Saturday, 23 June 2012

Filipos 2:5-8 Si Cristo ba ay Dios?

Ang talatang ito ay isa sa madalas gamitin ng mga tao na naniniwala sa pagka Dios daw ni Cristo, suriin po natin kung tama po ba ang pagkaunawa nila sa talata?

Sipiin po natin ang nasabing talata:

5Ito ay sapagkat kailangang taglayin ninyo ang kaisipan na na kay Cristo Jesus din naman. 6Bagaman siya ay nasa anyong Diyos, hindi niya itinuring na kailangang pakahawakan ang kaniyang pagiging kapantay ng Diyos. 7Bagkus ginawa niyang walang kabuluhan ang kaniyang sarili at tinanggap niya ang anyo ng isang alipin at nakitulad sa tao. 8Yamang siya ay nasumpungan sa anyong tao, siya ay nagpakumbaba at naging masunurin hanggang sa kamatayan, maging sa kamatayan sa krus. Ang talatang ito ang siyang ebedensya na  si Cristo ay hindi tunay na Dios. Bakit? Pansinin ang banggit na….

“Naging masunurin hanngang sa kamatayan sa krus

Anong talata ang lalabagin pag tinanggap na Dios si Cristo?
ayon kay apostol Pablo ay ito po......

" Ngayon, sa Haring walang hanggan at walang pagkabulok, at hindi nakikita, at tanging matalinong Diyos, sumakaniya ang karangalan at kaluwalhatian magpakailan pa man. Siya nawa". ( 1Timoteo 1:17)

  "Ito ay sapagkat ibinigay ko na nga sa inyo nang una pa lamang ang akin ding tinanggap, na si Cristo ay namatay para sa ating mga kasalanan ayon sa mga kasulatan". (1 Mga Taga-Corinto 15:3)
Ang totoong DIOS  po ay walang kamatayan ayon sa pahayag ni Apostol Pablo kay Timoteo, samantalang ipinahayag naman niya sa mga taga Corinto na tanggap niya na si Cristo ay namatay. At Silang dalawa ay magkaibang entity,hindi po sila IISA,na ang ama ay si Jesus din tulad ng gustong palabasin ng mga naniniwalang Dios si Cristo., saka sisitas ng nasa Juan 10:30.

Sa pahayag ni apostol Pablo sa mga taga Filipos ay ganito po ang kanyang ipinahayag:

" Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Jesucristo.” (Mga Taga-Filipos 1:2)

Hayan po magkaiba po ang Cristo at ang Dios.

Ano pa po ang pruweba? Si Cristo po ay nanalangin sa Dios

Nanalangin si Jesus para sa Kaniyang Sarili.

 "Sinabi ni Jesus ang mga bagay na ito at tumingin siya sa langit at nagsabi:  Ama ang oras ay dumating na. Luwalhatiin mo ang  iyong Anak at nang luwalhatiin ka rin naman ng Anak. Kung paanong binigyan mo siya ng kapamahalaan sa  lahat ng tao, sa gayunding paraan siya ay magbibigay ng  buhay na walang hanggan sa lahat ng ibinigay mo sa kaniya. Ito ang buhay na walang hanggan: Ang makilala ka nila, ang tanging Diyos na totoo at si Jesucristo na  iyong sinugo."(Juan 17:1-3) 

Kung ipapangatuwiran naman na ang Dios ay pwede ding suguin at manalangin, sige nga po hanapin natin sa kanila saang talata mababasa na ang Ama ay nanalangin kay Cristo?
Dito pa lang po nakikita na natin ang hindi nila pagkakapantay.

Ano pa po ang pagkakaiba ng Dios at ni Cristo? Ang sagot po, sa Likas na kalagayan!

"Ingatan nga ninyo mabuti ang inyong mga sarili; sapagkat wala kayong nakitang anomang anyo nang araw na magsalita ang Panginoon sa inyo sa Horeb mula sa gitna ng apoy". (Deuteronomio 4:14)

Juan 4:24 Ang Dios ay Espiritu! (likas na kalagayan)
Ang Dios ay hindi nakikita, ngayon po ano naman ang pahayag ni Lucas tungkol sa Cristo?

Lucas 24:39Tingnan ninyo ang aking mga kamay at mga paa. Ang mga ito ay nagpapatunay na ako ito. Hipuin ninyo ako at tingnan. Ang espiritu ay walang laman at buto tulad ng nakikita ninyo sa akin.

Mag kaiba ang likas na kalagayan ng Panginoong Dios at Panginoong Jesus.

Kung gayon ano po ang katumbas ng banggit na si Kristo ay nasa anyong Dios?

Ito po ay hindi tumutukoy sa likas na kalagayan.ano po ang ating katibayan?
 Ang katibayan po natin ay naipahayag na natin sa itaas, naipakita natin na ang Dios ay walang pisikal na anyo kaya, nasisiguro natin na ang anyong binabanggit ay hindi pisikal kundi ito ay anyo na ang aibig sabihin ay imahe, o image sa English. Meron po ba tayong kakampi na hindi naman kaanib sa Iglesia ni Cristo na makakapagpatunay ng ating sinasabi?
Meron po! Dito po babasahin natin kung ano ba ang pakahulugan niya sa salitang “anyo” o “form”.

“..it has been long recognized that ‘Morphe’ (form) and ‘eikon ‘ (image) are near synonyms and that Hebrew thought the ‘visible form of God’ is his glory” (CHRISTOLOGY IN THE MAKING By James D.G. Dunn p.115)



Ayon naman po pala ang ibig sabihin ng “anyo o image” ang anyong makikita sa Dios ay ang Kanyang kaluwalhati-an.
Bakit po tayo agree sa ating kakampi? Kasi po ang kanyang sinasabi ay kakampi din ng sinasabi ng biblia.

Heto po ang patunay mula sa biblia….

 2 Mga Taga-Corinto 4: 4Binulag ng diyos ng kapanahunang ito ang mga kaisipan ng mga hindi sumampalataya upang hindi lumiwanag sa kanila ang liwanag ng ebanghelyo ng kaluwalhatian ni Cristo na siyang ANYO ng Diyos.SND)

In the form of GOD- hindi sa kalagayan tumutukoy kundi sa KALUWALHATIAN ng Panginoong Dios.

 EFESO 4:24

 “at ang dapat makita sa inyo’y ang bagong pagkatao na nilikhang kalarawan ng DIOS, kalarawan ng kanyang katwuiranat kabanalan.”(SND)

Si Cristo ay larawan o anyo ng Dios hindi po DIOS!

No comments:

Post a Comment

Note: only a member of this blog may post a comment.