ANG SARONG ITO'Y ANG BAGONG TIPAN SA AKING DUGO, NA NABUBUHOS NANG DAHIL SA INYO.”

Maliwanag ang sabi: PAGKATAPOS NA MAKAHAPON, ibig sabihin TAPOS NA NILANG KAININ ANG HAPUNANG PANGPASKUA, tsaka isinagawa ang PAGBABANAL NA HAPUNAN.

Ang mga GENTIL na naging KAANIB sa UNANG IGLESIA, ay hindi nagdiriwang ng KAPISTAHAN NG PASKUA, dahil hindi naman sila mga JUDIYO, ang HAPUNANG PANGPASKUA ay requirement lamang na gawin ng mga Judiyo. Narito ang dahilan:

Exodo 12:27  “Na inyong sasabihin: SIYANG PAGHAHAIN SA PASKUA NG PANGINOON, NA KANIYANG NILAMPASAN ANG MGA BAHAY NG MGA ANAK NI ISRAEL SA EGIPTO, nang kaniyang sugatan ang mga Egipcio, at iniligtas ang aming mga sangbahayan. At ang bayan ay nagyukod ng ulo at sumamba.”

Ang HAPUNANG PANGPASKUA ay isang PAGGUNITA sa ginawang PAGLAGPAS na kung tawagin sa English ay PASS OVER nung panahon ni Moises na pinatay ang lahat ng PANGANAY, at hindi nadamay ang mga anak ng bayan ng ISRAEL kundi ang mga panganay lamang ng mga EGIPCIO, dahil sa nilagpasan sila dahil sa paglalagay nila ng DUGO ng TUPA sa kanilang mga Pintuan.

Kaya sa dako ng mga GENTIL na hindi nagsasagawa ng HAPUNAN NG PASKUA ay sa PANAHON ng PAGTITIPON nila ito isinagawa:

1 Corinto 11:20 “Kaya’t sa inyong PAGTITIPON, hindi BANAL NA HAPUNAN ng Panginoon ang kinakain ninyo. [Ang Bagong Magandang Balita, Biblia]

Ito ‘yong talata  na kinagagalitan ni Apostol Pablo ang mga Cristiano sa Corinto, na nagsagawa ng BANAL NA HAPUNAN ng walang kaayusan na inakalang ito ay ORDINARYONG HAPUNAN lamang na kaya isasagawa ay para MABUSOG, kaya niya nasabi na hindi BANAL NA HAPUNAN ang kanilang kinain. Pero maliwanag niyang sinabi na iyan ay sa panahon ng PAGTITIPON.

At ang PAGTITIPON na isinasagawa ng mga UNANG CRISTIANO ay ang PAGSAMBA sa Diyos:


1 Corinto 14:26  “Ano nga ito, mga kapatid? PAGKA KAYO'Y NANGAGKAKATIPON ANG BAWA'T ISA SA INYO'Y MAY ISANG AWIT, MAY ISANG ARAL, MAY ISANG PAHAYAG, MAY WIKA, MAY ISANG PAGPAPALIWANAG. Gawin ninyo ang lahat ng mga bagay sa ikatitibay.”

Ang mga UNANG CRISTIANO na kabilang sa DAKO ng mga GENTIL, ay nagsagawa ng kanilang BANAL NA HAPUNAN sa kanilang PAGTITIPON o PAGSAMBA.

Kaya ang Iglesia ni Cristo po  ay ganun din, ISINABAY ANG BANAL NA HAPUNAN sa aming PAGSAMBA, gaya ng ginawa ng mga UNANG CRISTIANO, dahil tayo man ay hindi required na magsagawa ng HAPUNANG PANGPASKUA, dahil hindi naman tayo LAHING JUDIO.

Ang PAGSAMBA ang may ABULOY, hindi ang BANAL NA HAPUNAN:

Hebreo 13:15-16  “Sa pamamagitan nga niya ay maghandog tayong palagi ng hain ng PAGPUPURI SA DIOS, sa makatuwid baga, ay ng bunga ng mga labi na nagpapahayag ng kaniyang pangalan. Datapuwa't ang paggawa ng mabuti AT ANG PAGABULOY ay huwag ninyong kalimutan: sapagka't sa mga gayong hain ang Dios ay totoong nalulugod.”

Sa panahon ng PAGPUPURI SA DIYOS, sa PANAHON ng PAGSAMBA ginagawa ang ABULUYAN, isinabay lamang ang BANAL NA HAPUNAN. Walang ABULUYAN ang BANAL NA HAPUNAN, NAGAABULOY kami sa PAGSAMBA, at hindi sa BANAL NA HAPUNAN.

May kaligtasan ba ang mga taong namatay before 1914?


Madalas may na-e-encounter tayong mga katanungan sa mga kababayan natin na nagtatanong ng ganito:

“ kung ang mga INC members ang maliligtas sa judgment day, how about those people na hindi narating ng pangangaral ng INC, yung mga tribes sa africa, mga bansang walang INC at mga taong nabuhay before 1914? hindi ba ligtas ang gayon karaming tao?


Isa sa tungkuling ipinagkaloob ng Diyos sa IGLESIA NI CRISTO sa Huling Araw na ito ang maipangaral ang salita ng Diyos sa lahat ng mga bansa:

Mateo 24:14 “At ipangangaral ang evangeliong ito ng kaharian sa buong sanglibutan sa pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayo'y darating ang wakas.”

At kapag naisagawa na ng IGLESIA na makapangaral sa lahat ng kinapal, maliwanag ang sabi NI CRISTO: “KUNG MAGKAGAYO’Y DARATING NA ANG WAKAS”.


Kaya hindi pa nagwawakas kasi nga hindi pa NAAABOT ng INC ang lahat ng kasulok-sulukan ng Daigdig. Maghintay lang tayo att maaabot din sila ng pangangaral ng tunay na IGLESIA.

Ngayon dun sa tanong na, papaano iyong mga taong nabuhay before 1914, so maliwanag na sa panahong iyan ay WALANG UMIIRAL NA TUNAY NA IGLESIA NI CRISTO, paano sila ngayon maliligtas?

Eto ang PARAAN ng Diyos para sa kanila:

Roma 2:12 “Sapagka't ANG LAHAT NG NANGAGKASALA NG WALANG KAUTUSAN AY MANGAPAPAHAMAK DIN NAMAN NG WALANG KAUTUSAN: at ANG LAHAT NA NANGAGKASALA SA ILALIM NG KAUTUSAN AY SA KAUTUSAN DIN SILA HAHATULAN;”

May paraan ang Diyos sa mga taong nabuhay sa panahon nang walang kautusan [110A.D. To 1914A.D.], o hindi umiiral ang tunay na aral ng Diyos, hindi nakaabot sa tao ang kaniyang mga salita dahil walang tunay na sugo at walang tunay na IGLESIA, kung nagkasala sila ng walang kautusan, ay hahatulan din sila ng walang kautusan. At dahil sa panahon noon ng unang IGLESIA NI CRISTO noong first century [33A.D. To 110A.D.] At noong 1914 pababa ay meron ng kautusan at tunay na aral na umiiral dahil sa pagsusugo ng Diyos, ay sa tunay na kautusang ito na umiiral hahatulan ang mga tao.


Papaano hahatulan iyong mga tao na nabuhay sa panahon na walang kautusan o walang tunay na aral?

Roma 2:14 “(Sapagka't kung ang mga Gentil na walang kautusan sa katutubo, ay nagsisigawa ng mga bagay ng kautusan, ang mga ito, na walang kautusan, ay siyang kautusan sa kanilang sarili;”


Roma 2:15 “NA NANGAGTATANYAG NG GAWA NG KAUTUSANG NASUSULAT SA KANILANG PUSO, NA PINATOTOHANAN ITO PATI NG KANILANG BUDHI, at ang kanilang mga pagiisip ay nangagsusumbungan o nangagdadahilanan sa isa't isa);”

Hahatulan ng Diyos ang tao ayon sa KAUTUSAN NA NAKASULAT SA KANIYANG PUSO, NA PINATUTUNAYAN NG KANIYANG BUDHI O KONSENSIYA, Ito ang gagamiting batayan ng Diyos sa paghatol sa mga taong nabuhay sa panahong WALANG TUNAY NA KAUTUSAN, O TUNAY NA ARAL, AT WALANG TUNAY NA IGLESIA.

Ang pagpasok sa tunay na IGLESIA ay requirement sa mga taong dinatnan ng tunay na aral kaya nasa ilalim sila ng kautusan, kaya hahatulan sila ayon sa kautusang nasusulat na umiiral. Hindi nirerequire sa mga taong nabuhay sa panahong walang kautusan ang pag-anib sa isang IGLESIA, dahil wala naman silang Iglesiang papasukan, dahil hindi pa ito umiiral. Kaya ang gagamitin ng Diyos na basehan sa paghatol sa kanila ay ang kanilang budhi, ito ang magdidikta sa kanila kung tama o mali ba ang kanilang nagawa.

May halimbawa ba sa Biblia na taong HINATULAN NG DIYOS NG WALANG KAUTUSAN?

Meron po! Nung panahon ni Abel at Cain nun’ po ba nung patayin ni Cain si Abel ay mayroon nang batas noon na bawal ang pumatay? Wala pa, hindi po ba? Kasi sa panahon lamang ni Moises ibinigay ang batas ng Diyos na ito at libong taon pa ang pagitan ni Moises mula kay Cain. Hindi mo naman kayang sabihin na hindi nakonsiyensiya o hindi inusig ng kaniyang budhi si Cain, kaya nga ng hinahanap ng Diyos kung nasan si Abel, ay hindi niya masabi-sabi sa Diyos na pinatay niya ito, kundi sabi niya“Aywan ko, ako ba'y tagapagbantay sa aking kapatid?” [Genesis 4:9] at sa pamamagitan nito ay nahatulan ng Diyos si Cain kahit walang batas o kautusang nakasulat na umiiral.
Huwag na po mag atubili,wag nang magpatumpik-tumpik pa, magsaliksik o kayo sa mga aral na sinasampalatayanan ng Iglesia ni Cristo.

Ipinagbabawal ba ng Dios ang pagsusundalo?


Ating alamin,kasi may mga samahang pangrelihiyon na ipinagbabawal sa kanilang kaanib ang pagsusundalo. Kalaban ba ng Dios ang pagsusundalo? Ipinagbawal ba Niya ito?


Sa mga Saksi ni Jehova ay ipinagbabawal ang Pagsusundalo, maging ang Pagpupulis, para sa kanila ang tungkuling ito ay hindi katanggap-tanggap sa paningin ng Diyos sapagkat ang mga taong ito ay may karapatang kumitil ng buhay ng tao bilang bahagi ng kanilang tungkulin, bagamat hindi mababasa sa Biblia ng tuwiran na BAWAL ANG MAGSUNDALO ay may talata silang ginagamit na batayan, ito ay ang nasa aklat ng Exodo, atin pong basahin:



Exodo 20:13  “Huwag kang papatay.”

Ito raw ay napakatibay na ebidensiya na bawal ang PAGSUSUNDALO dahil sa mahigpit daw na ipinagbabawal ng Diyos ang pagpatay ng kapuwa tao. Totoo kaya ang pagkaunawa nilang ito na ang pagbabawal na ito ay kumakapit sa lahat ng uri ng tao?

Pero nais po naming ipapansin sa inyo ang isang pangyayari na nakatala sa kasaysayan ng Biblia:

1 Samuel 15:2-3  “Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Aking tinandaan yaong ginawa ng Amalec sa Israel, kung paanong siya'y humadlang sa kaniya sa daan, nang siya'y umahon mula sa Egipto. Ngayo'y yumaon ka at saktan mo ang Amalec, at iyong lubos na lipulin ang buo nilang tinatangkilik, at huwag kang manghinayang sa kanila; kundi PATAYIN MO ANG LALAKE AT BABAE, SANGGOL AT SUMUSUSO, BAKA AT TUPA, KAMELYO AT ASNO.” At pinisan ni Saul ang bayan at binilang sila sa Telaim, dalawang yutang lalake na naglalakad, at sangpung libong lalake sa Juda.

Kitang-kita sa talata na inuutusan ng Diyos si Haring Saul, ang Hari noon ng Israel na lipulin at pataying lahat, lalake, babae, sanggol, maging mga hayop.  Narito ang tanong?  HINDI BA BAWAL ANG PUMATAY SA PANAHONG IYAN? WALA PA BANG BATAS NA NAGBABAWAL SA PAGPATAY NG TAO SA PANAHONG IYAN?  Sa panahong iyan ay malaon nang patay si Moises, at ang pagbabawal sa pagpatay bilang bahagi ng sampung utos ay matagal ng panahon naibigay sa bayang Israel.  Hindi ba lalabas niyan na kinokontra ng Diyos ang kaniyang sarili sa paguutos niyang ito?

Bakit ba pinagpasiyahan ng Diyos na lipulin ang bayan ng Amalec?

1 Samuel 15:2  "When the Israelites were on their way out of Egypt, the nation of Amalek attacked them. I am the LORD All-Powerful, and now I am going to make Amalek pay! [Contemporary English Version]

Sa Filipino:

1 Samuel 15:2  “Nang ang mga Isrealita ay paalis ng Ehipto, SILA’Y NILUSOB NG BAYAN NG AMALEC. Ako ang Panginoon na Pinakamakapangyarihan, at ngayon aking pagbabayarin ang Amalec.”

Hindi ikinalugod ng Diyos ang ginawang pagluso o pagatake ng Amalec sa Israel ng sila ay papaalis sa Ehipto, nais lamang ng Diyos na makaganti ang bayan Israel sa ginawa nilang ito.  Kaya maliwanag kung gayon na:

 ANG PAGBABAWAL NG DIYOS SA PAGPATAY AY ISANG BATAS NA MAY KUNDISYON…NA WALANG KARAPATANG MAGPASIYA ANG SINOMANG TAO NA PUMATAY SA KANIYANG SARILI MALIBAN NANG MAY MAGBIGAY SA KANIYA NG KARAPATAN NA GAWIN IYON,  at sa pagkakataong ito ay ang Panginoong Diyos.

Maliwanag kung gayon na may mga tao na binigyan ng Diyos ng karapatan lumipol sa mga taong itinuturing ng Diyos na kaniyang mga kaaway.

Katulad ni Samson na binigyan ng Diyos ng karapatang ito:

Judge 15:15  “Then he found a jawbone of a donkey that had recently died. He reached down and picked it up, AND KILLED A THOUSAND MEN WITH IT.” [Good News Bible]

Sa Filipino:

Hukom 15:15 “At siya’y nakakita ng panga ng isang asno na kamamatay lamang.  Kaniyang iniunat ang kaniyang kamay at kinuha ito, at PINATAY ANG ISANG LIBONG TAO SA PAMAMAGITAN NOON.”

Ganoon din ang karapatang ibinigay niya kay Haring David:

1 Samuel 17:46  “Sa araw na ito ay ibibigay ka ng Panginoon sa aking kamay; AT SASAKTAN KITA, AT PUPUGUTIN KO ANG ULO MO; at ibibigay ko ang mga bangkay sa hukbo ng mga Filisteo sa mga ibon sa himpapawid sa araw na ito, at sa mababangis na hayop sa lupa; upang maalaman ng buong lupa na may Dios sa Israel:”

Nang patayin ni David si Goliath ay may patnubay siya ng Diyos, at hindi lamang si Goliath ang napatay ni David sa buong panahon ng kaniyang buhay, subalit magkagayon man dahil sa dami ng kaniyang napatay itinuring ba siyang makasalanan?

Awit 86:2  “Ingatan mo ang aking kaluluwa; sapagka't AKO'Y BANAL: Oh ikaw na Dios ko, iligtas mo ang iyong lingkod na tumitiwala sa iyo.”

Sa kabila ng lahat na si David ay maraming napatay na tao sa buong kasaysayan ng kaniyang buhay, ang turing pa rin sa kaniya ay BANAL, samakatuwid hindi ibinilang na kasalanan niya ang kaniyang mga ginawang pagkitil ng buhay, dahil sa ito’y karapatan at kapangyarihang ibinigay sa kaniya ng Diyos bilang Hari ng Israel.

Napakaraming halimbawa na mababasa sa Biblia na mga mandirigma ngunit mga lingkod ng Diyos bukod kay Haring David at Samson, nandiyan din sina Josue, Gedeon, at marami pang iba.

Ano ang tawag noon sa Diyos ng bayang Israel?

1 Samuel 17:45  “Nang magkagayo'y sinabi ni David sa Filisteo, Ikaw ay naparirito sa akin na may tabak, at may malaking sibat at may kalasag; nguni't ako'y naparirito laban sa IYO SA PANGALAN NG PANGINOON NG MGA HUKBO, ng DIOS NG MGA KAWAL NG ISRAEL na iyong hinahamon.”

Ang Diyos noong panahong iyon ay tinatawag na “DIYOS NG MGA HUKBO” at “DIYOS NG MGA KAWAL”, kaya dito pa lamang ay maliwanag na nating nakikita ang matibay na ebidensiya na ang pagiging KAWAL o SUNDALO, ng isang tao ay hindi bawal sa Biblia.  Dahil bakit papayag ang Diyos na itawag ng tao sa kaniya ito kung bawal naman pala sa kaniya ang pagiging KAWAL ng isang tao.

At sa isa pang pagkakataon ang Diyos ay ipinakilala na“PANGINOON NG MGA HUKBO”:

Isaias 44:6  “Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Hari ng Israel, at ng kaniyang Manunubos, na PANGINOON NG MGA HUKBO, Ako ang una, at ako ang huli; at liban sa akin ay walang Dios.”

Kaya nga dito pa lang ay alam na alam na natin ang napakatibay na ebidensiya na HINDI BAWAL ANG PAGSUSUNDALO, hindi po ito kailan man ipinagbawal ng Diyos sa Biblia.  Ang kanilang tungkulin bagamat totoo na sila ay kumikitil ng buhay at pumapatay ng tao para magpanatili ng kapayapaan at ipagtanggol ang bayan, ay tungkuling ibinigay ng Diyos sa kanila. Kaya EXEMPTED po sila sa batas ng Diyos na HUWAG KANG PAPATAY.

Tayo na mga ordinaryong tao na wala sa ganoong tungkulin ang walang karapatang pumatay ng sinoman, dahil tayo ay nasa ilalim ng  batas ng Diyos na siyang nagbabawal sa pagpatay ng kapuwa tao.


Pagsusundalo bawal ba sa Bagong Tipan?

Maaaring may mangatuwiran na iyon daw mga halimbawa na ating ipinakita ay puro saLumang Tipan, pero sa panahong Cristiano na panahon ng Bagong Tipan, na siyang sumasakop sa panahon natin ay bawal na ang pagsusundalo.
Inyong tanungin ang inyong mga kaibigang Saksi ni Jehova, kung may maipapakita silang kahit na isang talata na mababasa ng maliwanag na ipinagbabawal ng Diyos ang PAGSUSUNDALO. Natitiyak namin na wala silang maipapakitang talata sa inyo kahit saBagong Tipan.

Dahil, hindi po bawal ang pagsusundalo sa buong Biblia…

Kumuha na tayo ng halimbawa sa Biblia:

Luke 3:14  “Some SOLDIERS also asked him, "What about us? What are we to do?" He said to them, "DON'T TAKE MONEY FROM ANYONE BY FORCE OR ACCUSE ANYONE FALSELY. BE CONTENT WITH YOUR PAY." [Good News Bible]

Sa Filipino:

Lucas 3:14 “May mga SUNDALO na nagtanong sa kaniya, “Kami? Ano ang aming gagawin? ” Sinabi niya sa kaniya, “HUWAG KAYONG KUKUHA NG SALAPI MULA SA KANINO MAN NG SAPILITAN AT MAGPARATANG SA KANINO MAN NG KASINUNGALINGAN.  MAKUNTENTO KAYO SA IBINABAYAD SA INYO.”

Dito sa pagkakataong ito, tinatanong ng mga SUNDALO si Juan Bautista kung ano ang kanilang gagawin upang maging dapat sa Diyos.  Kung talagang ipinagbabawal ng Diyos ang pagsusundalo, hindi ba ito ay isang napakagandang pagkakataon na sabihin ni Juan sa kanila na bawal ito?

Kasi kung talagang bawal ang pagsusundalo Puwedeng ganito ang mangyari:

MGA SUNDALO:  “Kami? Ano ang aming gagawin?”

JUAN BAUTISTA:  “Una, ninyong gawin ay iwan ang inyong pagiging sundalo dahil bawal ng Diyos ang PAGSUSUNDALO, dahil pumapatay kayo ng tao.”

Pero hindi ba sa pagsasabi ni Juan na: “MAKUNTENTO KAYO SA IBINABAYAD SA INYO.”Hindi ba maliwanag na hindi ipinagbabawal ang pagsusundalo, hindi ba lumalabas niyan na pinapayuhan pa ni Juan Bautista ang mga sundalo na makuntento sa kanilang suweldo at huwag mang-aabuso ng kapuwa?  Ito ay isa sa matibay na ebidensiya na maging sa Bagong Tipan ay hindi po bawal ang pagsusundalo, basta huwag mang-aabuso ng kapuwa, huwag magpaparatang ng hindi totoo, at makuntento sa suweldong tinatanggap.


Kumuha pa tayo ng isa pang halimbawa:

Mga Gawa 10:1-5  “At may isang lalake nga sa Cesarea, na nagngangalang CORNELIO, SENTURION NG PULUTONG NA TINATAWAG NA PULUTONG ITALIANO.  Isang taong masipag sa kabanalan at matatakutin sa Dios siya at ang buong sangbahayan at naglimos ng marami sa mga tao, at laging nananalangin sa Dios.  Nakita niyang maliwanag, sa isang pangitain, nang may oras na ikasiyam ng araw, na pumapasok na patungo sa kaniya ang isang anghel ng Dios, at nagsasabi sa kaniya, Cornelio.  At siya, sa pagtitig niya sa kaniya, at sa pagkatakot niya, ay nagsabi, Ano ito, Panginoon? At sinabi niya sa kaniya, ANG MGA PANALANGIN MO AT ANG IYONG MGA PAGLILIMOS AY NANGAPAILANGLANG NA ISANG ALAALA SA HARAPAN NG DIOS. At ngayo'y magsugo ka ng mga tao sa Joppe, at ipagsama mo yaong Simon, na may pamagat na Pedro;”

Isang tao sa Cesarea na ang pangalan ay Cornelio, isang SENTURION, o opisyal ng hukbong Romano, na siya ring pulutong italiano, sa madaling salita isang mataas na  “ROMAN OFFICER”.  Mabuting tao si Cornelio, mapanalanginin, at palaging tumutulong sa mahihirap, sa isang pangitain ay napakita sa kaniya ang isang anghel at sinabihan siyang ang kaniyang mga panalangin at ang kaniyang mga paglilimos ay napaiilanlang bilang isang alala sa harapan ng Diyos, at ipinagutos niyang ipasundo si Pedro.

Ano ang nangyari nang dumating si Pedro?

Gawa 10:34  “At binuka ni Pedro ang kaniyang bibig, at sinabi, TUNAY NGANG NATATALASTAS KO NA HINDI NAGTATANGI ANG DIOS NG MGA TAO:”

Ikinagalak ni Apostol Pedro ang pagsampalataya ni Cornelio na bagamat siya’y isang Gentil, nasabi niyang hindi nagtatangi ang Diyos ng mga tao.  Isa na namang katunayan na hindi bawal ang pagsusundalo, dahil kung ito ay mahigpit na ipinagbabawal, pauunlakan ba ni Apostol Pablo ang paanyaya ng isang kawal?  At hindi ba niya sasabihin kay Cornelio na ang PAGSUSUNDALO ay bawal ng Diyos?  Hindi ba’t ito ay isa na namang napakagandang pagkakataon? Kahit basahin niyo pa ang buong kapitulo 10, ng aklat ng mga Gawa, wala kayong mababasa na sinabi ni Pedro na bawal ang  MAGSUNDALO, bilang katibayan na hindi ito bawal, ano ang sumunod na pangyayari?

Gawa 10:46-47  “Sapagka't nangarinig nilang nangagsasalita ang mga ito ng mga wika, at nangagpupuri sa Dios. Nang magkagayo'y sumagot si Pedro, Mangyayari bagang hadlangan ng sinoman ang tubig, upang huwag mangabautismuhan itong mga nagsitanggap ng Espiritu Santo na gaya naman natin? AT INUTUSAN NIYA SILA NA MAGSIPAGBAUTISMO SA PANGALAN NI JESUCRISTO. Nang magkagayo'y kanilang ipinamanhik sa kaniya na matirang mga ilang araw.”

Si Cornelio at ang buo niyang sambahayan ay binautismuhang lahat na ang lahat ng mga nabautismuhan ay binautismuhan sa isang katawan:

1 Corinto 12:13  “Sapagka't sa isang Espiritu ay BINABAUTISMUHAN TAYONG LAHAT SA ISANG KATAWAN, maging tayo'y Judio o Griego, maging mga alipin o mga laya; at tayong lahat ay pinainom sa isang Espiritu.”

Na ang isang katawan ay ang Iglesia:

Colosas 1:18  At siya ang ulo ng katawan, sa makatuwid baga'y ng IGLESIA…”

At ang pangalan ng Iglesia na kinaaniban ng senturiong si Cornelio at ng kaniyang buong sambahayan ay:

Roma 16:16  “Mangagbatian kayo ng banal na halik. Binabati kayo ng lahat ng mga IGLESIA NI CRISTO.”

Naging kaanib po ng Iglesia ni Cristo si Cornelio na isang SENTURION ng hukbong Romano, isang sundalo na tinanggap ang katotohanan sa pamamagitan ng pagsampalataya at nabautismuhan sa loob ng tunay na iglesia, ang Iglesia ni Cristo. Kaya po pinapahintulutan na maging kaanib ng Iglesia ang isang sundalo, pulis, at iba pa na mayroong katulad na tungkulin o trabaho.

Ang mga SUNDALO o KAWAL na naglilingkod sa pamahalaang umiiral ay may karapatang ibinigay ang Diyos upang kanilang gampanan ang kanilang tungkulin, Ganito ang sabi ng Biblia:

Roma 13:3-4  “Sapagka't ang mga pinuno ay hindi kilabot sa gawang mabuti, kundi sa masama. At ibig mo bagang mawalaan ng takot sa MAY KAPANGYARIHAN? gawin mo ang mabuti, at magkakamit ka ng kapurihan sa kaniya:   Sapagka't siya'y ministro ng Dios sa ikagagaling mo. Datapuwa't kung ginagawa mo ang masama, ay matakot ka; SAPAGKA'T HINDI WALANG KABULUHAN ANG PAGDADALA NIYA NG TABAK: SAPAGKA'T SIYA'Y MINISTRO NG DIOS, TAGAPAGHIGANTI SA IKAGAGALIT SA GUMAGAWA NG MASAMA.

Ang mga MAY KAPANGYARIHAN sa ating Pamahalaan ay binigyan ng Diyos ng karapatang magdala ng ARMAS o mga SANDATA sabi nga ng talata:  “SAPAGKA'T HINDI WALANG KABULUHAN ANG PAGDADALA NIYA NG TABAK”, may karapatan siyang gumamit ng sandata sa anong layunin at tungkulin?: “TAGAPAGHIGANTI SA IKAGAGALIT SA GUMAGAWA NG MASAMA.” Kaya dapat silang katakutan ng mga gumagawa ng masama, dahil may kapangyarihan at karapatan silang magparusa.

KAYA HINDI PO MASAMA ANG PAGDADALA NILA NG MGA ARMAS O SANDATA, sapagkat ang Diyos ay may pagpapahintulot sa mga MAY KAPANGYARIHAN (PULIS, SUNDALO, ETC.)upang maghiganti at magparusa sa mga taong gumagawa ng masama o sa mga taong lumalabag sa batas.

Hindi po kailan man ipinagbabawal ng Diyos sa Biblia ang PAGSUSUNDALO o PAGPUPULIS, ito po ay kapangyarihan at karapatang kaloob ng Diyos sa alinmang pamahalaang kanilang pinaglilingkuran sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan o iyong tinatawag sa English na "peace and order"...

Totoo nga bang lahat ng Tao ay Natubos ng Dugo ni Cristo?



ISANG malaganap na paniniwala ng di mabilang na mga tao sa daigdig na ang kamatayan ni Cristo raw ay para sa lahat ng tao at hindi maaaring angkinin ng sinomang grupo o pangkatin ng pananampalataya lamang. Madalas na madinig natin sa kanila ang mga salitang ito:

“JESUS DIED FOR THE SINS OF THE WORLD"

Kaya nga kapag daw may isang pangkatin ng relihiyon na magtuturo na sila lang ang maliligtas o sila lang ang tinubos ni Cristo ito raw ay bulaang mangangaral. Dahil sa katotohanan nga raw ay namatay si Cristo sa Krus upang tubusin ang lahat ng kasalanan ng tao sa daigdig.

At may ginagamit pa silang talata:

1 Timoteo 2:6  “NA IBINIGAY ANG KANIYANG SARILI NA PANGTUBOS SA LAHAT; na pagpapatotoong mahahayag sa sariling kapanahunan;”

Ginagamit nila ang verse na ito bilang kanilang batayan na ang lahat ng tao sa daigdig ay nasasakop ng ginawang pagtubos at ng pagkamatay ni Cristo. Tama kaya ang pagkaunawa nila sa talatang ito? Ang salita kayang LAHAT na binabanggit diyan ay kumakatawan sa LAHAT NG TAO sa mundo?

Hindi ba lalabas niyan na kung lahat ng tao sa mundo ay NATUBOS ng dugo ni Cristo, samakatuwid ay wala nang mapapahamak, wala nang mapaparusahan pagdating ng ARAW NG PAGHUHUKOM, kasi nga maliligtas na ang lahat eh, hindi po ba? Ganun ba sabi ng Biblia?

Juan 5:28-29  “Huwag ninyong ipanggilalas ito: sapagka't dumarating ang oras, na ang lahat ng nangasa libingan ay makaririnig ng kaniyang tinig, At magsisilabas; ang mga nagsigawa ng mabuti, ay sa pagkabuhay na maguli sa buhay; at ANG MGA NAGSIGAWA NG MASAMA, AY SA PAGKABUHAY NA MAGULI SA PAGHATOL.”

Dito pa lamang sa sinabing ito ng TAGAPAGLIGTAS ay napakaliwanag na HINDI LAHAT ng TAO ay MALILIGTAS, kasi nga sa Araw ng Paghuhukom ay may mga tao na bubuhaying maguli para sa PAGHATOL.

Eh gaano ba kadaming tao ang mapaparusahan sa Araw ng Paghuhukom?

Apocalypsis 20:7-10  “At kung maganap na ang isang libong taon, si Satanas ay kakalagan sa kaniyang bilangguan,  At lalabas upang dumaya sa mga bansa na nasa apat na sulok ng lupa, sa Gog at sa Magog, upang tipunin sila sa pagbabaka: na ANG BILANG NILA AY GAYA NG BUHANGIN SA DAGAT. At nangagsipanhik sila sa kalaparan ng lupa, at kinubkob ang kampamento ng mga banal, at ang bayang iniibig: at bumaba ang apoy mula sa langit, at sila'y nasupok. At ang diablo na dumaya sa kanila ay ibinulid sa dagatdagatang apoy at asupre, na kinaroroonan din naman ng hayop at ng bulaang propeta; at SILA'Y PAHIHIRAPAN ARAW AT GABI MAGPAKAILAN KAILAN MAN.”

Maliwanag ang pahayag ng Biblia, kung gaano kadaming tao ang mapaparusahan sa Araw ng Pahuhukom, sabi ng talata, singdami ng Buhangin sa Dagat. Kaya maliwanag na maliwanag na ang HINDI TOTOO NA LAHAT NG TAO AY MALILIGTAS at LAHAT NG TAO AY NATUBOS NG DUGO NI CRISTO.

Gaano ba kahalaga ang matubos tayo ng Dugo ni Cristo:

Efeso 1:7  “Na sa kaniya'y mayroon tayo ng ating KATUBUSAN SA PAMAMAGITAN NG KANIYANG DUGO, na KAPATAWARAN NG ATING MGA KASALANAN, ayon sa mga kayamanan ng kaniyang biyaya,”

Kapag tayo ay natubos ng dugo ni Jesus, maliwanag na tayo ay mapapatawad na sa ating mga kasalanan, dahil kung hindi tayo mapapatawad sa ating mga pagkakasala, maliwanag ang pahayag ng Biblia na tayo ay mamamatay o mapaparusahan sa ikawalang kamatayan sa dagat-dagatang apoy.

Roma 6:23  “Sapagka't ANG KABAYARAN NG KASALANAN AY KAMatayan; datapuwa't ang kaloob na walang bayad ng Dios ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin.”

Apoc 20:14  “At ang kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. ITO ANG IKALAWANG KAMATAYAN, SA MAKATUWID AY ANG DAGATDAGATANG APOY.”

Kaya dito pa lamang ay atin nang natitiyak na hindi totoo ang paniniwala ng maraming tao sa daigdig na ang LAHAT NG TAO AY NATUBOS NG DUGO o NASASAKOP ng KAMATAYAN ni Cristo.  Dahil sinasabi ng Biblia na napakaraming tao – sindami ng buhangin sa dagat ang mapaparusahan pagdating ng Araw ng Paghuhukom.

Eh bakit sabi doon sa talatang binasa natin kanina eh lahat ay natubos ng dugo ni Cristo, hindi ba lalabas niyan na sa Biblia ay may KONTRADIKSIYON?

Kaya balikan natin ang talata:

1 Timoteo 2:6  “NA IBINIGAY ANG KANIYANG SARILI NA PANGTUBOS SA LAHAT; na pagpapatotoong mahahayag sa sariling kapanahunan;”

Nais kong ipapansin sa inyo  na ang mga gumagamit ng talatang ito ay mayroong iniiwasang basahin at partikular na binabasa lamang ang VERSE na ito.  Kaya ating ipakita ang mga VERSE na hindi nila binabasa na sinusundan ng talatang iyan, upang ating mapatunayan na nagkakamali lamang sila ng pagkaunawa na ang tinutukoy diyan na natubos ay ang lahat ng tao sa mundo:

1 Timoteo 2:3  “Ito'y mabuti at nakalulugod sa paningin ng Dios na ating Tagapagligtas;”

1 Timoteo 2:4  “NA SIYANG MAY IBIG NA ANG LAHAT NG MGA TAO'Y MANGALIGTAS, AT MANGAKAALAM NG KATOTOHANAN.”

1  Timoteo 2:5  “Sapagka't may isang Dios at may isang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus,”

1 Timoteo 2:6  “NA IBINIGAY ANG KANIYANG SARILI NA PANGTUBOS SA LAHAT; na pagpapatotoong mahahayag sa sariling kapanahunan;”

Kapag binasa ng kumpleto ang nasabing talata mula versikulo 3 hanggang 6, ay mayroon kang mapapansin. Maliwanag na pinatutunayan ng Biblia na ang salitang LAHAT ay hindi tumutukoy sa LAHAT NG TAO SA MUNDO, kundo doon lamang sa MGA TAO NA MAKAKAALAM NG KATOTOHANAN.

Samakatuwid may REQUIREMENT para ang tao ay MALIGTAS, kailangang malaman niya ang KATOTOHANAN, dahil kung nasa KASINUNGALINGAN siya , eh papaano siya maliligtas.

Kasi nga kung hindi tatanggapin ng tao KATOTOHANAN ay hindi siya maliligtas, ganito sinasabi pa ng Biblia:

2 Tesalonica 2:9-12 “Lilitaw ang Suwail na taglay ang kapangyarihan ni Satanas.  Gagawa siya ng lahat ng uri ng himala at nakalilinlang na tanda at kababalaghan.  At gagamit siya ng lahat ng uri ng pandaraya sa mga mapapahamak – MGA TAONG MALILIGTAS SANA KUNG KANILANG TINANGGAP AT INIBIG ANG KATOTOHANAN,  SAPAGKAT HINDI NILA TINANGGAP ANG KATOTOHANAN, IPINAUBAYA NG DIYOS NA SILA’Y MALINLANG NG ESPIRITU NG KAMALIAN AT PAPANIWALAIN SA KASINUNGALINGAN, UPANG MAPARUSAHAN ANG LAHAT NG PIMILI SA KASAMAAN SA HALIP NA TUMANGGAP SA KATOTOHANAN.” [Magandang Balita, Biblia]

Maliwanag na ang mga hindi umibig sa katotohanan ay parurusahan sa dagat-dagatang apoy, samakatuwid ay hindi sila maliligtas sa Araw ng Paghuhukom.

Kaya isa sa napakahalagang gampanin ng sinoman na nais maligtas ang pagtiyak kung talaga bang nalalaman niya ang KATOTOHANAN? Dahil kung hindi natin malalaman ang KATOTOHANAN ay mawawalan tayo ng napakahalagang pagkakataon sa kaligtasan.

Ano ba ang isa sa KATOTOHANANG dapat tanggapin ng tao?

Juan 10:7  “Muli ngang sinabi sa kanila ni Jesus, KATOTOHANAN, KATOTOHANANG SINASABI KO SA INYO, AKO ANG PINTUAN NG MGA TUPA.”

Dapat tanggapin ng tao ang KATOTOHANANG ITO, na si Cristo ay PINTUAN NG MGA TUPA. Ang tinutukoy bang TUPA rito ay literal na hayop?  Lilinawagin sa atin iyang muli ng Biblia:

Ezekiel 34:31  “At KAYONG MGA TUPA KO, NA MGA TUPA SA AKING PASTULAN AY MGA TAO, at ako'y inyong Dios, sabi ng Panginoong Dios.”

Samakatuwid ang TUPA na tinutukoy ay MGA TAO, samakatuwid si Cristo ay PINTUAN NG MGA TAO.  Ano gagawin nung mga TUPA o mga TAO sa PINTUANG si Cristo?

Juan 10:7,9  “Kaya’t muling sinabi ni Jesus, ‘Tandaan ninyo: AKO ANG PINTUANG DINARAANAN NG MGA TUPA. … Ako ang pintuan. ANG SINUMANG PUMAPASOK SA PAMAMAGITAN KO’Y MALILIGTAS’.” [MB]

Maliwanag ang sagot ng Biblia, kinakailangan na ang mga TUPA o mga TAO ay DUMAAN at PUMASOK sa PINTUANG si Cristo, at hindi sasampalataya lang, kundi kailangan siyang may gawin. At ito ay ang GAWANG PAGDAAN at PAGPASOK kay Cristo.

Ano ba katumbas nung pagpasok kay Cristo? Paano ba natin magagawa ito sa kabila ng katotohanana na si Cristo ay nasa langit na?

John 10:9 “I am the door; ANYONE WHO COMES INTO THE ‘FOLD’ THROUGH ME SHALL BE SAFE.” [ New English Bible]

Sa Filipino:

Juan 10:9 “Ako ang pintuan; ang SINUMANG PUMASOK SA KAWAN SA PAMAMAGITAN KO AY MAGIGING LIGTAS.”

Ang dadaan at papasok kay Cristong pintuan ay mapapaloob sa KAWAN, samakatuwid ang papasukan ng tao ay ang KAWAN NI CRISTO, at kapag nakapasok na tayo sa KAWANG ito, katumbas noon nakapasok na tayo kay Criston bilang PINTUAN.

Alin iyong KAWAN na tinutukoy na kailangan nating PASUKAN?

 Acts 20:28 “Take heed therefore to yourselves and to ALL THE FLOCK over which the Holy Spirit has appointed you overseers, to feed THE CHURCH OF CHRIST WHICH HE HAS PURCHASED WITH HIS BLOOD.” [Lamsa Translation]

Sa Filipino:

Gawa 20:28 “Ingatan ninyo kung gayon ang inyong sarili at ang BUONG KAWAN na rito’y hinirang kayo ng Espiritu Santo na mga katiwala, upang pakanin ANG IGLESIA NI CRISTO NA BINILI NIYA NG KANIYANG DUGO.”

Ang KAWAN ay ang IGLESIA NI CRISTO na BINILI o TINUBOS niya ng kaniyang dugo, HINDI LAHAT NG TAO SA MUNDO…kaya nga ang banggit sa 1 Timoteo 3:6 na: “NA IBINIGAY ANG KANIYANG SARILI NA PANGTUBOS SA LAHAT”…ang LAHAT na tinutukoy ay ang LAHAT NG MGA KAANIB NG KANIYANG IGLESIA.

1 Corinto 12:13  “Sapagka't sa isang Espiritu ay binabautismuhan TAYONG LAHAT sa isang KATAWAN, maging tayo'y Judio o Griego, maging mga alipin o mga laya; at TAYONG LAHAT ay pinainom sa isang Espiritu.”

LAHAT ng BINAUTISMUHAN sa ISANG KATAWAN, na ang KATAWAN ay ang IGLESIA:

Colosas 1:18  “AT SIYA ANG ULO NG KATAWAN, SA MAKATUWID BAGA'Y NG IGLESIA; na siya ang pasimula, ang panganay sa mga patay; upang sa lahat ng mga bagay, ay magkaroon siya ng kadakilaan.”

Kaya nga para ang tao ay mapabilang sa mga natubos ng dugo ni Cristo para siya ay maligtas hindi niya maiiwasan na dumaan at pumasok kay Cristo, na ito nga ay ang pagpasok sa kaniyang IGLESIA – ANG IGLESIA NI CRISTO.

Sabi nga ng PASYION ng mga KATOLIKO:

“Sapagkat Pastor kang tunay nitong mundong kabilugan, ANG OBEHANG SINO PA MAN, KUNDI MASOK SA BAKURAN HINDI NGA MASASAKUPAN.”  [Kasaysayan ng Pasyong Mahal ni Hesukristong Panginoon Natin, Copyright 1949 by Ignacio Luna & Sons, page 69]

Maliwanag na maging ang Iglesia Katolika ay may paniniwala din na ang sinomang tao na hindi PAPASOK sa BAKURAN ni CRISTO ay hindi MASASAKUPAN ng KANIYANG PAGTUBOS at PAGLILIGTAS.

Ang BAKURAN ni Cristo ay walang iba kundi ang kaniyang IGLESIA kung saan dapat tayo pumasok, gaya nga ng napatunayan na sa atin ng Biblia.
Nawa'y maliwanagan ang lahat sa pamamagitan nito.