Sunday, 28 April 2013

SINASAMPALATAYANAN NG IGLESIA NI CRISTO


 

Biblia ang Saligan

Ang banal na kasulatan ang tanging saligan ng pananampalataya at Gawain ng
Iglesia ni Cristo.
Ang ilang pangunahing aral ng Biblia na itinataguyod ng Iglesia ay ang mga sumusunod:
Ang  Ama ang iisang tunay na Dios

Sumasampalataya ang Iglesia ni Cristo sa aral ni Cristo at ng Kaniyang mga apostol na ang Ama na lumalang ng lahat ng bagay ang kaisa-isang tunay na Dios. (Juan 17:1,3 ; I Cor.8:6 SNB)

Si Jesucristo ang Anak ng Dios

Sumasampalataya ang Iglesia ni Cristo na si Jesucristo ay ang Anak ng Dios. Siya ay ginawa ng Dios na maging Panginoon at Tagapagligtas. Siya ang iisang Tagapamagitan ng tao sa Dios. Si Cristo ay banat at katangi-tanging tao ngunit Siya’y hindi Dios. (Mat.3:17; Gawa 2:36; 5:31; I Tim.2:5; Juan 10:36; 8:40; Gawa 2:22 ERV)

Iglesia ni Cristo kaparaanan ng Dios sa pagliligtas


 Lubos  na sumasampalataya ang mga kaanib na ang Iglesiang ito na si Cristo din ang nagtatag ang siyang kaparaanan ng Dios sa ikaliligtas ng tao. Ang iglesiang ito ng pinaghandugan ni Cristo ng Kanyang buhay at siyang ililigtas Niya sa Araw ng Paghuhukom. (Mat.16:18; Gawa 20:28Lamsa; Efeso 5:23,25)

Araw ng Paghuhukom

Sumasampalataya ang Iglesia ni Cristo na ang Dios ay nagtakda ng isang araw ng paghuhukom na Kaniyang isasagawa sa buong sanlibutan sa pamamagitan ni Cristo. Ito ay magaganap sa ikalawang pagparito ni Cristo, na siyang kawakasan ng mundo. (Gawa 17:31; Jud.1:14-15; IIPed.3:7,10)

Bautismo
Sinusunod ng Iglesia ni Cristo ang paraang itinuturo ng biblia sa pagbabautismo, na ito’y paglulubog sa tubig. Ang pagtanggap ng tunay na bautismo ay kailangan sa ikapagiging alagad ni Cristo, sa ikapagpapatawad ng kasalanan, at ikapagtatamo ng kaligtasan. (Gawa 8:38; Juan 3:23; Roma 6:3-5; Mat.28:19; Gawa 2:38; Mar. 16:15-16)

 Muling Pagkabuhay
Sumasampalataya ang Iglesia ni Cristo na ng muling pagkabuhay ni Cristo ang pangunahing katunayan na muling bubuhayin ang mga patay. Ang mga kay Cristo ay unang bubuhaying muli upang isama Niya sa Bayang Banal. Makalipas ang isang libong taon, bubuhayin naman ang hindi kay Cristo upang ibulid sa dagat-dagatang apoy. (ICor.15:12-13; I Tess.4:16-17; Apoc.20:5-10; 21:1-4)

 Pagkakaisa
Ang Iglesia ni Cristo ay nanahan sa lubos na pagkakaisa sa pananampalataya at Gawain. Napananatiling matatag ang kaisahan ng Iglesia dahil sa sentralisadong paraan ng pangangasiwa rito. Tinitiyak ng Pamamahala ng Iglesia na buong pagkakaisang naipatutupad sa bawat local nito sa buong mundo ang iisang kalipunan ng mga aral at tuntunin.

 Kabanalan at Moralidad

 Pinananatili ng Iglesia ni Cristo ang isang mataas na pamtayan ng moralidad. Ang kinikilala nitong batayan sa kagandahang-asal at wastong paraan ng pamumuhay ay ang mga aral ng Dios na nasa biblia. Hinuhubog sa kabanalan ang mga kaanib sa pamamagitan ng buong tiygang pagtuturo, pagpapaalala, at kung kinakailangan, pagtutuwid, o pagdidisiplina sa kanila.

Kapayapaan at Katahimikan

 Tumutulong ang Iglesia ni Cristo sa pangangalaga at pagpapanatili ng kapayapaan at katahimikan(peace and order) sa lipunan sa pamamagitan ng pagtuturo sa mga kaanib sa igalang at sundin ang mga batas at patakaran ukol dito. Binabawalan silang sumali sa mga union o anumang kilusang gumagamit ng mga pamamaraang marahas o labag sa batas upang isulong ang kanilang simulain.

Disiplina at Pagsunod sa Batas

Pinahahalagahan ng Iglesia ni Cristo ang disiplina at pagsunod sa batas. Tinutupad nito ang mga tagubilin ng mga apostol na pasakop sa mga pinuno at may kapangyarihan  alalaon baga’y ang lehitimong pamahalaan at sumunod sa mga batas at palatuntunang ipinatutupad (Tito 3:1; I Pedro 2:13).  Subalit sa ibabaw ng alinmang batas , ang sinusunod ng mga kaanib ay ang batas ng Dios para sa Cristiano sa ating panahon ayon sa itinuturo ng Biblia.
Kapatiran at Pagkakapantay-pantay

 Itinataguyod ng Iglesia ni Cristo ang pag-iibigang magkakapatid bilang tunay na Cristiano. Lahat ng kaanib ay pantay-pantay sa paningin ng Dios (Gal.3:26, 28) kaya dito’y hindi nagatangi ng tao batay sa kasari-an, lahi, kalagayan sa lipunan, naabot na pinag-aralan o kabuhayan.

 Kabanalan ng Pag-aasawa

 Sa Iglesia ni Cristo ang kasal ay itinuturing na sagrado at hindi dapat yurakan. Ang Dios ang nagtatag ng pagkakasal at hindi siya pumapayag na maghiwalay ang lalake at babae na pinagsama Niya bilang mag-asawa (Mat.19:4-6). Kaya, ang Iglesia ni Cristo ay hindi sumasang-ayon sa diborsyo, annulment, o legal separation bilang lunas sa problema ng mag-asawa, kung paanong tutol  ito sa live-in o ang pagsasama ng di kasal at same-sex marriage.

Katatagan ng Pamilya

 Kinikilala ng Iglesia ni Cristo na ang pamilya ang pinakamaliit nay unit ng organisasyon nito at ng lipunan. Ang katatagan ng bawat sambahayan ay mahalaga sa katatagan ng buong Iglesia. Nagsisimula sa tahanan ang pagtuturo ng tunay na relihiyon kaya ang wastong pagmamahal at pagpapalaki sa anak ay itinuturo at ipina-a-ala-ala sa lahat ng akmang pagkakataon.

 Paghihiwalay ng Relihiyon at Pamahalaan

 Itinataguyod ng Iglesia ni Cristo ang simulating demokratio ukol sa paghihiwalay ng relihiyon at pamahalaan (Separation of Church and State).  Isinusulong ng Iglesia ni Cristo sa pamamagitan ng payapa at legal na mga pamamaraan ang karapatan at kalayaan ng mga kaanib at mga local nito na magsagawa ng pagsamba at iba pang gawaing panrelihiyon na isinasaad at pinoprotektahan ng saligang – batas ng bansa.

Faith Alone Saves?


 

John 3:16 and Ephesian 2:8-9 is cited by proponent of faith alone saves, or believers of OSAS.
Let us cite the said verses: “ 
For God so loved the world that he gave  his one and only Son, that whoever believes  in him shall not perish but have eternal life ,For it is by grace you have been saved, through faith--and this not from yourselves, it is the gift of God--  not by works, so that no one can boast.
 After citing the said verse, they will ask you this question, where does church membership come in here?  Well , it sounds logical isn't it?, if the verses quoted were the only verses in the bible, then perhaps faith alone would be sufficient for salvation.  But that is not the case.  For instance, the following are also biblical verses, they are teachings of no less than the savior Himself also about attaining eternal life or salvation and becoming His true servant.
“ If anyone serves Me, let him follow me……” (John 12:26 NKJV)

“ ……The time is coming when all the dead in their graves shall hear the voice of God’s Son, and shall rise again----those who have done good, to eternal life…..”(John 5:28-29 LB)

Following Christ and doing good, which the bible teaches as essential to attain salvation, obviously entail actions or works.  So why did apostle Paul say in Ephesians 2:8-9, “you have been saved,
 through faith--and this not from yourselves, it is the gift of God--  not by works, so that no one can boast.”?  Which works is he referring to?  In chapter 3 of his letter to Titus, Apostle Paul discusses the same topic and clarifies:  “ He saved us. It was not because of any good deeds that we ourselves had done, but because of His own mercy that He saved us, through the Holy Spirit, who give us new birth and new life by washing us” (Titus 3:5TEV).

“Once we, too, were foolish and disobedient; we were mislead by others and became slaves to many evil pleasures and wicked desires.  Our lives were full of resentment and envy. We hated others and they hated us” (Titus 3:3 LB)

By “works which cannot save”, the apostle clearly refers to the good deeds that we ourselves had done”---something which really will not matter to salvation because no matter how we try to do god, by ourselves, we are just often mislead by others and became slaves to many evil pleasures and wicked desires”

Disproving further the interpretation that faith alone matters in salvation, Apostle James emphatically expressed: “ What does it profit, my brethren, if someone says he has faith but does not have works? Can faith save him?....Thus, also faith by itself, if it does not have works, is dead….But do you want to know, O foolish man, that faith without works is dead?.....You see then that a man is justified by works, and not by faith only” (James 2:14, 17,20, 24 NKJV)

“ So it is with faith: If faith alone and includes no actions, then it is dead….You fool! Do you want to be shown that faith without actions is useless?.....You see then, that it  is  by his actions that a person is put right with God, and not by his faith alone” (James 2:17, 20, 24 TEV)

So what about membership in the Church of Christ? Where does it come in? Actually the verses quoted in Ephesian 2:8-9 and John 3:16, lay basis to the importance of being members of the true church, Christ distinguishes those who truly “believe in God’s only begotten Son”  and thus “have been saved through faith”: “ But you don’t believe Me because you are not part of my flock. My sheep recognize my voice, and I know them, and they follow me” (John 10:26-27 LB)

The “flock” referred to where Christ’s sheep or true believers are members of is none other than the true Church of Christ: “ Take heed therefore to yourselves and to all the flock over which the Holy spirit has appointed you overseers to feed the church of Christ which He has purchased with His blood” (Acts 20:28 Lamsa)

Biblically speaking, therefore, one cannot be a true believer of Christ and thus could not have received God’s gift of salvation without being a member of the Church of Christ.


Mga Saksi ni Jehovah, naniniwala sa Dyablo kesa mga apostol at Cristo?


Bakit po masasabi nating mas sinusunod ng mga Saksi ni Jehovah ang Dyablo kesa sa Dios na may lalang ng lahat? At SILA ay nagiging KASANGKAPAN ng Dyablo sa pandaraya nito sa mga tao?


Sa mga Saksi ni Jehova ay ipinagbabawal ang Pagsusundalo, maging ang Pagpupulis, para sa kanila ang tungkuling ito ay hindi katanggap-tanggap sa paningin ng Diyos sapagkat ang mga taong ito ay may karapatang kumitil ng buhay ng tao bilang bahagi ng kanilang tungkulin, bagamat hindi mababasa sa Biblia ng tuwiran na BAWAL ANG MAGSUNDALO ay may talata silang ginagamit na batayan, ito ay ang nasa aklat ng Exodo, atin pong basahin:




Exodo 20:13  “Huwag kang papatay.”

Ito raw ay napakatibay na ebidensiya na bawal ang PAGSUSUNDALO dahil sa mahigpit daw na ipinagbabawal ng Diyos ang pagpatay ng kapuwa tao. Totoo kaya ang pagkaunawa nilang ito na ang pagbabawal na ito ay kumakapit sa lahat ng uri ng tao?

Pero nais po naming ipapansin sa inyo ang isang pangyayari na nakatala sa kasaysayan ng Biblia:

1 Samuel 15:2-3  “Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Aking tinandaan yaong ginawa ng Amalec sa Israel, kung paanong siya'y humadlang sa kaniya sa daan, nang siya'y umahon mula sa Egipto. Ngayo'y yumaon ka at saktan mo ang Amalec, at iyong lubos na lipulin ang buo nilang tinatangkilik, at huwag kang manghinayang sa kanila; kundi PATAYIN MO ANG LALAKE AT BABAE, SANGGOL AT SUMUSUSO, BAKA AT TUPA, KAMELYO AT ASNO.” At pinisan ni Saul ang bayan at binilang sila sa Telaim, dalawang yutang lalake na naglalakad, at sangpung libong lalake sa Juda.

Kitang-kita sa talata na inuutusan ng Diyos si Haring Saul, ang Hari noon ng Israel na lipulin at pataying lahat, lalake, babae, sanggol, maging mga hayop.  Narito ang tanong?  HINDI BA BAWAL ANG PUMATAY SA PANAHONG IYAN? WALA PA BANG BATAS NA NAGBABAWAL SA PAGPATAY NG TAO SA PANAHONG IYAN?  Sa panahong iyan ay malaon nang patay si Moises, at ang pagbabawal sa pagpatay bilang bahagi ng sampung utos ay matagal ng panahon naibigay sa bayang Israel.  Hindi ba lalabas niyan na kinokontra ng Diyos ang kaniyang sarili sa paguutos niyang ito?

Bakit ba pinagpasiyahan ng Diyos na lipulin ang bayan ng Amalec?

1 Samuel 15:2  "When the Israelites were on their way out of Egypt, the nation of Amalek attacked them. I am the LORD All-Powerful, and now I am going to make Amalek pay! [Contemporary English Version]

Sa Filipino:

1 Samuel 15:2  “Nang ang mga Isrealita ay paalis ng Ehipto, SILA’Y NILUSOB NG BAYAN NG AMALEC. Ako ang Panginoon na Pinakamakapangyarihan, at ngayon aking pagbabayarin ang Amalec.”

Hindi ikinalugod ng Diyos ang ginawang pagluso o pagatake ng Amalec sa Israel ng sila ay papaalis sa Ehipto, nais lamang ng Diyos na makaganti ang bayan Israel sa ginawa nilang ito.  Kaya maliwanag kung gayon na:

 ANG PAGBABAWAL NG DIYOS SA PAGPATAY AY ISANG BATAS NA MAY KUNDISYON…NA WALANG KARAPATANG MAGPASIYA ANG SINOMANG TAO NA PUMATAY SA KANIYANG SARILI MALIBAN NANG MAY MAGBIGAY SA KANIYA NG KARAPATAN NA GAWIN IYON,  at sa pagkakataong ito ay ang Panginoong Diyos.

Maliwanag kung gayon na may mga tao na binigyan ng Diyos ng karapatan lumipol sa mga taong itinuturing ng Diyos na kaniyang mga kaaway.

Katulad ni Samson na binigyan ng Diyos ng karapatang ito:

Judge 15:15  “Then he found a jawbone of a donkey that had recently died. He reached down and picked it up, AND KILLED A THOUSAND MEN WITH IT.” [Good News Bible]

Sa Filipino:

Hukom 15:15 “At siya’y nakakita ng panga ng isang asno na kamamatay lamang.  Kaniyang iniunat ang kaniyang kamay at kinuha ito, at PINATAY ANG ISANG LIBONG TAO SA PAMAMAGITAN NOON.”

Ganoon din ang karapatang ibinigay niya kay Haring David:

1 Samuel 17:46  “Sa araw na ito ay ibibigay ka ng Panginoon sa aking kamay; AT SASAKTAN KITA, AT PUPUGUTIN KO ANG ULO MO; at ibibigay ko ang mga bangkay sa hukbo ng mga Filisteo sa mga ibon sa himpapawid sa araw na ito, at sa mababangis na hayop sa lupa; upang maalaman ng buong lupa na may Dios sa Israel:”

Nang patayin ni David si Goliath ay may patnubay siya ng Diyos, at hindi lamang si Goliath ang napatay ni David sa buong panahon ng kaniyang buhay, subalit magkagayon man dahil sa dami ng kaniyang napatay itinuring ba siyang makasalanan?

Awit 86:2  “Ingatan mo ang aking kaluluwa; sapagka't AKO'Y BANAL: Oh ikaw na Dios ko, iligtas mo ang iyong lingkod na tumitiwala sa iyo.”

Sa kabila ng lahat na si David ay maraming napatay na tao sa buong kasaysayan ng kaniyang buhay, ang turing pa rin sa kaniya ay BANAL, samakatuwid hindi ibinilang na kasalanan niya ang kaniyang mga ginawang pagkitil ng buhay, dahil sa ito’y karapatan at kapangyarihang ibinigay sa kaniya ng Diyos bilang Hari ng Israel.

Napakaraming halimbawa na mababasa sa Biblia na mga mandirigma ngunit mga lingkod ng Diyos bukod kay Haring David at Samson, nandiyan din sina Josue, Gedeon, at marami pang iba.

Ano ang tawag noon sa Diyos ng bayang Israel?

1 Samuel 17:45  “Nang magkagayo'y sinabi ni David sa Filisteo, Ikaw ay naparirito sa akin na may tabak, at may malaking sibat at may kalasag; nguni't ako'y naparirito laban sa IYO SA PANGALAN NG PANGINOON NG MGA HUKBO, ng DIOS NG MGA KAWAL NG ISRAEL na iyong hinahamon.”

Ang Diyos noong panahong iyon ay tinatawag na “DIYOS NG MGA HUKBO” at “DIYOS NG MGA KAWAL”, kaya dito pa lamang ay maliwanag na nating nakikita ang matibay na ebidensiya na ang pagiging KAWAL o SUNDALO, ng isang tao ay hindi bawal sa Biblia.  Dahil bakit papayag ang Diyos na itawag ng tao sa kaniya ito kung bawal naman pala sa kaniya ang pagiging KAWAL ng isang tao.

At sa isa pang pagkakataon ang Diyos ay ipinakilala na“PANGINOON NG MGA HUKBO”:

Isaias 44:6  “Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Hari ng Israel, at ng kaniyang Manunubos, na PANGINOON NG MGA HUKBO, Ako ang una, at ako ang huli; at liban sa akin ay walang Dios.”

Kaya nga dito pa lang ay alam na alam na natin ang napakatibay na ebidensiya na HINDI BAWAL ANG PAGSUSUNDALO, hindi po ito kailan man ipinagbawal ng Diyos sa Biblia.  Ang kanilang tungkulin bagamat totoo na sila ay kumikitil ng buhay at pumapatay ng tao para magpanatili ng kapayapaan at ipagtanggol ang bayan, ay tungkuling ibinigay ng Diyos sa kanila. Kaya EXEMPTED po sila sa batas ng Diyos na HUWAG KANG PAPATAY. 

Tayo na mga ordinaryong tao na wala sa ganoong tungkulin ang walang karapatang pumatay ng sinoman, dahil tayo ay nasa ilalim ng  batas ng Diyos na siyang nagbabawal sa pagpatay ng kapuwa tao.


Pagsusundalo bawal ba sa Bagong Tipan?

Maaaring may mangatuwiran na iyon daw mga halimbawa na ating ipinakita ay puro saLumang Tipan, pero sa panahong Cristiano na panahon ng Bagong Tipan, na siyang sumasakop sa panahon natin ay bawal na ang pagsusundalo.
Inyong tanungin ang inyong mga kaibigang Saksi ni Jehova, kung may maipapakita silang kahit na isang talata na mababasa ng maliwanag na ipinagbabawal ng Diyos ang PAGSUSUNDALO. Natitiyak namin na wala silang maipapakitang talata sa inyo kahit saBagong Tipan.

Dahil, hindi po bawal ang pagsusundalo sa buong Biblia…

Kumuha na tayo ng halimbawa sa Biblia:

Luke 3:14  “Some SOLDIERS also asked him, "What about us? What are we to do?" He said to them, "DON'T TAKE MONEY FROM ANYONE BY FORCE OR ACCUSE ANYONE FALSELY. BE CONTENT WITH YOUR PAY." [Good News Bible]

Sa Filipino:

Lucas 3:14 “May mga SUNDALO na nagtanong sa kaniya, “Kami? Ano ang aming gagawin? ” Sinabi niya sa kaniya, “HUWAG KAYONG KUKUHA NG SALAPI MULA SA KANINO MAN NG SAPILITAN AT MAGPARATANG SA KANINO MAN NG KASINUNGALINGAN.  MAKUNTENTO KAYO SA IBINABAYAD SA INYO.”

Dito sa pagkakataong ito, tinatanong ng mga SUNDALO si Juan Bautista kung ano ang kanilang gagawin upang maging dapat sa Diyos.  Kung talagang ipinagbabawal ng Diyos ang pagsusundalo, hindi ba ito ay isang napakagandang pagkakataon na sabihin ni Juan sa kanila na bawal ito?

Kasi kung talagang bawal ang pagsusundalo Puwedeng ganito ang mangyari:

MGA SUNDALO:  “Kami? Ano ang aming gagawin?”

JUAN BAUTISTA:  “Una, ninyong gawin ay iwan ang inyong pagiging sundalo dahil bawal ng Diyos ang PAGSUSUNDALO, dahil pumapatay kayo ng tao.”

Pero hindi ba sa pagsasabi ni Juan na: “MAKUNTENTO KAYO SA IBINABAYAD SA INYO.”Hindi ba maliwanag na hindi ipinagbabawal ang pagsusundalo, hindi ba lumalabas niyan na pinapayuhan pa ni Juan Bautista ang mga sundalo na makuntento sa kanilang suweldo at huwag mang-aabuso ng kapuwa?  Ito ay isa sa matibay na ebidensiya na maging sa Bagong Tipan ay hindi po bawal ang pagsusundalo, basta huwag mang-aabuso ng kapuwa, huwag magpaparatang ng hindi totoo, at makuntento sa suweldong tinatanggap.


Kumuha pa tayo ng isa pang halimbawa:

Mga Gawa 10:1-5  “At may isang lalake nga sa Cesarea, na nagngangalang CORNELIO, SENTURION NG PULUTONG NA TINATAWAG NA PULUTONG ITALIANO.  Isang taong masipag sa kabanalan at matatakutin sa Dios siya at ang buong sangbahayan at naglimos ng marami sa mga tao, at laging nananalangin sa Dios.  Nakita niyang maliwanag, sa isang pangitain, nang may oras na ikasiyam ng araw, na pumapasok na patungo sa kaniya ang isang anghel ng Dios, at nagsasabi sa kaniya, Cornelio.  At siya, sa pagtitig niya sa kaniya, at sa pagkatakot niya, ay nagsabi, Ano ito, Panginoon? At sinabi niya sa kaniya, ANG MGA PANALANGIN MO AT ANG IYONG MGA PAGLILIMOS AY NANGAPAILANGLANG NA ISANG ALAALA SA HARAPAN NG DIOS. At ngayo'y magsugo ka ng mga tao sa Joppe, at ipagsama mo yaong Simon, na may pamagat na Pedro;”

Isang tao sa Cesarea na ang pangalan ay Cornelio, isang SENTURION, o opisyal ng hukbong Romano, na siya ring pulutong italiano, sa madaling salita isang mataas na  “ROMAN OFFICER”.  Mabuting tao si Cornelio, mapanalanginin, at palaging tumutulong sa mahihirap, sa isang pangitain ay napakita sa kaniya ang isang anghel at sinabihan siyang ang kaniyang mga panalangin at ang kaniyang mga paglilimos ay napaiilanlang bilang isang alala sa harapan ng Diyos, at ipinagutos niyang ipasundo si Pedro.

Ano ang nangyari nang dumating si Pedro?

Gawa 10:34  “At binuka ni Pedro ang kaniyang bibig, at sinabi, TUNAY NGANG NATATALASTAS KO NA HINDI NAGTATANGI ANG DIOS NG MGA TAO:”

Ikinagalak ni Apostol Pedro ang pagsampalataya ni Cornelio na bagamat siya’y isang Gentil, nasabi niyang hindi nagtatangi ang Diyos ng mga tao.  Isa na namang katunayan na hindi bawal ang pagsusundalo, dahil kung ito ay mahigpit na ipinagbabawal, pauunlakan ba ni Apostol Pablo ang paanyaya ng isang kawal?  At hindi ba niya sasabihin kay Cornelio na ang PAGSUSUNDALO ay bawal ng Diyos?  Hindi ba’t ito ay isa na namang napakagandang pagkakataon? Kahit basahin niyo pa ang buong kapitulo 10, ng aklat ng mga Gawa, wala kayong mababasa na sinabi ni Pedro na bawal ang  MAGSUNDALO, bilang katibayan na hindi ito bawal, ano ang sumunod na pangyayari?

Gawa 10:46-47  “Sapagka't nangarinig nilang nangagsasalita ang mga ito ng mga wika, at nangagpupuri sa Dios. Nang magkagayo'y sumagot si Pedro, Mangyayari bagang hadlangan ng sinoman ang tubig, upang huwag mangabautismuhan itong mga nagsitanggap ng Espiritu Santo na gaya naman natin? AT INUTUSAN NIYA SILA NA MAGSIPAGBAUTISMO SA PANGALAN NI JESUCRISTO. Nang magkagayo'y kanilang ipinamanhik sa kaniya na matirang mga ilang araw.”

Si Cornelio at ang buo niyang sambahayan ay binautismuhang lahat na ang lahat ng mga nabautismuhan ay binautismuhan sa isang katawan.

Nakita po natin na walang pagbabawal o nagresign man si Cornelio sa kanyang pagiging SENTURYON dahil magiging Kristyano na siya. Ang pagpupulis o pagsusundalo ay isa lamang sa mga  palatuntunan ng Pamahalaan para sa seguridad ng mamamayan, at ang Dios ang may pahintulot ng mga Pamahalaang ito.


Si Pablo na Apostol ni Cristo ay nagsabi sa mga Cristiano, “Ang bawat kaluluwa ay pasakop sa matataas na kapangyarihan: sapagkat walang kapangyarihan na hindi mula sa Dios; at ang kapangyarihang yao’y hinirang ng Dios”(Roma 13:1)
Ang “mataas na kapangyarihan” na binabanggit ni Apostol Pablo ay ang mga pinuno ng mga pamahalaan dito sa lupa at ito ay pinatunayan ng kaniyang kapuwa Apostol na si Pedro.
Dito:


“ Kayo'y pasakop sa bawa't palatuntunan ng tao alangalang sa Panginoon: maging sa hari, na kataastaasan; O sa mga gobernador, na sinugo niya sa panghihiganti sa nagsisigawa ng masama at sa kapurihan ng nagsisigawa ng mabuti.”(1Pedro 2:13-14)


Ito po ang lumilitaw na hindi lubusang nagpapasakop sa Dios ang mga tinatawag na "Saksi ni Jehovah" kasi kahit si Cristo sinabi din na magpasakop sa pamahalaan kasi alam Niya na inilagay ng Dios yan.

alam po ba ninyo kung bakit di nila sinusunod yan? Alam po ba ninyo kung sino ang sinusunod at pinaniniwalaan nila?

Ang mga JW ay nagtataguyod ng aral na ang lahat ng mga pamahalaan ditto sa lupa ay sa Dyablo?
Ang mga “saksi ni Jehova” ganito ang sinasabi ng kanilang mga aklat, basahin po natin….


"Ang bayang Israel ay tumigil sa pagiging bayan ng Dios at sila’y itinakwil. Mula noon si satanas ang naging dios o di nakikitang pinuno ng buong sanlibutan at ng lahat ng mga tao at lahat ng mga bansa roon.”[Government (Brooklyn, N.Y.,U.S.A.,; Watch Tower Tract and Bible Society,1928,p.44]

“ Dahil dito’y makatuwirang isipin na ang lahat ng pamahalaan sa sanlibutan ay sa Dyablo. Papaano niya maiaalok kay Cristo kung yaon ay di sa kaniya? Siya ang di nakikitang tagapamahala ng mga pamahalaang yaon.”[Hayaang Maging Tapat Ang Dios (Brooklyn, N.Y., U.S.A.: Watch Tower Bible and Tract Society, Inc., 1950) p.46]


Tunay na itinuturo ng mga “saksi ni Jehova” na ang lahat ng mga pamahalaan dito sa lupa ay sa Dyablo. Kontra sila sa pagtuturo ng mga Apostol at ni Cristo, na ang Pamahalaan ay mula sa Dios, pinahintulutan Niya ito. Naniniwala po SILA at sinasampalatayanan po nila yan na sa Dyablo ang pamahalaan, kontra sila sa turo ni Cristo at ng mga Apostol. Hayag na hayag po, atin lamang po pinaghambing ang turo ng mga Saksi ni Jehovah at ng mga apostol, kayo na po ang humatol.




Because Christ went into the synagogue on Sabbath day, means he observed the Sabbath day?


The answer is a big  NO!

The Sabbath observer like the Seventh Day Adventist is citing verses Luke 6:6  4:16;  Mark 6:1-2;  Acts 13:13-14,42-44;  17:2;  18:4 to prove that even the Apostles and Christ Himself observed the Sabbath because they went to the synagogue. Is this really the case? Let us find out...
With regard to the verses Luke 6:6  4:16;  Mark 6:1-2;  Acts 13:13-14,42-44;  17:2;  18:4 in which it is taught that Christ and the Apostles “went into the synagogue on the Sabbath day”
Furthermore, Christ pronounced in Mark 2:27-28, “the Sabbath was mad for man, and not man for the Sabbath. Therefore the Son of Man is also Lord of the Sabbath”
The question is, whose Sabbath is that? Did the apostles and Christ observed that Sabbath? Had Christ made His own Sabbath? To answer this questions we need to study on what is these verses is telling us.

The Sabbath being referred to in the verses quoted above is none other than that which God commanded to ancient Israelites as a sign of His covenant with them.(Exod. 31:16; Deuter. 5:1-3,  12-14;  Mal.4:4)
They were to observe the Sabbath to commemorate their deliverance from bondage in Egypt, hence it was exclusive to the Israelites as it was they who became slaves in Egypt.(Deuter.5:15 TEV)
Observance of the Sabbath includes strict prohibition on doing one’s work on the ‘seventh day’ that even kindling of fire(Exod.35:3) and cooking(Exod.16:23) were forbidden, let alone plowing and harvesting(Exod.34:21)

The biblical verses listed above do not teach that Christ and the Apostles observed this Sabbath, or any Sabbath for that matter.  Though these do state that Christ and the Apostles went into the synagogue on Sabbaths, the verses  themselves clarify their purpose in going there ----- “to teach” (Mark 6:2; Luke 6:6) “ to speak”  ( Acts 13:14-16; 16:13)  “to preach”  (Acts 13:42) and  “to reason with people” (Acts 17:2;  18:4). During the Sabbath, the Jews in Christ’s time would gather in the synagogue, hence Christ and the Apostles made use of such opportune times to preach the gospel to many people.

The biblical accounts of Christ healing the sick on the Sabbath (Mat.12:11-13; Luke 13:10-17) and His disciples working on that day (Luke 6:1-5) all the more show that the observance of the Sabbath was not their practice.  In fact, Christ  was even accused by Sabbath observers  of being “not from God” for not obeying the Sabbath law (John 9:16).

The incident in which Christ declared  “ The Sabbath was made for man, and not man for  the Sabbath…..the Son of Man is also Lord of the Sabbath”  even more underscores His consistency in not keeping the Sabbath law.  Jesus then was defending His disciples who plucked the heads of grain in the fields on the Sabbath:  “ now it happened that He went through the grainfields on the Sabbath; and as they went His disciples began to pluck the heads of grain. And the Pharisees said to Him, look, why do they do what is not lawful on the Sabbath? But He said to them,  have you never read what David did when he was in need and hungry, he and those with him;  how he went into the house of God in the days of Abiatar the high priest,  and ate the showbread, which is not lawful to eat except for the priest, and also gave some to those who were with him? And He said to them, the Sabbath was made for man, and not man for the Sabbath. Therefore the Son of Man is also Lord of the Sabbath”  (Mark 2:23-28 NKJV)

Christ’s being “the Lord of the Sabbath” only means that He is above it and is not bound by it, as He Himself demonstrated in His actions.  But, by not observing the Sabbath, did Christ and His apostles violate any of God’s laws?  No, for it was God Himself who had put an end to the observance of the Sabbath (Lam.2:6;  Hosea 2:11 TEV)

Proving that such a has no longer been in effect in the Christian Era, the apostle Paul teaches us this concerning the Sabbath:  “ Let no one criticize you in matters of food or drink or for not observing festivals, new moons or the Sabbath…… These doctrines may seem to be profound because they speak of religious observance and humility and of disregarding the body. In fact, they are useless in overcoming selfishness” ( Col.2:16, 23, Christian community Bible)

Saturday, 27 April 2013

YOUR SALVATION IS IN JEOPARDY IF YOUR GOD IS NOT NAMED JEHOVAH?


Have you been taught to use GOD'S NAME, JEHOVAH? IF NOT, YOUR SALVATION IS IN JEOPARDY, for "EVERYONE WHO CALLS ON THE NAME OF JEHOVAH WILL BE SAVED"! -- Acts 2:21; compare Joel 2:32.” [THE WATCHTOWER, August 15, 1997, p. 6]

Sa Filipino:

“Ikaw ba ay naturuan na gamitin ang PANGALAN ng DIYOS na JEHOVA? KUNG HINDI, ANG IYONG KALIGTASAN AY NASA DELIKADONG KALAGAYAN, dahil sa “ANG SINOMANG TUMATAWAG SA PANGALAN NI JEHOVA AY MALILIGTAS”! Gawa 2:21; ihambing ang Joel 2:32.”



“ Whoever shall worship Jehovah, call on the name of Jehovah, and be called by the name Jehovah, as in Jehovah’s Withness, will be saved. Is this true? Is this for real? To find out the truthfulness of this claim, let us study……

The Jehovah’s Withness as a religious group, is indeed known for strictly using the name “Jehovah” in addressing God.  Some of its zealous members, in trying to promote their faith, even go as far as claiming that one will not be saved unless he calls God by that name.  Such serious assertion indeed calls for profound critical investigation as regards the use of “Jehovah” in reference to God.

What do bible scholars and historians of religion say about the use of the name “Jehovah”? As to age, the Rotherham Emphasized Bible  reports, “ The pronounciation  “Jehovah” was unknown until 1520, when it was introduced by  Galatinus; but was contested by Le Mercier, J. Drusius, and L. Capellus, as against grammatical and historical propriety……..(pp.24-25, emphasis ours). As to form, the same reference describes the name as erroneously  written and pronounced…. Which is merely a combination of the sacred tetragrammaton and the vowels in the Hebrews word for Lord” (Ibid., pp.24-25).  The Harper’s Bible Dictionary corroborates by stating,  “ The hybrid word “Jehovah” is a combination of the vowels of “ Adonai” with consonants of the Tetragrammaton; its appearance in the KJV was the result of the translators IGNORANCE of the Hebrew language and customs” (p.1036,emphasis ours).  Hence, as the The New Schaff- Herzog Encyclopedia of Religious Knowledge  aptly concludes, “ JEHOVAH” is an erroneous form of the divine name of the covenant God of Israel which appears first about 1520 AD” (Vol.VI,p.16)

Explanation on the occurrence of this erroneous form of God’s name in the bible is stated in The International Dictionary of  New Testament Theology :
“ The form  JEHOVAH arose out of a misunderstanding which in turn arose out of the reluctance of pious Jews to pronounce the divine name(c.300 b.c.).  Instead they uttered the word adonai
my Lord. In the MT (Masoretic Text) the divine name was written with the consonants of YHWH and the vowels of Adonai, as a reminder to say the latter whenever the word was read.  The divine name appears as y’howah in the MT.  The LXX (Septuagint) reflects the Jewish reluctance to pronounce the divine name and put the word kyrios  -----Lord, in its place. The RSV and other English versions also reflect the practice by giving the word Lord in capital letters whenever the name YHWH stands in the text.  The Lat. Likewise gives the word Dominus, Lord, for YHWH. The form Jehovah is thus a malformation giving what is virtually a transliteration of a word which is found in the text of the Heb. OT, but which was never actually used as a word” (Vo.II, pp.69-70)

Finaly, the late Distinguished Service Professor of Talmud and Rector of the Rabbinical Schol in Jewish Theological Seminary of America,  Saul Lieberman, Ph.D., identified openly how the rendition “Jehovah” came to be.

Writing for Microsoft Encarta, he expounded: “ Jehovah, name of the God of the Hebrew people as erroneously transliterated from the Masoretic Hebrew text.  The word consist of the consonants JHVH or JHWH, with the vowels of a separate word, Adonai (Lord).  What its original vowels were is a matter of speculation, for because of an interpretation of such text as Exodus 20:7 and Leviticus 24:11, the name came to be regarded as too sacred for expression; the scribes, in reading aloud, substituted “ Lord” and therefore wrote the vowel markings for “Lord” into the consonantal  framework  JHVH as a reminder to future readers aloud.  The translators of the Hebrews, not realizing what the scribes had done, read the word as it was written down,  taking the scribal vowel marking as intrinsic to the name of their God rather than as a mere reminder not to speak it.  From this came the rendition Jehovah…..” ( “ Jehovah” Microsoft Encarta” 2006

These, among others, clearly prove that the supposed name of God which “Jehovah’s Witness” alleged as His true name, is an erroneous form of the divine name of the Creator. To insist on using this term in reference to God, to say the least, is to propagate an error.


Day of worship Saturday or Sunday? Christians to observe the Sabbath?

Deuteronomy 5:12 - 15 is cited by Seventh Day Adventist to prove that it is righteous to worship God on the day of Saturday in which according to them is the day of Sabbath. According to most of their member that I already have a conversation it  is of the devil to have worship service on the Sunday which happen to be the first day of the week, and not the seventh day or the Sabbath day.  They even criticized the Church of Christ or Iglesia ni Cristo for having a Thursday worship service, or having a twice a week worship service.  Are we against the verse cited? The answer is NO!  It is true that the Israelites  were commanded to observe the day of the Sabbath (Deuter.5:12-15). Our  Lord God gave this commandment to His servant Moses.  “ There are six days when you may work, but the seventh day is a Sabbath of rest, a day of sacred assembly. You are not to do any work; wherever you live, it is a Sabbath to the Lord” (Lev.23:3 NIV).  Those who did not observe this at that time were punished (Numbers 15:32-35).  Thus, during the time of Moses, this commandment of God was carefully observed.

But time came when the observance of the Sabbath became meaningless to our Lord God.  The Prophet Isaiah clarify this in his writings, “Stop bringing meaningless offering! Your incence is detestable to me. New Moons, Sabbath and convocations  I cannot bear your evil assemblies” (Isa. 1:13 Ibid.)

It is made clear to us that the Israelites observance of the Sabbath became meaningless before God and thus, should be stopped (Hos.2:11).  Even our Lord Jesus Christ did not observe the day of rest as what is written in Luke 13:14-16: “ Indignant because Jesus had healed on the Sabbath, the synagogue ruler said to the people; ‘there are six days for work. So come and be healed on those days, not on the Sabbath”. The Lord answered him, you hypocrites! Doesn’t each of you on the Sabbath untie his ox or donkey from the stall and lead it out to give it water?  Then should not this woman, a daughter of Abraham, whom Satan has kept bound for eighteen long years, be set free on the Sabbath day from what bound her”(NIV)

In this light, let us understand that in the Christian Era, the observance of the Sabbath as decreed in the Law of Moses is no longer commanded to be practiced.  Furthermore, it is clarified by the bible that people will not be justified by the Law of Moses. (Acts 13:39)

But man’s obligation to serve and worship God never ceases because this is his primary duty to his creator (Psalms 100:2-3)  Even during the time of the apostles, the Christians continued to gather together to fulfill this sacred commandment: “ Now on the first day of the week, when the disciples came together to break bread, Paul, ready to depart the next day, spoke to them and continued his message until midnight” (Acts 20:7NKJV).  It must be noted that in this verse, the day the first century  Church of Christ performed their congregational worship service was on “the first day of the week”  or  Sunday.  For this same reason the Iglesia ni Cristo holds worship services during Sundays.  How about other days?  Is it forbidden by God to holds worship services on other days? Again, the Acts of the Apostles 2:46 states that:  “They followed a daily discipline of worship in the Temple followed by meals at home, every meal a celebration, exuberant and joyful” (The Message).  We must realize that there was even a time when the early Christians held their congregational services daily.

 This is why  the Iglesia ni Cristo  holds worship services during Thursdays or Wednesdays and Sundays or Saturdays.  Whatever  the day  or time,  whenever  the worship service comes,  whatever the hindrances  maybe, Church Of Christ members give utmost importance to worshipping God because it is a commandment that   His true servants always fulfill.

Thursday, 18 April 2013

Sa Pilipinas Itinakda Ang Paglitaw Ng Tunay Na Iglesia




                                                     

Paano nagkaroon ng Iglesia Ni Cristo sa Pilipinas?  Sa Juan 10:16, ay ganito ang sabi ni Cristo:

      “At mayroon pa akong ibang mga tupa, na hindi sa kulungang ito:  sila’y kailangan din namang dalhin ko, at kanilang diringgin ang aking tinig; at sila’y magiging isang kawan.”

Ang sabi ni Cristo, mayroon pa Siyang ibang mga tupa na wala pa sa kulungan noong Siya’y narito pa sa lupa.  Ang mga ito ay dadalhin Niya at kanilang diringgin ang Kanyang tinig, at sila’y gagawin Niyang isang kawan at magkakaron ng isang pastor.  Ano itong kawan?  Sa Gawa 20:28, tinitiyak na ang kawan ay ang Iglesia ng Panginoon.  Ang Panginoon ay si Cristo ( Gawa 2:36).  Samakatuwid, ang kawan ay ang Iglesia Ni Cristo.  Kung gayon, gagawin ni Cristong Iglesia Ni Cristo itong Kanyang ibang mga tupa na noong narito pa Siya sa lupa ay wala pa sa kulungan.  Sinu-sino naman itong mga tupa ni Cristo na nasa kulungan na noon at sinu-sino naman itong wala pa sa kulungan?  Sa Gawa 2:39, ay ganito ang sinasabi:

     “Sapagkat sa inyo ang pangako, at sa inyong mga anak, at sa lahat ng nangasa malayo, maging ilan man ang tawagin ng Panginoon nating Dios sa kaniya.”

 Ang tanong natin ay kung sinu-sino  ang mga tupa ni Jesus na nasa kulungan na at ang mga wala pa sa kulungan.  Ang isinagot sa atin ng talata’y ang tatlong pulutong ng mga taong tatanggap ng Espiritu Santo.  Ang una’y “sa inyo”, ang ikalawa’y sa “inyong mga anak” at ikatlo’y sa “lahat ng nangasa malayo, maging ilan man ang tawagin ng Diyos”.  Ang dalawang naunang pulutong ay natawag na, kaya ang mga ito’y nasa kulungan na noon; ngunit itong huli o ikatlong pulutong ay hindi pa natatawag noon kundi tatawagin pa lamang sila, kaya wala pa sila sa kulungan noong si Cristo’y narito pa sa lupa.  Sinu-sino ba itong natawag na o nasa kulungan na noong si Cristo’y narito pa sa lupa at sa panahon ng mga Apostol?  Sa Roma 9:24, ay ganito ang patotoo ni Apostol Pablo:

     “Maging sa atin na kaniya namang tinawag, hindi lamang sa mga Judio, kundi naman mula sa mga Gentil.”

Ang mga natawag na ay ang mga Judio at ang mga Gentil.  Ito ang mga tupa ni Cristo na nasa kulungan na noon.  Sino naman itong mga tupa ni Cristo na wala pa sa kulungan noon?  Ito ang mga nasa malayo , na noon ay hindi pa tinatawag kundi tatawagin pa lamang, kaya wala pa sila sa kulungan.  Alin itong malayo na kinaroroonan ng mga tupa ni Cristo na wala pa sa kulungan o hindi pa natatawag noong si Cristo ay narito pa sa lupa?  Sa Isaiah 43:6, ay ganito ang nasusulat:

     “Aking sasabihin sa hilagaan, Bayaan mo, at sa timugan, Huwag mong pigilin; dalhin mo rito ang aking mga anak na lalake na mula sa malayo, at ang aking mga anak na babae  na mula sa mga wakas ng lupa.”

Kinikilala rin ng Diyos na Kanyang mga anak itong mga tupa ni Cristo na nasa malayo na noong panahon Niya rito sa lupa ay wala pa sa kulungan.  Ngunit aling malayo?  Sa Isaiah 43:5 ay ganito ang sinasabi:

     “Huwag kang matakot, sapagka’t ako’y sumasaiyo; aking dadalhin ang iyong lahi mula sa silanganan, at pipisanin kita mula sa kalunuran.”

Aling malayo?  Malayong Silangan!  Ang sabi ng iba, wala raw mababasang Malayong Silangan sa Bibliya.  May mababasa raw na salitang malayo na ito’y nasa talatang 6, at may mababasa raw na salitang silangan na ito nama’y nasa talatang 5, ngunit iyong salitang malayong silangan na magkasama o magkakabit ay wala raw mababasa.  Hindi totoo ito sapagkat sa Bibliyang Ingles ng Isaiah 43:5 na salin ni James Moffatt ay ganito ang nasusulat:

“From the far east will I bring your offspring …”

Sa wikang Pilipino:

“Mula sa malayong silangan ay aking dadalhin ang iyong lahi…”

Hindi ba maliwanag na Malayong Silangan ang nabasa natin?  Maliwanag!  Bakit sa Bibliyang Tagalog ay wala iyong Malayong Silangan?  Kung wala man, walang ibang dapat sisihin kundi ang mga nagsalin ng Bibliyang Tagalog.

Alin naman itong malayong Silangan?  Sa World History nina Boak, Slosson, at Anderson, pahina 445, ay ganito ang sinasabi:

Sa Tagalog na:

“Ang Pilipinas ay naging bahagi ng Espanya sa unang kilusan sa pananakop sa Malayong Silangan.”

Maliwanag na pinatutunayan ng kasaysayan na ang Malayong Silangan ay ang Pilipinas.  Ang Kanyang mga anak na lalaki at babae ay Kanya ring dadalhin at diringgin ang Kanyang tinig at sila’y gagawin Niyang isang kawan o Iglesia.

Paano pinatunayan ng hula ng Diyos na Iglesia Ni Cristo ang lilitaw sa Pilipinas?  Sa Isaiah 43:5-7, ay ganito ang nasusulat:

     “Huwag kang matakot, sapagka’t ako’y sumasaiyo:  aking dadalhin ang iyong lahi mula sa silanganan, at pipisanin kita mula sa kalunuran.
     “Aking sasabihin sa hilagaan, Bayaan mo, at sa timugan, Huwag mong pigilin; dalhin mo rito ang aking mga anak na lalake na mula sa malayo, at ang aking mga anak na babae na mula sa mga wakas ng lupa;
     “Bawat tinatawag sa aking pangalan, at yaong aking nilikha ay aking kaluwalhatian, yaong aking inanyuan, oo, yaong aking ginawa.”

Ano ang itatawag ng Diyos sa Kanyang mga anak na lalaki at babae na mula sa Pilipinas ayon sa hula?  Sila’y tatawagin sa Kanyang pangalan.  Aling pangalan?  Yaong pangalan na Kanyang nilikha o ginawa para sa Kanyang kaluwalhatian.  Alin ba ang pangalang ginawa ng Diyos para sa Kanyang kaluwalhatian?  Sa Gawa 2:36, ay ganito ang sinasabi:

     “Kaya't dapat malaman ng buong Israel na itong si Jesus na ipinako ninyo sa krus ay siyang ginawa ng Diyos na Panginoon at Cristo!"

Alin ang pangalang ginawa ng Diyos?  Ang pangalang Cristo.  Ito nga ba’y sa ikaluluwalhati ng Diyos?  Oo, gaya ng pinatutunayan sa Filipos 2:9-11.  Papaano ba kung itawag ang pangalang Cristo sa mga kinikilala Niyang mga tupa Niya?  Iglesia Ni Cristo kung ito’y itawag sa Roma 16:16.  Ano ang kahalagahan ng pangalang ito?  Ito ba’y walang kabuluhan?  Dapat ba itong baguhin o palitan?  Sa Gawa 4:10-12, ay ganito ang nasusulat:

     “Talastasin ninyong lahat, at ng boong bayan ng Israel, na sa pangalan ni Jesucristong taga Nazaret, na inyong ipinako sa krus, na binuhay ng Dios na maguli sa mga patay, dahil sa kanya ay nakatindig ang taong ito sa inyong harap na walang sakit.
     “At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan; sapagka’t walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas.”

Napakahalaga ng pangalan ni Cristo o ng pangalang Iglesia ni Cristo.   Sa kanino mang iba’y walang kaligtasan.

Kailan itinakda ng hula ang paglitaw sa Pilipinas ng Iglesia Ni Cristo?  Ayon sa hulang ating sinipi na sa unahan nito (Isaiah 43:5-6), ang panahong itinakda ng Diyos sa paglitaw ng Iglesia Ni Cristo sa Pilipinas ay sa mga wakas ng lupa.  Kailan itong mga wakas ng lupa?  Upang matiyak natin ito, kailangan nating pag-aralan ang pagkakahati ng panahon ni Cristo.  Sa ilang hati nababahagi ang panahon ni Cristo?  Sa Apocalipsis 5:1, ay ganito ang sinasabi:

     “At nakita ko sa kanang kamay niyaong nakaupo sa luklukan ang isang aklat na may sulat sa loob at sa labas, na tinatakang mahigpit ng pitong tatak.”

Mapapansin natin sa pagbasa ng talatang ito na tila malayo ang sagot sa ating tanong.  Ang itinatanong natin ay kung sa ilang bahagi nahahati ang panahon ni Cristo, ang isinagot sa ati’y isang aklat na may pitong tatak.  Tunay na aklat kaya itong natatakan ng pitong tatak?  Sa Isaiah 29:11, ay ganito naman ang nakasulat:

     “At sa lahat ng pangitain ay naging sa inyo’y gaya ng mga salita ng aklat na natatatakan, na ibinibigay ng mga tao sa isang marunong bumasa, na sinasabi,  Iyong basahin ito, isinasamo ko sa iyo:  at kaniyang sinasabi, Hindi ko mababasa, sapagka’t natatatakan.”

Samakatuwid, hindi tunay na aklat sa kalagayan itong aklat na natatatakan ng pitong tatak kundi ito’y pangitain.  Ang panahon ba ni Cristo’y ipinakita sa mga pangitain?  Sa Apocalipsis 1:10, 17-19, ay ganito ang sinasabi:

     “Ako’y nasa Espiritu nang araw ng Panginoon, at narinig ko sa aking likuran ang dakilang tinig na tulad sa isang pakakak.
     “At nang siya’y aking makita ay nasubasob akong wari’y patay sa kaniyang paanan.  At ipinatong niya sa akin ang kaniyang kanang kamay, na sinasabi, Huwag kang matakot; ako’y ang una at ang huli”
     “At ang nabubuhay; at ako’y namatay, at narito, ako’y nabubuhay magpakailan man, at nasa aking kamay ang mga susi ng kamatayan at ng hades.
     “Isulat mo nga ang mga bagay na nakita mo, at ang mga bagay ngayon, at ang mga bagay na mangyayari sa darating.”

Ipinakita ba sa pangitain ang panahon ni Cristo?  Ipinakita kay Apostol Juan upang maisulat niya ang mga pangyayaring magaganap sa buong panahon ni Cristo.  Sa ilang bahagi ba nahahati ang buong panahon ni Cristo?  Nahahati ito sa pitong tatak o pitong buko ng panahon.  Saan sa pitong bukong ito ng panahon o pitong tatak ang tinatawag na mga wakas ng lupa?  Sa dulo ng ikaanim ng tatak at sa simula ng ikapitong tatak.  Ito ang tinatawag na mga wakas ng lupa.  Bakit ang sabi’y mga wakas ng lupa?  Sapagkat ang dulo ng ikaanim na tatak ay isang wakas at ang simula ng ikapito’y wakas din, sapagkat ito ang wakas ng hati ng panahon ni Cristo, at sa dulo ng ikapitong tatak ay wakas naman ng sanlibutan, kaya kung tawagin ang dulo ng ikaanim, at simula ng ikapitong tatak ay mga wakas ng lupa.  Anong petsa ito  sa ating kalendaryo?  Upang ito’y matiyak natin, alamin muna natin ang pangyayaring naganap sa dulo ng ikaanim na tatak.  Sa Apocalipsis 6:12, ay ganito ang sinasabi:

     “At nakita ko nang buksan niya ang ikaanim na tatak …”

Sinasabi ritong binuksan ang ikaanim na tatak.  Ano ang pangyayaring naganap sa dulo nito?  Sa talatang 15, ay ganito ang sinasabi:

     “At ang mga hari sa lupa, at ang mga prinsipe, at ang mga pangulong kapitan, at ang mayayaman, at ang bawa’t alipin at ang bawa’t laya, ay nagsipagtago sa mga yungib at sa mga bato sa bundok.”

Ano ang pangyayari?  Nagsipagtago sa mga yungib at mga bato sa mga bundok ang lahat ng uri ng mga tao.  Ano ang dahilan ng kanilang pagtatago?  Sa Jeremias 4:23, 19, ay ganito ang sinasabi:

     “Narito, siya’y sasagupang parang mga ulap, at ang kaniyang mga karo ay magiging parang ipo-ipo:  ang kaniyang mga kabayo ay lalong matulin kay sa mga aguila.  Sa aba natin!  Sapagkat tayo’y nangapahamak.

     “Ang hirap ko, ang hirap ko!  Ako’y nagdaramdam sa aking puso; ang dibdib ko ay kakaba-kaba, hindi ako matahimik;  sapagkat iyong narinig O! kaluluwa ko, ang tunog ng pakakak, ang hudyat ng pakikidigma.”

Bakit nagtago?  Sapagkat may naganap na digmaan nang panahong yaon.  Bakit nagsipagtago ang mga tao?  Ang digmaang ito’y ginamitan ng mga makabagong kagamitang pandigma, gaya ng mga karo na parang ipuipo (mga tangke) at mga kabayong matulin pa sa mga agila (mga eroplano)—tinatawag itong ‘aerial cavalry’ o kabayuhang panghimpapawid (World History, p. 478).  Kapag sumasasalay ang mga eroplano’y may hudyat na tumutunog.  Ito ang tunog ng mga sirena na nagbababala sa mga tao na may pagsalakay sa himpapawid.  Kapag narinig ito ng mga tao’y kumakaba ang kanilang mga dibdib, at sila’y nagsisipagtago sa mga yungib na sa makabagong tawag ay ‘air raid shelter’.  Anong uring digmaan itong magaganap sa dulo ng ikaanim na tatak ayon sa hula?  Ito’y digmaan ng lahat ng mga bansa sa buong sanlibutan (Isaiah 34:1-2), samakatuwid ay Digmaang Pandaigdig.  Kailan ito naganap ayon sa ating kalendaryo?  Noong 1914.  Ang panahong ito ang tinatawag ng Biblia na mga wakas ng lupa.  Sa panahong ito itinakda ng hula ang paglitaw sa Pilipinas ng Iglesia Ni Cristo na mga tupa ni Jesus na wala pa sa kulungan noong narito pa Siya sa lupa.  Natupad ba ang hula?  Natupad!  Ang Iglesia Ni Cristo ay napatala sa pamahalaan noong Hulyo 27, 1914 kasabay ng pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig.  Sino ang nagtayo ng tunay na Iglesia Ni Cristo na lumitaw sa Pilipinas noong 1914?  Ang Diyos at si Cristo sa bisa ng hula.  Natupad ito sa pamamagitan ng pagsusugo kay kapatid na Felix Manalo sa mga huling araw na ito.