Friday, 4 October 2013

Ang Ilang Kontradiksyon ng Mangangaral ng ADD

                                                           Ang tumakas  

                
Ang dati niyang itinuro ang Panginoong Jesucristo ay iniwan ng lahat ng mga dumadakip sa Kaniya at tumakas.

Nagtanong: Itatanong ko lang po ‘yung sa,… ‘yung sa panahon na ipinagkanulo ni Judas si Cristo. Kasi po doon sa Marcos na 50, 51, 52. ‘Yung dinakip na po Siya di ba po? Ang nakalagay dun e at iniwan Siya ng lahat at nagsitakas. Sino po ‘yung sa tingin n’yo ay nagsitakas? ‘Yung mga apostol po ba?
Eli Soriano: [Binasa ang Mar. 14:48-50.] Ayun. Ang umiwan po sa kaniya ay ang mga dumadakip sa kaniya.
Nagtanong: Kaya iniwan… Di ba po dinakip Siya? Bakit po Siya iniwan?
Eli Soriano: Hindi. Iniwan.. Hindi ho Siya dinakip nung oras na iyon.
Nagtanong: Ah.
Eli Soriano: Iniwan Siya ng lahat ng dumadakip sa Kaniya at tumakas. Hindi po kasi pupuwede na ang nag-iwan sa Kaniya, mga apostol, e.

Sa ibang pagkakataon naman ay itinuro niyang magkakasama na raw tumakas ang mga humuhuli at ang mga alagad noong dakpin ang Panginoong Jesucristo.

Sammy: [Sammy Lamberte- Nagtatanong]- Doon po sa Lucas 14:50, may nabasa po ako doon, tumakas … may tumakas. Sino po ba ‘yung tinutukoy doon na tumakas? ‘Yung mga humuli sa Kanya o ‘yung mga alagad po?
Soriano: ‘Yung mga … magkakasama na ‘yun eh. Kasi, mayro’n din namang mga humuhuli sa Kanya na ano eh … na umalis na ro’n kagaya nu’ng pinagaling N’ya na si ano …
Willy: Malco.

Eli Soriano: ‘Kaya du’n sa sinasabi n’yong tumakas, may tumakas na mga alagad, may tumakas na humuhuli, gano’n ‘yon.


                                               Si Satanas gawa ng Dios


                                Dati niyang itinuturo na si satanas ay gawa ng Diyos.

Eli Soriano: Ah gano’n pala ‘ka ko pagkakilala ng Iglesia ni Cristo, na nu’n bago pa lang lalangin ng Diyos ang tao alam Niya na na ang tao, lalabag. Eh lalabas non-sense naman ‘yung Diyos mo. Bah alam Niya na palang lalabag eh, ba’t ginawa pa Niya ‘yung demonio.

Subalit sa ibang pagkakataon ay pinuna niya ang mga nag-aakala na gawa ng Diyos ang demonyo.


Eli Soriano: Hindi, akala nu’ng ibang nagbabasa ng Biblia, ang Diyos daw ang gumawa ng demonyo, Diyos daw ang gumawa ng mga impakto, kalokohan ‘yon, hindi totoo ‘yon.

Eli Soriano: Noong time na ginagawa ng Diyos ‘yung… ‘yung satan, ano? ‘Yung tinatawag na satan, e ano ‘yon, hindi inaasahan although alam ng Diyos na puwedeng gumawa ‘yun ng mabuti, puwedeng gumawa ‘yun ng masama. Pero ang pag-asa ng Diyos, gagawa ‘yun ng mabuti siyempre.
Eli Soriano: Ha? Ba’t ginawa pa si satanas, manunukso lang pala? Ha? Ba’t ginawa pa si satanas, manunukso lang pala? Ha? Ba’t ginawa pa si satanas, manunukso lang pala?


Subalit noong Mayo 7, 2002, binago niya at hindi raw niya itinuro na si satanas ay ginawa ng Diyos.


Eli Soriano: Napakasinunga-ling talaga nito magkakabar-kadang ‘to. Wala naman akong sinabing si satanas ay ginawa ng Diyos e. Ang sinasabi ko nu’ng ginagawa ng Diyos ‘yung naging satanas na ‘yon ano, hindi pa naman … Bakit? Nu’ng gawin ba nang … gawin ba’ yon, satanas agad ‘yon ha?
Eli Soriano: Napakasinunga-ling talaga nito magkakabar-kadang ‘to. Wala naman akong sinabing si satanas ay ginawa ng Diyos e. Ang sinasabi ko nu’ng ginagawa ng Diyos ‘yung naging satanas na ‘yon ano, hindi pa naman … Bakit? Nu’ng gawin ba nang … gawin ba’ yon, satanas agad ‘yon ha



                                              
                                                   Tinapay sa Sta. Cena

May pagkakataon na itinuro niyang ang tinapay sa Sta. Cena ay aral.
Eli Soriano: Kaya ho, tanong n’yo mayro’n ba kaming Sta. Cena? Mayroon. Naghahati-hati ho kami ng tinapay. Pagka ho araw ng Linggo. May kapirasong tinapay para sa akin, para sa kaniya, para sa binata, para sa dalaga, para sa may-asawa, para sa ministro. ‘Yun ho kasing tinapay aral ‘yun. Simboliko ng aral ‘yun. Saka ‘yung inumin, aral ho ‘yun. Kaya dito tuwing Linggo, tuwing prayer meeting, may hati-hati kaming tinapay.
May pagkakataon namang ang tinapay daw sa Sta. Cena ay ang Iglesia.


Eli Soriano: For we being many are one bread. We, ‘yungchurch, being many are one bread. Eh, di ‘yon palang bread eh ‘yung church.
Navales: Opo.
Eli Soriano: O tagalugin mo nga ‘yon
Willy: Bagaman tayo’y marami ay iisa lamang tinapay.
Eli Soriano: O, kita mo! Bagaman marami tayo, tayo iisang tinapay. E, sinong tinapay?
Willy: ‘Yung Iglesia…
Eli Soriano: ‘Yung Iglesia.

                                                                 

                                                          
                                                     Pagkakasal



Hindi raw siya nagkakasal pagkat walang mababasa sa Biblia na ang mga apostol ay nagkasal.
Eli Soriano: Ngayon ganito, walang… gaya ng sinabi ko, uulitin ko ho. Wala hong nababasa sa Biblia, mga apostol nagkasal. Ho? At ito hamon ko ito, sa lahat ng mga ministrong nagkakasal. Kung kayo nagkakasal, ano batayan n’yo? Bakit… nagkakasal kayo, wala namang ‘tinuro mga apostol na magkasal kayo? Ayan! Ewan ko kung maiisip nila ibig kong sabihin. Ibabalik sa ‘kin ‘yan. E bakit ikaw Soriano hindi ka ba nagkakasal? Hindi!
Ngunit noong Septiyembre 22, inamin niya na nagkasal siya.

Eli Soriano: E kung mahal mo ‘ka ko, magagawa mong pakisamahang lahat. Mag-isip ka rin, manalangin ka ngayong gabi. O, tapos sabihin mo sa ‘kin bukas kung ano ang pakiramdam mo na pasya ng Diyos. O ‘yon, di okey naman. Kaya, ikinasal ko sila.


                                   Nagbibintang lang ba ang INC?



Eli Soriano: Ako, para palitawin nilang kinokontra ko’ng sarili ko, kina-cut nila. At pinagbibintangan pa ako ngayon na ako raw eh tatakbo sa eleksyon he-he-he. Bakit kaya sila takot ano?
Luz: Kinakabahan na po sila, baka … ha-ha-ha.
Josel: Kabado kayo ano? Ha-ha-ha. Kaya itong mga ito, ganito kung magparatang eh kapatid na Luz.
Enero 10, 2004, inamin niya na nag-file siya ng kaniyang kandidatura.
Eli Soriano: Ngayon, eh komo naka-file na ‘yon, ok lang. Anyway it cannot do any harm to me. Bakit? Bakit? Ako ba eh, meron bang magagawang masama sa ‘kin ‘yung pagpa-file noon? May nagawa ‘yon, naligalig ang mga kandidato. Nagtatawagan sa akin. (Sigawan) May tumawag, sabi, umatras ka na lang Bro. Eli, makakagulo ka rin, sabi n’ya. Oh meron namang tumawag na presidentiable, gusto akong makausap nang one on one. Dalawa na po ang tumawag na presidentiable na gusto akong makausap na one on one n’ung makitang nag-file ako ng certificate of candidacy.


 Dati ay naninindigan siya na mahalay sa Diyos at mali na magningas ang pita ng lalake sa kapuwa lalake.
Eli Soriano: Pagka ‘yun palang itinakda ng Diyos pinalitan mo, ang sama eh. Gaya rito, tuloy natin sa beinte siete.

                                                               Kapuwa lalake

Luz: At gayon din naman ang mga lalake na nang iwan na ang katutubong kagamitan sa mga babae, ay nangagningas sa kanilang karumihan ng pita ang isa’t-isa na gumagawa ng kahalayan ang mga lalake sa mga kapwa lalake.
Eli Soriano: Kita n’yo? Mahalay sa Diyos pala ‘yun eh, na ‘yung katutubo palitan mo. Gaya rin naman ‘ika n’ung mga lalake, pinalitan din nila ‘yung katutubo. Na nang iwan na nila ang katutubong kagamitan sa mga babae, nagningas sila ng pita sa isa’t-isa, upang ang lalake ay aaaaa gumawa ng kahalayan sa kanyang kapwa lalake, aaat tuloy.
Luz: At tumanggap sa kanilang sarili ng kagantihan ng kanilang pagkakamali.
Eli Soriano: Kita n’yo? Mali sa Diyos ‘yung papalitan mo’yung katutubo eh. Kaya ngayon nagugulat ako sa maraing tao.

Subalit sa ibang pagkakataon ay hindi raw kasalanan ‘yon bagkus ‘yon daw ay natural lamang.
Danny: ‘Yun pong makaramdam ako ng attraction halimbawa sa kapareho, kasalanan na po ba ‘yon o natural pa rin?
Eli Soriano: Ha?
Danny: Dahil halimbawa, kung ako’y bading halimbawa, ang attraction ko eh sa kapareho ko, hindi kasalanan ‘yon.
Eli Soriano: Hindi. Natural ‘yun eh. It glows naturally out of your person.
Danny: Sabayan mo ng panawagan ‘yon sa ating mga ka-barangay.
Josel: Hi-hi-hi.
Eli Soriano: Anong pana-wagan?
Danny: Hoy lahat ng mga tita, dito kayo hi-hi-hi.


                                                                   
                                       May hindi alam ang Dios


 Itinuro niya dati na ang Diyos ay mayroong hindi alam.

Eli Soriano: Sabi ko, merong hindi alam ang Diyos. Galit sila lahat sa akin, lahat ng iglesia, galit sila. Napakayabang ko raw at sabihin kong may hindi alam ang Diyos. Ba’t naman? Lahat ba ng bagay alam ng Diyos? Meron Siyang hindi alam.
Nang siya ay punahin ay binago niya at kinontra ang dati niyang turo. Ang turo daw nila ay mayroong hindi pinakikialaman ang Diyos sa buhay ng tao.

Nagtanong: Mayroon daw kayong turo na ang Diyos daw ay mayroon hindi alam?
Eli Soriano: Hindi ganoon ang aming turo, mayroong hindi pinakiaalaman ang Diyos sa tao.
Nagtanong: Ano po ‘yon?
Eli Soriano: Ang Diyos ang nagbibigay sa tao ng karapatang magpasiya para sa Kaniyang sarili. Ang sabi sa 20:9 o sa 30:19 ng Deuteronomio. E naririto ‘ika, inilalagay ko sa harap mo ang buhay at ang kamatayan, ang pagpapala at ang sumpa. Piliin mo ang buhay.

                                                                            
                                                 Hindi itiniwalag


Sa ibang pagkakataon ng pagtuturo niya ay sinasabi niya na hindi raw siya itiniwalag sa dating niyang relihiyon.
Eli Soriano: Kaya ako hindi ako masabihan n’ung mga pinanggalingan ko eh. Galing din ako sa ibang relihiyon, ha? Nu’ng ako’y hindi pa nakakakilala ng aral ng Diyos, susunud-sunod din ako. Pero nu’ng makilala kong mali ‘yung sinasamahan ko, lumayas ako ro’n. Oh ngayon, nu’ng lumayas ako, sabi nila, itiniwalag lang naman ‘ika namin ‘yon. Kelan n’yo ‘ko ‘tiniwalag? Pebrero a- 16? Enero pa wala na ‘ko sa inyo eh. Kaya n’yo lang ako’tiniwalag, eh dahil wala na ‘ko sa inyo. Hindi ako’tiniwalag, tumiwalag ako, sapagkat batas ng Diyos pagka mali,iwan mo.

Subalit sa ibang pagkakataon naman ay sinabi niya na pinagkaisahan daw silang itiwalag ng mga tagalog.

Eli Soriano: Nu’ng araw kasi ‘yung mga kapampangan, para bang hindi mahal nu’ng mga kapatid sa tagalog. Hindi ako nagtataka sa nangyari nang mamatay si kapatid na Perez, kami ay pinagkai-kaisahang itiwalag nu’ng mga tagalog.



                                            
                                         Pagbabawal sa pag-aasawa


Mayo 27, 2001, Pinuna niya ang ginawa ng Iglesia Katolika na pagbabawal sa pari na mag-asawa sapagkat wala raw sa Biblia ang aral na bawal mag-asawa. kanilang samahan na mag-asawa.

Eli Soriano: Problema ho ng Diyos ‘yon dahil hindi naman Niya binawalan ang pari na mag-asawa o ang sinuman. Kaya kung halimbawa eh me pamilya ‘ko eh mahirap o di magtiyaga, ano? Hindi puwedeng dahil do’n sa mahirap mag-uutos na tayo ng hindi naman utos ng Biblia, bawal po ng Diyos ‘yon. Sabi ng Diyos ‘yung utos Niya huwag mong daragdagan huwag mong babawasan. Wala ho sa Bibliang bawal mag-asawa. Kaya pagdaragdag ‘yon pagka-iniutos natin ‘yon, lalabag po tayo sa batas no’n.

Subalit inamin naman niya sa ibang pagkakataon na nagbawal siya sa mga binata at dalaga sa


Eli Soriano: May kaniya-kaniyang lakad. Ha? Tinatraydor ka pa! Pinipilit mo silang, sabi ko, huwag na kayong mag-asawa. Mga binata, mga dalaga, huwag na kayong mag-asawa. Tulungan n’yo na lang ako, sandali na lang naman ang ipagtitiis n’yo. ‘Yan namang pag-aasawa, masarap lang ‘yan isa, dalawa, tatlo, apat na buwan, anim.

Wednesday, 2 October 2013

Galatians 1:11-12 Katunayan na Dios si Cristo?

Ating sagutin ang talatang ginagamit ng iba para patunayan na Dios si Cristo ito ay ang nakasulat sa  Galacia 1:11-12 na may ganitong sinasabi ating sipiin…..

Sapagka't aking ipinatatalastas sa inyo, mga kapatid, tungkol sa evangelio na aking ipinangaral, na ito'y hindi ayon sa tao. Sapagka't hindi ko tinanggap ito sa tao, ni itinuro man sa akin, kundi aking tinanggap sa pamamagitan ng pahayag ni Jesucristo. “

Ang sagot dito ay simple lang po! Tandaan ang mga pananalitang: “ aking ipinatatalastas” aking ipinangaral” “hindi ayon sa tao” hindi ko tinanggap sa tao” “pahayag ni Jesucristo”

Gusto kasi nila palabasin sa kanilang panloloko sa tao na hindi tao si Cristo kasi ang sinabi sa talata "hindi sa tao tinanggap kundi sa Dios" kasi sa biglang tingin nga naman ebanghelyo ni Cristo ang natanggap ni Pablo, pero sa malalimang pagsusuri na siguradong hindi nila ginawa kaya nailigaw sila, kanino ba galing ang katotohanang ipinangangaral ni Cristo? Ang sagot alam nating lahat na ito ay mula sa Dios!

Sa Juan 17:14 ganito ang sinabi ni Cristo sa Kanyang panalangin sa Dios ating sipiin:

Ibinigay ko sa kanila ang iyong salita: at kinapootan sila ng sanglibutan, sapagka't hindi sila taga sanglibutan, gaya ko naman na hindi taga sanglibutan. “

Ibinigay daw ang “SALITA NG DIOS” kanino? Sa “ KANILA” sinong “KANILA”? ang kanilang tinutukoy ay ang mga sinugo ni Cristo para mangaral ng ebanghelyo.

Sa Juan 8:40 ganito ang pag  amin ni Cristo na ang Dios ang kinaringgan Niya  ng  mga katotohanan!

"  Datapuwa't ngayo'y pinagsisikapan ninyo akong patayin, na taong sa inyo'y nagsaysay ng katotohanan, na aking narinig sa Dios.......".

Ano ang katotohanan? Ang salita ng Dios!(Juan 17:17)

“Pakabanalin mo sila sa katotohanan: ang salita mo'y katotohanan.”

Ano ang isa sa katotohanang ito? Sa Juan 17:3 ating mababasa ang ganitong pahayag:

"   At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo."

Sinugo si Cristo kaya sa panalangin Niya ganito ang mababasa:

“  Ibinigay ko sa kanila ang iyong salita: at kinapootan sila ng sanglibutan, sapagka't hindi sila taga sanglibutan, gaya ko naman na hindi taga sanglibutan. Hindi ko idinadalangin na alisin mo sila sa sanglibutan, kundi ingatan mo sila mula sa masama.   Hindi sila taga sanglibutan, na gaya ko naman na hindi taga sanglibutan.   Pakabanalin mo sila sa katotohanan: ang salita mo'y katotohanan. Kung paanong ako'y iyong sinugo sa sanglibutan, sila'y gayon ding sinusugo ko sa sanglibutan."(Juan 17:14-18)

Alin daw yung ibinigay ni Cristo sa mga apostol? Ang salita ng Dios, ano yung salita ng Dios? iyan ang ebanghelyo ni Cristo na iniutos na ipangaral!

At sinabi niya sa kanila, Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan, at inyong ipangaral ang evangelio sa lahat ng kinapal.  Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas; datapuwa't ang hindi sumasampalataya ay parurusahan.” (Marcos 16:15-16)

Kaya po kahit na si Cristo ay tao, sinabi parin ni Pablo na sa Dios Niya tinanggap ang ebanghelyo sa “pahayag ni Jesucristo” sa sintido kumon na ang salita ng Dios ay ibinigay kay Cristo at ibinigay naman ni Cristo sa mga sinugo Niya. Kaya nga po ang tunay na mangangaral na sa Dios ay SINUGO!

“At paano silang magsisipangaral, kung hindi sila nga sinugo? gaya nga ng nasusulat, Anong pagkaganda ng mga paa niyaong mga nagdadala ng masasayang balita ng mga bagay na mabuti!”


Kaya wala po sa tagasanlibutan ang pagkaunawa sa mga salitang mababasa sa biblia dahil hindi sila mga sinugo. Ngayon alam na ninyo kung bakit alam namin  ang kahulugan ng Galacia 1:11-12? May Sugo kami sa Iglesia ni Cristo!